Chapter Twenty-two
Hindi tinanggap ni Snow ang alok sa kanya ni Ricky na pera upang makapag-pyansa siya sa kulungan.Kasalukuyang nakakulong ngayon si Snow habang nililitis ang kanyang kaso.Ayaw niyang tanggapin ang alok ni Ricky dahil malinis naman ang kanyang konsensiya.Kaya lang naman niya napatay si Samuel ay dahil ipinagtanggol niya ang kanyang sarili.Iyon lang at sapat na.
"Bakit ayaw mong tanggapin ang alok saiyo ni Ricky?" ani Jackie sa kanya.Binisita siya nito nang araw na 'yun.
"Ayos lang ako dito." Maiksi niyang sagot. "Hindi naman nila ako pinapabayaan. Isa pa everything here is free," kunwa'y biro niya. "Maganda pala ang maging preso," dagdag pa niya.
"Pero...." Sumimangot sa kanya si Jackie. "Hindi ka ba natatakot na baka ahasin ko ang asawa mo?" May birong himig nito.Prangkahan man ang biro nito pero alam niyang may nais itong iparating sa kanya.Nais nitong lumaya siya sa kalungan at bantayan ang asawa sa malalanding zombie.Pero hindi na si Jackie.Iba na ang turing niya dito.Isa nang kaibigan at kapatid.
"I don't care!" aniya.Inirapan ito.
"Ay, akala ko pa naman ipaglalaban mo uli siya gaya nang ginagawa mo tuwing nagkakatagpo tayo!" Nakalabing sabi ni Jackie.
"Noon 'yon, nagbago na!" aniya.
"Okay, siya, siya...pero pag-isipan mong mabuti 'yung alok saiyo ni Ricky, ha? Kakausapin ko 'yung abogado mo agad-agad kapag pumayag ka na," ani Jackie sa kanya.Tumango lang siya dito.Tapos na ang visiting hours kaya nagpaalam na rin ito sa kanya.
Sa kasamaang palad din ay ka-preso pa niya si Miya.Nakakulong din ito sa kasong kidnapping.Hindi niya pinapansin ito tuwing magtatagpo sila.Hindi rin niya kinakausap.Pero kinukutuban si Snow kay Miya dahil bawat tagpo nila ay matalim ang tingin nito sa kanya.Tuwing magkakasalubong ang kanilang mga mata nila.Tila may binabalak itong masama.Iyon ang nahihimigan siya.
Nang araw na 'yon ay sabay-sabay silang nagsha-shower at nagkataon na magkatabi sila ni Miya.
Nakaramdam siya bigla ng takot.
Binilisan ni Snow ang pag-ligo.Hinablot niya ang tuwalya at ipinulupot ito sa kanyang basang katawan.Agad siyang nagtungo sa kanyang locker upang kumuha ng bihisan.Akmang magbibihis na sana siya nang biglang may humila sa kanyang buhok."Why are you scared at me?" Nangigil na tanong ni Miya. "Nakakatakot ba ako? Nakakatakot ba akong makita mo, Snow?" aniya.Pinalibutan na sila ng mga kapwa nila preso ng mga sandaling iyon.
"Miya, let go of my hair!"s
Kalmado niyang sita dito habang hawak at nakasabunot pa rin ang kamay ni Miya sa kanyang buhok."Okay, sabi mo, eh!" ani Miya ngunit nang binitawan ang buhok niya ay buong puwersa naman siyang itinulak nito.Natumba siya at muntik nang masubsob sa upuang naroon.
"Parehas na tayong nasa kulungan ngayon Snow! Pero magkaiba tayo ng kaso! Mas malala ang saiyo dahil isa kang mamatay tao!" Sumbat ni Miya sa kanya."Pinagtanggol ko lang ang sarili ko sa rapist na 'yon! Hindi ko 'yon sinasadya!"
"Well, well, eh, 'di sabihin mo 'yan sa korte! Tingnan ko lang kung maniniwala sila saiyo. Bulok ang rason mo Snow, dahil tetistigo ako na pinatay mo si Samuel dahil gusto mong maghiganti sa kanya!Dahil isa kang biktima nang rape sa kanya! Pero matagal nang panahon 'yon 'di ba? Dahil sa paghihiganti mo ay pinatay mo siya ng sadya dahil galit ka sa kanya!" Sarkastikong kastigo ni Miya kay Snow.
"Hindi totoo 'yan! Mali ang pinaparatang mo sa akin! Pinatay ko siya dahil pinagtanggol ko ang sarili ko!" Galit na sagot ni Snow kay Miya. "He wanted to rape me again, ang again and again! But you're saying that I just killed him because of revenge and angry! Then fuck you, bitch!" Hindi niya mapigilang mura kay Miya.Lalo na noong maalala niyang kasabwat ito.
Sa pangigil din ni Miya ay nagkasakitan sila.Lahat ng side ni Miya at Snow ay nagrambulan sa loob ng banyo.Pero ang hindi inaasahan ni Snow nang mga sandaling iyon ay may iniabot ang isa sa mga kasamahan ni Miya na patalim at hindi siya nakaiwas doon.Bigla siyang hinawakan sa magkabilang braso at sinaksak siya ni Miya sa sikmura.
Napahawak siya sa tiyan,tinakpan ang sugat.Mayamaya ay tumagas na ang dugo sa kanyang kamay.Napaupo siya.Agad namang may sumaklolo sa kanya.Dinala siya sa clinic nang bilangguan pero kulang ito sa kagamitan kaya gusto siyang ilipat sa hospital.Malalim ang sugat niya.Nahihilo na siya.Napapikit ang mata at tuluyang nawalan ng malay.
Ang sabi nang doctor ay kailangang masalinan agad ng dugo si Snow dahil marami nang dugo ang nawala sa kanya."Ano'ng type po nang dugo, Doc?" May pag-aalalang tanong ni Jackie sa doctor na nag-a-assist kay Snow.
"Type-O ang kailangan namin." Sagot ng doctor.
"Puwede po ako Doc. Type-O po ako," ani Jackie. "Kahit ilang bag pa ang kakailanganin mabuhay lang babaeng 'yan," aniya sa doctor.Agad na mang nagpasalin ng dugo si Jackie at iyon ang isinalin kay Snow.Ngunit ilang oras na ang nakakaraan ay hindi pa rin nagigising Snow.
"Hoy! Bruha, gumising ka na! Tama na ang mahimbing mong pagtulog diyan? Hindi pa ba tumatalab saiyo ang dugong zombie?" Pabirong sabi ni Jackie kay Snow.Siya ang nagbabantay ngayon sa kanya.Halos ito na ang nag-aasikaso sa lahat.Pati ang kaso niya. "Kapag hindi ka pa gumising talagang aagawin ko na saiyo si Ricky. Nanakawin ko 'yang mukha mo. Magpapa-plastic surgery ako. Pakasal kami at magkakaroon ng mga anak. Magiging happy family kami. Kaya kung pumapayag ka sa ganoon na pangyayari bigyan mo na lang kami ng Blessing," patuloy na salita ni Jackie.Hindi niya alam na nagising na pala si Snow.
"Gising na ako!" ani Snow at iminulat ang mga mata.Kumurap-kurap pa siya dahil masakit ang liwanag ng ilaw na tumama sa kanyang mga mata.
"Excuse me! Hindi mo puwedeng angkinin ang mukha ko?" Kunway biro niya."Sabi ko nga, joke lang!"Natatawang sagot ni Jackie. "Maiba...mabuti naman at nagising ka na. Naku, 'di ko talaga alam gagawin ko kapag hindi tumalab saiyo ang zombie blood."
"Nagbolontaryo kang bigyan ako ng dugo?" Hindi makapaniwalang tanong niya kay Jackie.
"Natural! Kundi nilalamayan ka na ngayon."
"Salamat." Nahihiyang sabi niya.
"Zombieng 'to? Natural kahit sino naman kung nasa ganyang kalagayan. Alangang hahayaan kitang mamatay! Paano na si Ricky kung mamatay ka? Snow, maawa ka sa kanya? Nalugi na ang kompanya niya halos wala na akong ma-compute. Wala na kasing ginawa ang lalaking 'yon kundi maglasing at magkulong sa bahay niya. Please, Snow...kung may pagmamahal ka sa kanya, magtulungan kayo. 'Wag niyo nang pahirapan ang sarili niyo. Nakakaloka eh! Hirap nang sitwasyon ko!" Kunway naloloka na sabi ni Jackie sa kanya.Napahagikgik siya sa hitsura nito.Sa stress nito ay talagang nagmumukha nang zombie.
"Puwede ba? Huwag kang tatawa-tawa diyan? Umayos nga kayo? Ako ang nahihirapan sainyo eh! Naloloka na ako kakaisip kung ano ang gagawin ko sainyong dalawa! Ako ang naprapraning sa love life niyo!" Katwiran pa ni Jackie.Talagang naawa na siya dito.Pinagdasal niya na sana matapos na nga ang kaso niya.
Dalawang araw at nakalabas na si Snow sa hospital.At nang bumalik siya sa presinto ay laking tuwa niya dahil natapos na ang paglilitis nang kanyang kaso.Pinakinggan ni God ang panalangin niya.Dininig nito ang gusto niyang mangyari.Naabsuwelto siya sa kasong pagpatay dahil patong-patong pala ang kaso ni Samuel.At ayon sa batas ay talagang hina-hunting ito patay man o buhay.Nagpasalamat si Snow sa mga pulis na naroon at sa mga kasamaan niya sa kulungan.Nangako siyang babalik siya muli para bisitahin sila.Magaan ang loob ni Snow na naglakad palabas.Tumingala sa langit.Saktong bumuhos ang ulan.Idinipa niya ang kanyang mga kamay.
"Thank you,Lord!" Sambit niya. "Thank you for washing away my pain and my sin. Thank you for giving me another chance. Thank you," sambit niya.Naiyak sa tuwa.
"Hoy! Halika na! Paliliguan pa kita ng mainit na dalandan," yaya ni Jackie sa kanya. "Ganoon daw dapat gawin sa mga bagong laya bago pumasok sa bahay."
Tumango siya.Sumakay na siya sa kotse nito.Magaan ang loob at malinis ang konsensiya.Kasabay ng ulan ang bawat patak ng luha niyang dumadaloy sa kanyang pisngi.Sa wakas malaya na siya.
"Next..."
Naiyak ako sa part na 'to..Halos di ko matapos-tapos.Lintik kasi eh.Nadala talaga ako..😭😭😭Puso ko sobrang saya lang.Salamat sainyo mga ka-lhabz .
YOU ARE READING
Living like Hell
ChickLitCOMPLETED(SPG/Rated18) Nagpakasal ako saiyo sa papel.Nagpanggap na asawa mo bilang kabayaran sa mga-utang namin tapos heto lang ang igaganti mo!How dare you make me live like hell! Note:Read according to your sense