Chapter Four

704 40 12
                                    

KANINA pa paikot-ikot si Lianne sa kaniyang kwarto habang hawak ang cellphone. Panay ang lakad niya. Hindi mapakali. Halos ala-una na ng madaling araw pero mailap pa rin sa kaniya ang antok. Paano ba naman siya makakatulog kung ibinigay ni Mr. ArchAngel ang number nito sa kaniya? Sabihin niyo nga, paano siya kakalma? Ano bang ibig sabihin ng pagbibigay ng number nito sa kaniya? Malamang, gusto nito na magkaroon sila ng communication pagkatapos ng booksigning!

Huminto si Lianne. Tiningnan ang screen ng cellphone. Naka-dial na doon ang number na ibinigay ni Mr. ArchAngel. Pipindutin na lang niya ang call button pero hindi pa niya magawa. Nahihiya siya. Kinakabahan. Paano kung ginu-good time lang siya ng paboritong author? Paano kung hindi naman talaga ito ang number ni Mr. ArchAngel?

“Tatawagan ko ba siya o ano? I-text ko na lang kaya muna?” Parang masisiraan na siya ng ulo dahil pati sarili niya ay kinakausap niya.

Mariin siyang umiling sabay higa sa kama. “Nababaliw na nga yata ako…” ungot ni Lianne.

Matagal siyang nakatitig sa kisame bago nakapag-desisyon.

Okay. Tatawagan na niya ang number na iyon.

Bumalikwas siya ng bangon sabay pindot ng call button. Inilagay sa tenga ang cellphone at nang makarinig ng ring ay agad niyang ki-nancel.

“Hindi ko yata kaya! Hindi ko siya kayang makausap!” impit niyang sigaw. Hindi siya pwedeng mag-ingay dahil baka magising ang mga kasama niya sa bahay.

Teka, ala una na pala ng madaling araw. Baka naman tulog na si Mr. ArchAngel. Baka magalit ito kapag tumawag siya ng ganitong oras. Ang mabuti pa siguro ay itulog na lang niya ito. Kakagaling lang pati nito sa booksigning kaya malamang ay pagod ito.

Sumuko na si Lianne. Wala talaga siyang lakas ng loob na tawagan ang naturang numero kaya humiga na siya sa kaniyang kama para matulog.

Akmang pipikit na siya nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Agad niya iyong kinuha at nanlaki ang mata niya nang malaman na ang numerong ibinigay ni Mr. ArchAngel ang tumatawag.

“Sasagutin ko ba o ano? Sasagutin ko o hindi?” Natatarantang tanong niya sa sarili.

Tila may sariling buhay ang daliri niya at pinindot niyon ang receive call button. Wala na siyang choice kundi ang kausapin ang tumatawag. Kinakabahan na inilagay niya sa may tenga ang kaniyang cellphone. “H-hello?” Nag-crack ang boses niya sa sobrang kaba.

“Hi, Lianne!” sagot ng lalaki sa kabilang linya.

OMG! Hindi ako pwedeng magkamali! Boses iyon ni Mr. ArchAngel! Tili ng utak niya.

“S-sino 'to?” Hindi niya napigilan ang panginginig ng boses.

Isang mahinang tawa ang narinig niya. “Tinatanong mo pa. Alam mo naman kung sino ako. O baka nagdududa ka na number ko nga ang ibinigay ko sa iyo,” anito.

Siya nga! Si Mr. ArchAngel! Kumalma ka, Lianne. Kalma!

“Ah, e…sorry. B-baka kasi pina-prank mo lang ako, Mr. ArchAngel.” Gusto niyang tumili. Gusto niyang magtatalon sa sobrang kilig!

“Bakit ko naman gagawin sa iyo 'yon? Gising ka pa pala. Sobrang late na, ha.”

“O-oo nga, e. Hindi kasi ako makatulog. Ikaw nga din. Gising ka pa yata.”

“May hangover pa rin ako sa booksigning event kanina. Hindi ko kasi akalain na ganoon karami ang pupunta. Saka tinatapos ko pa 'yong isang chapter ng isinusulat ko.”

“Hala! Naka-istorbo pa yata ako sa iyo. Pasensiya na, Mr. ArchAngel—”

“Ano ka ba? Okay lang. Ini-expect ko talaga tawag mo…” Nag-pause ito. “Nagugutom ka ba? Gusto mong lumabas? Saan ka ba dito sa Laguna? Dito lang ako sa Calamba.”

Kung 'Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon