Chapter 7

17 0 1
                                    


"Bro! Ano na! Kanina pa tayo nandito sa studio. Nasaan na ba kasi si Chase?"


Iritableng tanong ni Blue habang hawak ang drumstick na maya't-maya nitong ipinapalo sa katabing upuan.


"Kanina ko pa nga tinatawagan hindi naman sumasagot eh. Lagi na lang siyang late. Tsk!", ani Zander. "Trace, subukan moka yang tawagan."


"Kung kayo nga di sinasagot, ako pa kaya."


Ani Trace na kanina pang nakahiga sa sahig ng studio.



Araw ng Sabado kaya naman nagdesisyon sila na simulan ang practice nang alas-nuwebe ng umaga sa nirentahan nilang studio.

 Malapit na kasi ang Foundation Day ng Academy kaya naman kailangan na nilang magpractice.

 Isa ang banda nila sa napiling magpeperform para sa araw na iyon. Pero heto nga at alas-onse na nang tanghali ay wala pa rin si Chase na Vocalist ng banda nila.



"Chasing Thunders"



Ang napili nilang ipangalan sa banda nilang apat.


Nagsimulang mabuo ang banda nila nang nasa Grade 10 pa lamang sila. Transferee silang apat sa Sisters Of Mary Academy na isang COED School. 


Hindi naman talaga sila magkakaclose noong una. Naging malapit lang silang apat nang maging magkakagrupo sila sa MAPEH subject nila kung saan kailangan nilang magperform. It's either dancing, singing or acting o kung ano man na maaring nilang maipakita ang talents nila thru music.


Dahil pare-parehas na mahilig sa music ay hindi naging mahirap para sa kanila na magperform.


They can also play instruments.


Trace can play any kinds of guitar.


Zander can play piano and keyboard.


Blue can play the drums.


While Chase can sing well and can also play a guitar.


Mas naging close pa sila lalo dahil araw-araw silang nagsasama-sama para magpractice hanggang sa maisipan nilang bumuo ng banda.


Trace, Zander and Blue agreed. But Chase didn't. 


Aniya hindi naman siya talaga ganoon kainteresado sa pagbabanda at pagkanta. Kinailangan lang niyang kumanta at tumugtog sa harap ng maraming tao para sa grade niya.


Pero dahil gusto talagang mabuo ng tatlo ang banda, araw-araw nilang sinusundan at binubwisit si Chase na sumali sa banda. Hanggang sa matapos ang halos tatlong buwan na pangungulit nila ay napapayag nila ito.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon