Chapter 30 Henry Kiss

3 1 0
                                    

Art POV...

Gulat na gulat kami ng marinig naming kumanta si Yuki...

"Hindi ako makapaniwala ang ganda ng boses ni Yuki"sabi ni Zita lahat kami natulala

"Yan ang dahilan kung bakit ko sya nagustuhan.. ang totoo nyan Sobrang Stress nako sapag aaral.. simula nag College ako...pero isang araw... habang nagpapahinga ako.. sa isang park.. narinig ko ang boses ni Yuki... napasilip ako nun.. nagpapractice syang kumanta ng mag isa...hanggang sa dumating nun si Henry at Reb..."

kwento ni Jin samin..

"Oo tanda ko payun nagulat ako at nasa likod lang sya ng puno nakikinig sa pagkanta ng Dalwa...ng makita ko si Jin... sinabihan nya ako na huwag maingay..."

kaya hindi ko sinabi sadalwa na may nakikinig sakanila ng palihim...

"Ang totoo nyan.. puro kanta lang ni Yuki ang nasa Cellphone ko... nirerecord ko yun sa tuwing naaabutan ko syang mag isang kumakanta... pero ng umalis na si Henry hindi ko na sya narinig kumanta ulit.. hindi narin sya napunta sa lugar kung saan sya madalas mag practice..."

sabi ni Jin habang nakayuko....

"Bakit tayo pinapaiyak ni Yuki"

sabi ni Mirella... habang nakaakap kay Koji...at si Zita nakaakap naman kay Mirella... sa last part ng kanta.. hindi narin kumakanta si Henry nakatingin nalang sya kay Mirella.. kitang kita naming umiiyak sya...

"Magaling mukang naparating na ni Yuki gusto nyang sabihin kay Henry"

sabi ni Reb.. napalingon ako sakanya

"Anong ibig mong sabihin?"

tanong ko sakanya....

"May tanong ako may mahal kanabang iba?"

Tanong ni Henry Kay Yuki... ng naka Mic pa.. binulungan sya ni Yuki...

"Sagutin mo nalang ako..."

seryoso na si Henry.... pero patuloy lang ang pagtulo ng luha nya... maraming nakikinig at nag aantay sa sagot ni Yuki...

"Oo Meron na at Mahal na Mahal ko sya...hindi nya ko iniwan sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko... Hindi ko din sya iiwan kahit anong mangyari...."

malinaw kong narinig iyon... hindi lang ako.. hindi man nya sinabi ang pangalan ko alam kong ako yun..... sumigaw ang mga taong nanonood ng Concert

"Sayang naman bagay pamandin kayong Dalwa!"

"Ramdam na ramdam namin yung sakit.. bakit bakit hindi na pwede"sabi ng mga Fans ni Henry sa kanila

"Art.. pinaalam na ni Yuki nararamdaman nya sayo... hindi lang ikaw kundi lahat dito alam yun... pinag sisigawan nya sa lahat ng tao na mahal kanya kahit hindi nya sinabi ang pangalan mo..."

sabi ni Zita na yumapos na sakin....

"Magagalit ba sya kung gagawin ko ito"

pero yung saya nayun napalitan ng galit ng makita ko.. kung paano hinalikan ni Henry si Yuki sa harap ng lahat ng Tao... binitawan nya ang Mic nya at tinanggal nya ang maskara sa muka ni Yuki kaya nakita namin ang muka nya bago nya ito hinalikan.. pinaalam din ni Henry sa lahat ng Tao dito.. na Mahal na Mahal nya si Yuki....nakakaramdam ako ng Galit ng sakit halo halong emosyon... hindi nya binibitawan si Yuki hanggang sa Bumaba na ang stage na inaapakan nila...

Book 2 Watching YOU (Art&Yuki)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon