Chapter 2

49 2 0
                                    

Bitbit ang paboritong bonzai na halaman ay nakasimangot na bumaba ng van si Arqui.

Parang nilukot na papel ang mukha niya. Sino banamang hindi? Sa halos tatlong oras na biyahe kasi nila mula Manila hanggang Tagaytay ay hindi lang ata tatlong beses siyang nagsuka.

Hindi talaga siya mahilig bumiyahe ng malayo dahil may motion sickness siya lalo pa't airconditioned van ang sinakyan nila.

Linggo na sila ng hapon nakauwi ng Tagaytay dahil sa dami ng gamit na kailangan nilang ayusin. Halos mapuno ng mga gamit ang van na sinakyan nila. Natagalan din sila sa pag-alis dahil iyak ng iyak ang Lola Lea nila dahil ayaw silang paalisin. Nangako nalang sila na dadalasan ang pagtawag kaya naman napapayag din ito.

"Okay ka lang?", nag-aalalang tanong ng Tita Celine niya habang hinahawi ang buhok niyang nakatabing sa mukha niya.

"Nahihilo ako, Tita. Di talaga ko pwedeng bumiyahe ng malayo.", mangiyak-ngiyak na sabi niya sabay sandal ng ulo sa balikat nito.

"Sabi ko naman kasi sayo, dapat nagsasanay ka na magbyahe ng malayo. Tingnan mo itsura mo? Para kang nirape.", pang-aasar sa kaniya ng Tita niya.

Nakapasok na sila sa loob ng bahay ng Lola niya kung saan din sila nakatira. Inilibot niya ang mata sa kabuuan ng salas. Walang nagbago sa bahay na 'yon.

Mula sa puting pintura ng pader, kulay skyblue na kisame na kakulay ng langit, mga antique at babasaging display at pati ang mga litrato nilang mag-anak na nakapatong sa ibabaw ng mahabang cabinet.

Nilapitan niya ang cabinet na iyon at kinuha ang litrato ng Lola Betty niya na magdadalawang taon ng patay. Ipinamana nito ang bahay sa kanilang Mama dahil ito ang bunsong anak nito sa kanyang Lolo na tunay nitong asawa.

Her Tita Celine is her mother's step-sister. Anak ito ng kanyang Lola sa ikalawang asawa nito, ngunit namatay din dahil sa atake sa puso ten years ago.

"MamaLa (Mama-Lola), andito na ko.", nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa litrato nito. "I miss you, MamaLa. Super! Ang dami kong kwento sa inyo.", mangiyak-ngiyak niyang sabi.

Arqui is a Lola's girl.
Sa lahat ng pinsan niya ay siya ang pinakaclose sa kanilang Lola Betty. Ito kasi ang nag-alaga at nagpalaki sa kaniya. Palagi kasing busy noon ang kanyang mga magulang sa pagtatrabaho kaya naman lagi siyang naiiwan sa kanyang Lola. Mas close pa nga siya rito kaysa sa sarili niyang mga magulang.

"Ponytail, akyat ka na muna sa kwarto. Matulog ka muna ata baka mamaya magsuka ka na naman diyan.", pang-aasar sa kanya ng Tito Alex niya na pinsan ng Mama niya.

Sinimangutan niya ito. "Tito, naman eh! Sabi na sa inyo na 'wag niyo na ko tatawaging ponytail!".

"Oh bakit? Bagay pa rin naman sayo ah!", pang-aasar pa lalo ng Tito niya. "Sige na, Ponytail. Akyat ka na!", natatawang sabi ng Tito niya.

Pumapadyak namang naglakad si Arqui paakyat ng hagdan. Nang makarating siya sa tapat ng Tito Alex niya ay agad niya itong kinagat sa braso dahilan para mapasigaw ito ng malakas.

Dali-dali naman siyang pumasok sa loob ng kwarto niya habang tatawa-tawa. "Bye-bye, Tito! Hahahaha!".

Naririnig naman niyang umaaray pa rin sa sakit ang Tito Alex. Napailing-iling nalang siya. "Bakit siya nasaktan, eh di ba kapag mataba mataba din yung taba? Eh puro taba naman yung nakagat ko sa braso niya. Tito, talaga ang OA. Tsk!".

Ponytail ang tawag sa kaniya ng mga tito at tita niya maging ng mga pinsan niya. Lagi kasi siyang nakaponytail at ayaw na ayaw niyang nakalugay ang buhok niya.

Pasalampak siyang nahiga sa kama niya. Namiss niya ang kama niyang tuwing bakasyon lang niya nahihigaan at nagagamit. Dahil na rin sa pagod ay nakatulog siya kaagad.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon