Chapter Eleven

682 37 9
                                    

NAPANGANGA na lang si Archie at hindi makapagsalita. Natitigalgalan siya sa nangyayari. Naguguluhan siya. Parang sasabog na ang utak niya ng sandaling iyon. Panay pa rin ang talak ng boss niya sa kabilang linya. Upang makapag-isip nang maayos ay pinutol na niya ang tawag. Wala siyang pakialam kahit na magalit ito sa kaniya. Hindi na rin naman siya nito ire-renew kaya ayos lang.

Muli niyang tiningnan ang kalendaryo at hindi siya namamalik-mata. November 30 talaga ang date na naroon. Chi-neck niya rin sa calendar sa cellphone niya para sigurado. November 30 talaga, e!

“Shit… Ano ba ang nangyayari?” Napasabunot na si Archie sa sariling buhok. Litong-lito na nakatingin sa kawalan.

Pilit siyang nag-iisip ng kasagutan pero walang pumapasok sa utak niya.

Baka naman panaginip lang ito… aniya sa sarili. Pinagsasampal niya ang sariling pisngi.

Napahinto siya sa pananakit sa sarili nang may kumatok sa pinto ng kaniyang unit. Hindi niya alam pero parang lumakas ang tibok ng puso niya sa katok na iyon. Tatlong sunod na katok at mabagal. Pamilyar sa kaniya ang ganoong katok sa pinto.

L-lianne? Hindi makapaniwalang sigaw ng utak niya.

Hindi niya magawang gumalaw. Nakatitig lang siya sa pinto habang nanlalaki ang mga mata. Kahit patuloy ang pagkatok ay parang nagdadalawang-isip siya na buksan iyon. Baka kasi aasa lang siya na si Lianne iyon tapos hindi pala. Teka, paanong si Lianne ang kumakatok? Patay na ito. Nandoon pa nga siya sa burol nito at sa kwarto nito siya natulog. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung paanong paggising niya ay nandito na ulit siya sa condo niya at parang bumalik siya sa date na November 30.

“Hon? 'Andiyan ka ba sa loob?”

Mabilis na nagtayuan ang lahat ng balahibo ni Archie sa katawan nang magsalita ang kumakatok. Hinding-hindi siya pwedeng magkamali. Si Lianne iyon!

Parang patay na muling nagkaroon ng buhay na tinakbo ni Archie ang pinto at natatarantang binuksan iyon. Labis ang saya niya nang pagbukas niya ay nakita niya si Lianne na nakatayo doon.

Buong pagkasabik na niyakap niya ito. Mahigpit na mahigpit. “Salamat sa Diyos! Buhay ka! Buhay ka!” Paulit-ulit niyang usal kasunod ng pagsabog ng luha niya.

“Hon, o-okay ka lang? Buhay naman talaga ako.” May pagtatakang sabi ni Lianne. Inalis nito ang braso niya na nakapulupot dito. “Bakit may pag-iyak? Nagsusulat ka ba ngayon ng tragic story at nadala mo sa realidad kaya ka umiiyak? Ako ba ang inspiration mo tapos pinatay mo ako sa story?” Natatawang tanong pa nito.

Iling lang ang naisagot ni Archie.

Naglabas ng panyo si Lianne at pinunasan ang luha niya. “Hay, kawawa naman ang hon ko. Parang batang umiiyak. O, tahan na. Tara na sa loob.” Hinawakan nito ang isa niyang kamay. Pagkapasok nito sa loob ng unit niya ay isinara nito ang pinto.

Binitawan ni Lianne ang kamay niya. Pumunta ito sa may salas niya. Inalis nito ang bulok na bulaklak sa flower vase na nasa center table sa salas. Itinapon nito iyon sa basurahan. Pumunta ito sa kusina at itinapon sa lababo ang tubig sa flower vase. Pinalitan iyon ng bago at saka inilagay ang mga bagong white rose.

Tulala lang siya habang pinapanood ito. Sa tingin niya ay bumalik nga siya sa araw kung kailan mamamatay si Lianne. Kung paano ay hindi niya alam. Saka na niya iyon iisipin. Dahil sa binigyan siya ng ganitong uri ng pagkakataon ay hindi na niya ito sasayangin gaya ng nauna. Ang gagawin niya ay pipigilan niya ang kamatayan ni Lianne. Kailangan siguro ay lumipas ang araw na ito na buhay si Lianne para hindi na ito mamatay.

Nilapitan siya ni Lianne at kinuha ang dalawa niyang kamay. “Ang gulo ng unit mo, hon. Don’t worry, aayusin ko ito mamaya. Pero bago iyon—”

Kung 'Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon