Chapter 3

22 1 0
                                    

Monday

New Day

New Chapter

Habang mabagal na naglalakad ang magkakapatid patungo sa Sisters of Mary Academy ay panay din naman ang buntong hininga nilang tatlo. Banaag sa mukha nila na hindi pa sila handang pumasok.

Oh scratch that, banaag sa mukha nila na AYAW PA NILANG PUMASOK.

"Pwede bang umuwi nalang?', tamad na tanong ni Arquin.

"Tara uwi!", aya naman ni Arqui.

Nagkatinginan silang magkapatid at sabay na napabuntong hininga.

Nang makarating sa gate ng Academy ay chineck muna ng guard ang mga ID at bag nila kagaya ng ibang estudyante. Muntik pa nga silang hindi papasukin dahil wala silang suot na ID. Mabuti nalang at nakagawa ng letter ang kanilang Tita Celine kagabi in case na hindi sila papasukin ng guard.

Nang makapasok sa Academy ay una nilang pinuntahan ang Elementary Building sa kaliwang bahagi ng Academy para ihatid si Arquil.

"Quil, tara na! Wag ng makulit! Ay nako!", pilit ni Arqui sa kapatid na nakayakap sa lamp post.

"Ayaw! Ayako ate! Uwi nalang tayo!", nagmamakaawang turan ng kapatid.

"Quil, hindi pwede. Hindi na tayo palalabasin ng guard!".

"Pero ate! Pano kung ayaw nila saken. Pano pag konti lang makipag-friends saken?", naiiyak na tanong ni Arquil.

"Quil.", lumuhod si Arqui sa harap ng kapatid para pantayan ito. "Basta, be friendly lang! Wag mang-aaway. Di ba sabi ni Mama, kapag mabait ka madaming matutuwa sayo. Madaming makikipagfriends sayo. Pero kapag bad ka, walang makikipagfriends sayo. Be nice. Okay?", tumango-tango naman ang kapatid niya. "Promise?", nakapinky finger na turan niya sa kapatid. Nakipag-pinky finger naman ito sa kanya.

"And Quil, wag na wag kang papayag na ibully ng mga classmates mo. Kapag may nangbully sayo, sabihin mo agad sa teacher mo, wag mo silang papatulan. Wag mong gagawin sa kanila kung anong ginawa nila sayo, Okay?", ani naman ni Arquin.

"Aye! Aye! Captain!", saludo ni Arquil sa kanilang dalawa.

"So, okay na? Tara na?", nakangiting tanong ni Arqui kay Arquil.

Tumango-tango naman si Arquil kaya nagsimula na ulit silang maglakad papunta sa classroom niya.

Nang makarating sa classroom ay marahang kumatok si Arqui sa pinto. Binuksan naman ito ng nagpakilalang Adviser ni Arquil.

"Hi! Ikaw pala si Arquil. Let's go inside? I'll introduce you to the class.", nakangiting turan ng adviser.

"Bye-bye, ate! Bye-bye, kuya!", paalam ni Arquil na kumakaway sa dalawa bago tuluyang pumasok.



"Oh, san punta mo?", tanong ni Arqui kay Arquin ng mapansin na nakabuntot ito sa kanya.

"Ihahatid muna kita sa room mo."

"Ano ako bata?!"

"Ate, lampa ka kaya! Baka unang araw mo pa lang dito mapahiya ka na kaagad! Tsk!", nilampasan ni Arquin ang kapatid niya at naunang maglakad papunta sa Senior High Building na nasa kabilang panig ng field.

"Alam ba nila na nandito ka na ulit?", tanong ni Arquin na ang tinutukoy ay ang mga kaibigan ni Arqui.

"Si Solar alam na. Pero sina Silver, hindi pa. Ikaw?", balik niyang tanong.

"Alam mo namang chismoso sina Angelo. Hindi ko pa nasasabi sa kanila, alam na nila.", naiiling na sagot ni Arquin.

"Di ba si Arquin yan?"

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon