Greatfulness

2.3K 57 10
                                    

Chapter17

Nang mga sandaling iyon ay napag-isip isip ni Jeff na kailangan na niyang tumakas dahil nagiging komplikado na ang kanyang sitwasyon.Kumirapas ito ng takbo palabas ng bahay.Mabilis namang tumalima si Ricky para sundan si Jeff.

"Ricky!" Sigaw ni Snow. "Huwag mo na siyang sundan. Tama na!" ani Snow sa asawa.Ayaw niyang mapahamak ito sa kamay ng mga hayop.Sigurado siyang magtatawag si Jeff ng back-up at susugurin sila dahil sa ginawa niyang pang-bubulag sa kaliwang mata nito.

Nagsalubong ang mga kilay ni Ricky,halatang tutol. Marahil ay nakita nito ang desperasyon sa kanyang mukha kaya hindi na nito itinuloy ang naunang balak.Nilapitan siya ni Ricky at niyakap.Napaungol siya nang mag-protesta ang kanyang katawan.

"Nabalian ka ba? Saan? Saan ang masakit sa'yo?" Nag-aalalang tanong nito habang pinupunasan ang duguan niyang pisngi.

"Okay lang ako. Ikaw?" Balik tanong niya sa asawa.

An express of helpless flashed in his eyes but it was gone in a second. "Huwag mo akong---"

Naputol ang iba pang sasabihin nito nang makarinig sila ng dalawang mag-kasunod na putok.Hindi siya ignorante.Alam niyang putok ng baril iyon.Nagkatinginan sila ni Ricky.
"Tatawag ako ng pulis,"
pagboboluntaryo nito.Lumapit ito sa telepono at tumawag nang pulis.Pagkatapos ay binalingan siya.
"Huwag kang aalis diyan!" Utos ni Ricky kay Snow.

"Ricky..." Tawag niya ngunit lumabas na ito ng pinto.Alam niyang titingnan nito kung ano ang nangyayari sa labas.

Sa ilang minutong pagkakadikit niya kay Jeff ay wala siyang nakapang baril dito.Baka may itinago ito sa kanyang sasakyan.Umalis ito para kumuha ng armas.She know how to handle this.Konting diskarte lang.Agad nagtungo si Snow sa kusina at kumuha nang isang kitchen knife Sinundan niya ang asawa at nagtago sa makapal na halamanan hawak nang mahigpit ang kutsilyo.Kailangan din niya nang aramas sa ganitong sitwasyon.

Doon niya aabangan si Jeff.
Totoo nga ang hinala niya.Bumalik si Jeff at may bitbit itong baril.Umikot siya para hindi siya makita nang lalaki.Galit ang hitsura nito.He looked fierce and scary.And she was filled with so much hope para makapaghiganti dito.
"Tingnan mo ang ginawa mo sa mata ko!" Galit na sigaw nito. "Huwag kayong magpapakita sa akin dahil papatayin ko kayo!" Malakas na sigaw ni Jeff mula sa kinakatayuan nito.

Alam niyang kailangan niyang tulungan si Ricky.Hindi ito makakagalaw kung hindi siya gagawa ng paraan.Pilit na pinagana niya ang isipan.Biglang may naisip na siyamg paraan upang salisihan si Jeff..Gumapang si Snow patungo sa kinatatayuan nito.Kasabay ng paghakbang ni Jeff papasok sa bahay ay agad sinaksak ni Snow ng patalim ang binti ng binata.Napasigaw ito sa sakit.Mata at binti na ang iniinda nito.
Mahihirapan na itong kumilos.

Agad na dinaluhong ito ni Ricky nang makita itong tila nahihirapan na.Nakipag-agawan si Ricky kay Jeff sa hawak nitong baril.Ngunit malakas si Jeff.Sa ginawa nito ay nawalan si Ricky nang balanse at bumagsak ito sa lupa.Mabilis na tinutukan ni Jeff ng baril si Ricky at pinaputukan ito.
"Mamatay ka na!" Tila nababaliw na sigaw ni Jeff.Naging demonyo na ang hitsura nito.

'Di-alintana ni Snow ang nanakit na katawan,nilapitan niya si Jeff at sinipa ito ng ubod nang lakas.Sapat na iyon para ma-distract ito ngunit naiputok pa rin nito ang hawak na baril at tumama iyon sa sikmura ng asawa.Agad niya itong sinakluluan. "Ricky! Ricky! Wake-up! Noooo!" Natatarantang yugyog niya sa nakapikit na si Ricky,hindi iininda ang tama ng baril sa tiyan at wala na itong responsed sa mga tanong. "No! You can't die! Hindi ka puwedeng mamatay! You can't leave me!" Iyak niya saka pinagsusuntok ang dibdib nito. "Wake up! Please!" Pagsusumamo niya dito.

Living like HellWhere stories live. Discover now