C H A P T E R E I G H T
D A N I E L
Naglalakad ako sa isang lugar nang hindi ko alam kung paano ako napunta doon. Pagdilat ng mga mata ko, narito na ako.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Naguguluhan ako. In the first place, bakit ba ako nandito. I tried to closed my eyes and when I opened it, nasa ibang lugar na naman ako. Jusko po! Nananaginip na naman ba ako? Pero... Pero kakaiba ito ngayon. Parang totoo.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakakaramdam na din ako ng kilabot. Parang may nakatingin kasi sa akin eh. Muntik na akong mapatalon nang biglang may narinig akong tunog mula sa di kalayuan.
“May tao ba diyan?” Pero walang sumagot kaya pinagwalang-bahala ko na lang ung narinig ko. Naglakad na ulit ako. What I need to do is to get out of this place. Madilim siya, mapuno, malamig ang simoy ng hangin at... nakakalungkot. Ewan ko ba kung bakit ako nakakaramdam ng lungkot. Yung lugar na ito. Parang may pinapahiwatig eh. Kahit na peaceful yung lugar at para sa iba, nakakagaan ng loob, sa akin hindi. Parang feeling ko may mali. Feeling ko may kakaiba sa lugar na ito.
“Je vous déteste (I hate you),” I heard a girl said. Wait... Ano raw? Jevudetect? Jevudetent? Jevudetest? Hanuraw?
Hinanap ko kung saan nanggaling yung boses kanina pero parang naliligaw ako.
“Je vous déteste but... Why can’t I stop loving you?”
Hinanap ko ulit yung pinanggalingan hanggang sa makarating ako sa isang lugar na maliwa-liwanag pero parang spotlight lang dahil nakatutok ito sa isang babaeng umiiyak na nakatayo sa gilid ng kalsada. May hawak siyang picture frame.
I tried to get near her kaso lang biglang parang may humaharang sa akin. Unti-unti ko siyang nilapitan hanggang sa napahinto ako dahil sa nakita ko.
BINABASA MO ANG
Operation: Chasing the Bad Girl (BOOK 2) [ON-HOLD]
Fanfic[BOOK 2 OF "WHEN THE GOOD GIRL MEETS MR. BADBOY"] BAD BOY SERIES #2. 3 years. 3 years I thought she's already gone. 3 years of pain, tears and sacrifices. I never loved again after that. I've been so selfish. Nagpakatanga ako. I chose my reputation...