The Chase: Chapter 29

901 32 4
                                    





C   H   A   P   T   E   R        T   W   E   N   T   Y   -   N   I   N   E



D   A   N   I   E   L



"Magkakaroon ng grand entrance tas pababa ng hagdan si Summer. Aabangan mo siya sa baba Fafa Dj and you know the gentleman rule naman na diba?" Paliwanag nung instructor namin. Nandito kasi kami ngayon sa event hall kung saan gaganapin ang debut ni Summer na finally, matutuloy na rin.



Nga pala, this week has been great for me. Even though 2 days absent si Scarlet dahil nga may sakit siya. Tulad nga ng napag-usapan, I was not able to go near her but I managed to bring her foods, fruits and medicines. 


Ang weird lang talaga. Napakahigpit ng security nila. Sa labas pa lang ng village, wala na talagang makakapasok na outsider. Well, she's a Manuel--- a Manuel of the Manuel Enterprise. 



"Wow prinsipe Danilo," narinig kong asar nina Katsumi sa akin habang tumatawa kaya nabalik agad ako sa wisyo ko. 



"Mga lul kayo," sigaw ko pabalik. Nagsitawanan lalo sila. Napailing na lang ako



"Oh siya siya! Magsiayos na kayo. Kayong mga nakaupo diyan, tayo na! Alam niyo naman na entrance niyo diba? Intendes?" 



"Wala pa ngang 5 minutes ung break time eh," pagrereklamo ni Seth. 



"Oo nga. Nakakapagod rin sumayaw noh," pagdagdag naman ni JC. 



"Summer! Nagrereklamo tong mga ugok na itech! Anong gagawin ko?" 



Sumilip si Summer mula sa taas at nagsabing, "Di sila kakain sa debut ko pag di sila nag-ayos." 



And with that, nagsitayuan yung apat na ugok. Sila na lang kasi yung hindi nakatayo eh. Jusko basta talaga sa pagkain mabilis itong mga 'to. 



**



After a week of preparation, heto na. Dumating na rin sa wakas yung debut ni Summer. Kaya heto kami ngayon nina Kats, nag-aayos na sa isa sa mga hotel rooms na nirentahan for this event. 



"Pre, darating ba sina Scarlet?" Biglang tanong ni Kats.

Operation: Chasing the Bad Girl (BOOK 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon