MASUYONG pinagmamasdan ni Archie ang nobyang si Lianne habang mahimbing itong natutulog sa tabi niya. Nasa kwarto sila at isang oras na lang ay sasapit na ang alas-dose ng hatinggabi. Sa wakas ay matatapos na ang araw na ito, ang November 30—ang araw ng kamatayan ni Lianne.
Kanina ay hindi siya nagkamali dahil pagbukas niya ng pinto ay si Lianne ang naroon. Gaya ng naunang pangyayari ay nag-celebrate sila ng kanilang anniversary. Pero sa pagkakataon na iyon ay naging sobrang maingat na si Archie. Siya pa rin ang kumuha ng nakalimutang cake ni Lianne sa guard house. Hindi na siya nagluto ng carbonara at baka mabulunan na naman ito. Bagkus, lugaw ang niluto niya. Nilagyan niya ng hinimay na manok. Sa sobrang pagkakahimay niya ay muntik nang maging powder ang karne ng manok. Natatakot siya na baka bumara sa lalamunan ni Lianne kapag medyo malalaki ang pagkakahimay niya.
“Hon, masarap naman itong lugaw mo with chicken pero alam mo gusto ko ng carbonara sana…” sabi pa ni Lianne kanina habang kumakain sila.
Napahinto siya sa pagsubo. “Ha? C-carbonara?” Kinabahan si Archie. “Sa susunod, magluluto tayo. Wala kasing stock dito, e. Nakalimutan kong mag-grocery. Sorry, hon.”
“It’s okay. Atleast, hindi mo nakalimutan na anniversary natin ngayon.”
E, paano ba kasi niya makakalimutan kung ilang ulit nang nangyari ang araw na ito. Alam na niya ang mangyayari. Una, tatawag ang boss niya at sasabihin na hindi na siya ire-renew. Kasunod ay darating si Lianne at magce-celebrate sila ng anniversary. Ngunit hindi na ito ang orihinal na nangyari. Dahil sa una ay namatay si Lianne nang masagasaan ito ng truck.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya talaga alam kung bakit paulit-ulit siyang bumabalik sa araw na ito. Wala siyang maisip na pwedeng maging dahilan. Ganoon pa man ay nagpapasalamat siya dahil nagkakaroon siya ng chance na mapigilan ang kamatayan ng kaniyang girlfriend.
Katulad na lang ngayon. Ang naisip niya ay kailangan lang niyang patapusin ang November 30 ng buhay si Lianne at baka iyon ang paraan para mailigtas niya ito sa kamatayan.
Isang oras na lang, Archie. Isang oras na lang… turan niya sa sarili.
Palipat-lipat ang mata niya sa natutulog na si Lianne at sa digital clock na nakapatong sa side table na nasa likuran ni Lianne.
Fifty nine minutes na lang, Archie. Fifty nine minutes—Natigilan siya sa pagkausap sa sarili nang may pumasok sa isip niya.
Paano kung nangyayari din sa ibang tao ang nangyayari sa kaniya? Paano kung may ganito talaga? Iyong babalik ka nang paulit-ulit sa partikular na araw o pangyayari sa buhay mo para maitama iyon.
Bumalikwas siya ng bangon at nagtungo sa working table niya sa salas. Binuksan niya ang laptop at in-open ang Google. Kung hindi kayang sagutin ng utak niya ang mga katanungan niya sa sarili ay hihingi na siya ng tulong sa technology at internet.
Nagsimula siyang mag-type sa search bar ng Google. “Experiencing events again and again and again…” Mahina pa niyang usal habang tumitipa sa keyboard.
Maraming result ang lumabas. Nag-scroll siya pababa. Next page… Next page… Hanggang isang salita ang kumuha ng kaniyang atensiyon.
Time loop…
Bumalik siya sa search bar at iti-nype ang “time loop”. Cli-nick ang unang result at binasa kung ano ang ibig sabihin ng time loop.
Mahina niyang binasa ang nasa screen ng laptop. “A time loop is a phenomenon when some periods of time are repeated and re-experiences by somebody. The person trapped in a time loop is trying to break out this cycle…” Saglit siyang huminto sa pagbabasa para pag-isipan ang nalaman.
BINABASA MO ANG
Kung 'Di Rin Lang Ikaw
RomanceHanda ka bang masaktan ng paulit-ulit para sa taong mahal mo? Mamahalin mo pa rin ba siya kahit alam mong sa huli ay iiwan ka rin naman niya?