Chapter 5

14 1 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?"



Magkapanabay na tanong nila sa isa't-isa.




"Dito ako nakatira.", sagot ni Arqui habang nakaturo sa bahay nila. "Ikaw? Bakit ka nandito?"



"Arqui? Sino yan?", tanong ng Tita Celine nya habang naglalakad palapit sa gate ng bahay nila kung saan sila naroon. "Thunder?!", gulat na tanong nito ng mapagsino ang taong nasa labas ng gate ng bahay nila. "A-anong g-ginagawa m-mo dito?", tanong ni Celine sa nakangangang si Chase habang palipat-lipat na nakatingin sa kanilang dalawa.



"P-paanong?", di makapaniwalang tanong ni Chase.


"Ah? Tita ko siya?", patanong na sagot ni Arqui. "Teka, bat ka pala nandito?", puno ng pagtatakang tanong nito kay Chase na ngayon ay hindi pa din maipinta ang mukha.



"A-ah! K-kukunin mo n-na b-ba yung l-libro?", nauutal na tanong ni Celine. "Ano kase, nanghihiram sya ng libro. Oo tama! Para sa kuya niya, di ba?", pangungumbinsi ni Celine.

"O-oo, yung libro ni kuya.", sagot naman ni Chase.


"Ah~", ang tanging naisagot ni Arqui habang marahang tumatango.

"Teka lang. Kukunin ko lang sa loob.", ani Celine habang nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.


Naiwan naman sa may gate si Arqui at Chase. Nabalot nang katahimikan ang pwesto nila ng magsalita si Arqui.


"Bunsong kapatid siya ng Mama ko.", aniya habang nakatingin kay Chase na hindi mapakali sa pwesto nito. "Okay ka lang ba? Para kang bulate na nilagyan ng asin!", puna niya rito.


Napatigil naman sa paglipat-lipat ng pwesto si Chase. Humalukipkip nalang ito at sumandal sa pader habang hinihintay ang librong kailangan niya. Wala ito sa mood makipag-usap lalo na't hindi nito kaclose ang kaharap.


"Gusto mo bang pumasok muna sa loob? Baka hinahanap pa ni Tita Mommy yung libro na kailangan mo.", aya ni Arqui dito, pero bagkus na sumagot ay tiningnan lamang siya nito pagkakuwan ay ibinalik ang tingin sa kung saan man."Tss... Sungit!", aniya habang padabog na umalis sa may gate.


"Oh? Asan si Thunder?", takang tanong ni Celine ng magkasalubong sila sa salas.

"Thunder?", takang tanong naman ni Arqui.


"S-si Chase. Asan na siya?".


"Ah~. Iniwan ko dun sa may gate. Ayaw naman pumasok eh.", maktol nito tsaka nagdiretso na ulit pabalik ng kusina. "Ang yabang kainis! Kala mo naman gwapo!".





"May bisita si Tita,?", tanong ni Arquin na kakapasok lang ng kusina. "Sino yung nasa labas?".

"Ah, si Chase yun! Classamate ko. May kinuha lang na libro", sagot nya sa kapatid habang inaayos ang lamesa sa kusina.

"Classmate mo? Meaning, kaedad mo?", puno ng pagtatakang tanong ni Arquin.


"Malamang! Siguro! Bakit ba?", tanong niya sa kapatid.


"W-wala!", ani Arquin bago muling lumabas ng kusina.

"Problema nun?", bulong ni Arqui sa sarili.




Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na sa kusina ang Tita Celine nya tinulungan siyang maghain para sa hapunan. Kapagkuwan ay tinawag na niya ang mga kapatid para makakain na sila. Masaya naman silang nagkukwentuhan habang kumakain samantalang panay naman ang sulyap ni Arquin sa Tita nya na nakaupo sa sentro ng lamesa.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon