Chapter 8

31 1 1
                                    


"Ano bang ginawa kong kasalan sa inyo? Bakit niyo ba 'to ginagawa saken?"


"Anong kasalanan mo? Tinatanong mo kung ano? Masyado ka kasing epal! Lahat inagaw mo na!"


"Ano bang sinasabi mo? Anong inagaw ko sayo?"


"Lahat! Inagaw mo lahat saken!"



Napamulagat ng bangon si Arqui mula sa mahimbing na pagkakatulog. Basang-basa siya ng sariling pawis at hingal na hingal.


"Panaginip lang pala.", bulong niya sa sarili habang pinapunusan ang mukha.


Napatingin siya sa alarm clock niyang nasa ibabaw ng bed side table niya. 5:15 pa lang ng umaga. At dahil mukhang hindi na rin siya makaktulog ay minabuti na niyang mag-ayos at maghanda para sa pagpasok niya sa university. Kinuha niya ang kanyang towel at nagdiretso na sa kusina. Doon ay nadatnan niyang naghahain ng almusal ang kanyang tita Celine. Agad siyang binati nito.


"Oh! Himala ata at ang aga mong nagising?", takang tanong nito sa kanya.


"Nanaginip ako ng masama.", aniya sabay hila sa upuang nasa may lamesa para maupo. "Isang pangit na panaginip."


"Kung nakita mo sa panaginip mo ang sarili mo, eh panget nga 'yon!", natatawang sabi ng Celine niya na busy sa pag-aayos ng mga plato. Sinimangutan naman niya ito at nagpatuloy na sa pagkain ng agahan.


Matapos kumain ay nagtuloy na si Arqui sa banyo para maligo. Dinalian niya ang kilos dahil kanina pa siyang binubungangaan ni Arquin. Inunahan niya kasi ito sa pagpasok sa banyo.


---------


"Arqui!!!!!", sigaw ni Solar ng magkasalubong sila ni Arqui sa hallway. Agad naman itong sinalubong ni Arqui. "Ang aga natin ah! Anong nakain mo?"


"Mabilis lang talaga ko kumilos."


"Wow! Ikaw? Wag ako, oy! Eh inaabot ka nga ng 30 minutes sa banyo!", natatawang sabi ni Solar.


Habang masayang nagkukwentuhan sa may hallway ang dalawa ay napatingin sila sa umpukan ng mga estudyanteng nakaupo sa bench sa harap ng building nila. Nagtatawanan at nagsisigawan ang mga ito dahilan para makaagaw ng atensiyon ng ibang estudyante.


"Ay nako! Ayan na naman sina Aqua. Pabida na naman! Buti sana kung beauty and brains eh. Eh kaso kinulang na nga sa ganda, kinulang pa sa talino. Tsk!", napapailing na sabi ni Solar habang nakatingin sa grupo nina Aqua.


"Ano bang meron?", takang tanong ni Arqui.


"Ipinagmamalaki na naman niya yung pagkapanalo nila sa cheerdance competition. Akala mo naman siya yung nagdala sa team. Bida-bida!", simangot na sagot ni Solar.


"Eh di ba siya, siya naman yung captain nila? Ang alam ko siya yung umusip ng ibang routine ng team nila ah."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon