Chapter Twenty-Seven
Sa isang family farm house dinala ni Ricky si Snow.Doon ay alam niyang siguradong makakalimutan ni Snow ang mga masasamang nangyari sa kanyang buhay.The place there was so quite, beautiful and peaceful.Habang drive ang kanyang kotse ay tahimik lang niyang pinagmasdan ang maamong mukha ng dalaga habang tulog ito.
Narating na nila ang farm house ay tulog pa rin ito.Binuksan niya ang window shield ng kanyang kotse at hinayaang pumasok at langhapin nila ang sariwang hangin na nagmumula sa magandang hardin.May mga tanim sila doon na gulay,
may palaisdaan rin sila,babuyan at prutasan.Mahilig din sa halaman ang kanyang mommy kaya may hardin ng iba't-ibang halaman sa harap ng kanilang bahay na namumulaklak.May mga twit ng ibon silang naririnig na nagmumula sa kalapit na bundok.May falls din sa loob nito at ilog na puwedeng pasyalan at paliguan kaya sigurado siyang mag-e-enjoy si Snow sa lugar na kanyang pinagdalhan.And hopefully she will recover soon and forget the bad past na nangyari.Bigla ay napahaplos siya sa pisngi nito.Mayamaya pa ay iminulat na ni Snow ang mga mata.Nagising na.Kukurap-kurap pa.
"Where here,"nakangiting bati ni Ricky.
Inilibot ni Snow ang paningin.Nanibago siya.Puro puno at mga halaman ang nakikita niya.Lalo na ang nasa harapan niya.Iba't-ibang uri ng mga bulaklak ang natatanaw niya.May daisy,rose,gumamela at kung ano-ano pa.
"Beautiful,"iyon ang nausal niya."Do you like the place?"tanong ni Ricky sa kanya.
Tango ang isinagot niya.Lumabas si Ricky at agad nagtungo sa kanyang kinauupuan at pinagbuksan siya nito ng pintuan.Agad siyang inalalayan.Animo prinsesa siya na nakarating sa kanyang paraiso.Nakangiting pinagmasdan ni Snow ang mga naggagandahang paru-paro na nagsisisip ng nectar sa mga bulaklak.Agad niyang hinila ang kamay na hawak ni Ricky.Patakbo siyang nagtungo sa mga ito at ginambala.Nagtatakbo siya at nagsiliparan ang mga paru-paro at nakipaghabulan siya sa mga ito.Animo batang aliw na aliw habang hinuhuli ang mga ito.Napailing nalang si Ricky sa ginagawa ng asawa.At least hindi siya nagkamali ng pinagdalhan kay Snow.No regret.
Naglakad si Ricky sa kinaroroonan ni Snow.Pumitas muna siya ng isang bulaklak.Hinawi niya ang buhok ni Snow na dumantay sa kanyang pisngi saka inipit ang bulaklak sa kanyang kanang tainga.Napangiti si Ricky.Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng magandang anghel na nalaglag sa lupa.
Those eyes na sobrang amo,ang mga pisngi nito na namumulamula pa,ang ilong niyang bumagay sa kanyang hugis ng mukha and last but not the lease those lips na kay sarap halikan.Medyo malulusog ang kanyang mga labi pero mala korteng puso.Napalunok si Ricky.Hindi niya na kayang pigilan ang sarili.He quickly snapped a short kiss on her.
Bakit ngayon lang kita napagmasdan nang ganto, naisaloob niya."You look gorgeous,"buong paghangang sambit niya kay Snow.Tulalang nakatingin naman si Snow sa kanya.Hinaplos niya ang pisngi nito muli.
"Halika ka na sa loob.Alam ko namang pagod ka na sa biyahe.Pahinga ka na,"ani Ricky.Umiling si Snow.
"Hindi pa ako pagod,"nakangusong sagot niya."Then,what are you going to do here?"
Itinuro ni Snow ang isang puno ng mangga na puno ng bunga.Natanaw niya iyon di kalayuan sa kinaroroonan nila.
"Bring me there,"nakangisi niyang utos."There?"ulit ni Ricky.
Tumango si Snow.Walang nagawa si Ricky kundi ang dalhin ang asawa sa may puno ng mangga.
"Saan yung panungkit,"tanong ni Snow kay Ricky."Malay ko?"ani Ricky kay Snow.
"Hanapan mo ako,dali,"tapik niya sa asawa sabay tulak.
YOU ARE READING
Living like Hell
Chick-LitCOMPLETED(SPG/Rated18) Nagpakasal ako saiyo sa papel.Nagpanggap na asawa mo bilang kabayaran sa mga-utang namin tapos heto lang ang igaganti mo!How dare you make me live like hell! Note:Read according to your sense