Chapter 24 Soccer Practice

3 1 0
                                    

Yukiko POV..

Nakarating nadin kami sa wakas sa Field kung saan nag ppractice ng Soccer si Art... medyo maayos ayos na ang School.... dito papala sila nag papractice..

"Paano dito kamuna... eto pagkain kung sakaling magutom ka... punta nako dun.."lumingon pa si Art bago sya umalis... Tumango lang ako...at umalis na nga sya...

"Oh si Art yun...sino kanaman?akala ko ba si Yuki ang gusto nya bakit may ibang babae syang kasama dito"

sabi ni Carlo na pinagmamasdan ako...

"Ahh Carlo ako to si Yuki.."

"Di nga?"tinanggal ko yung facemask at saka yung scarf sa muka ko...

"Oonga bat kasi ganyan itsura mo? huwag mong sabihin may sakit kapa tapos dinala kanya dito.. baka mabinat kapa nyan..."

ngumiti lang ako sakanya...

"medyo ok nanaman ang pakiramdam ko..saka isapa gusto ko sya makitang maglaro..."

"Sigurado ka huh magsabi kalang pag masama na pakiramdam mo.. ipahahatid kita kay Art pauwi....sige punta nako dun.."tumakbo nadin si Carlo sa Field... isinuot ko ulit ang facemask at scarf..maya maya lang may mga grupo ng babae ang dumating na kapang Volleyball silang damit...

"Pam si Art.. nag papractice na ulit.. ibig sabihin lang nyan.. makikita mo na sya palagi at makakasama..."

sila Pamela.. mga 2ndyear na klasmate namin.. Volleyball player pala sya?... pinag uuspan nila si Art...

"Mukang hindi na nya inaalagaan ang bago nilang ampon..."

sabi ni Gely
"Oonga.. buti naman kung ganun.. magagawa ko nadin sawakas ang dumiskarte kay Art..."

sabi ni Pamella..

"Ikaw kasi galingan mo naman para magtagumpay kana na maakit mo si Art...huwag kang papayag na matatalo kalang ng isang..simpleng babae.. ikaw ang panlaban natin sa Pageant tapos.. si Art hindi mo magawang makuha"sabi naman ni Paola sa Kanya ang 2ndyear klasmate naming bakla...

"Oonaman.. marami na akong plano..."

sabi ni Pamela naalala ko yung panaginip ko...napakuyom ako ng palad ko... ano naman mga binabalak nya..? tulad ba ng napanaginipan ko... nakaramdam nanaman ako ng sakit sa puso ko...parang gusto ko tumayo at umalis sa kinauupuan ko.. pinag uusapan nila mga kilos ni Art habang nag lalaro kung gaano sila kinikilig hindi ko na kaya pakinggan...makakahalata naman sila pag bigla akong umalis.. hindi ko na magawang mapanood ang laro ni Art...nang gigilid na ang luha ko..hindi ko gusto ang pakiramdam na ito...hindi ko napansin na hinagis pala ni Paola ang Bola ng volleyBall..at pinalo nya yun...

"Bola!"

sigaw ni Paola kaya napalingon ako sakin tatama ang bola pero may humarang nun... hindi ko kilala isang lalaki..

"Huwag kayo dito mag laro nyan dun kayo sa Court nyo.. makakatama kayo ng mga nanonood.."

"Pasensya na Miss"sabi ni Paola...

"Halika na hindi naman aalis si Art.. panigurado hapon o gabi na matapos ang practice nila..mas magandang timing yun yayain ko sya mag inom mamaya"

sinabi ni Pam bago sya umalis kinabahan ako sa sinabi nya.. mag inom may binabalak silang hindi maganda kay Art...

"Miss ok kalang?"

Book 2 Watching YOU (Art&Yuki)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon