ChapterEight
Mayamaya pa ay lumuwang na ang pagkakayakap sa kanya ng asawa.Unti-unti na niyang natanggal ang pagkakapulupot nang mga braso nito sa beywang niya.Dahil amoy alak ito ay naisipan ni Snow na punasan nalang ito upang mabawasan ang pagkalasing.Nagpainit siya ng tubig sa takure.Kinuha ang maliit na plangganita at nilagyan nang tubig na malamig para maging warm water ito kapag binuhos niya ang pinakuluan.Kumuha rin siya nang malinis na towel na gagamitin sa pagpupunas.
Lupaypay pa rin ito kaya naman ipinahiga na ni Snow ang asawa sa sahig dahil hindi naman niya ito kayang buhating mag-isa.Kinuha niya ang dalawang throw pillows upang gamiting proteksiyon sa ulo nito.Kinakabahang tinanggal ni Snow ang tie nang asawa upang matanggal niya ang pagkaka-butones sa polo nito.Inisa-isa ni Snow na ini-unbutton iyon.Napalunok siya nang makita ang six-pack nang asawa.Isinunod naman niya ang sapatos at medyas at ngayon naman ay ang suot nitong slacks.
Hila pababa ang slacks nang asawa ay natambad sa kanyang harapan ang suot nito.Napahagikgik siya nang makita ang suot nitong boxer.Spongebob ang drawing at sympre kulay yellow.Hindi niya inakalang may pagka-childish din pala ito kasi pang-teenager ang suot nitong boxer.Iniiling ang ulong piniga ang towel para mabanyusan na niya ang asawa.Inuna niyang pinunasan ang mukha nito.Sa sobrang kalasingin ay tila tulog na tulog ang hitsura.
Ngunit nagising si Ricky dahil nahimasmasan na siguro.Nagmulat ito nga mga mata.She smiled at him.Tumingin ito sa kanya at agad na nagbaling ng tingin sa ibang direksyon.Nasilaw siguro ang mga mata nito sa sinag ng ilaw.
"Kumain ka na ba? Kung hindi pa ay ipaghahanda kita. Iinitin ko yung ulam na niluto ko kanina," magiliw na turan ni Snow habang inaayos ang ginamit na plangganita."I'll eat later. Gusto ko munang magpahinga." Sagot ni Ricky na halatadong may tama pa ito ng alak.
"Okay? Ikaw ang bahala!" Bumalik si Snow sa kusina at iniligpit ang mga ginamit kay Ricky.
Nagulat siya nang makitang nakatayo na ang asawa at nakaboxer lang ito.Napatingin siya dito.Nalantad sa kanyang mga mata ang matipuno nitong pangangatawan.Napalunok siya at nag-init ang katawan,lalo na nang magtama ang kanilang mga mata.
Ricky was a very handsome man and young-looking.Maputi,matangkad at matipuno ang katawan.Magaganda ang mga mata nito na tila laging nakangiti.Matangos ang ilong.Manipis ang mga labi,my cleft chin at may malalim na dimples sa magkabilang pisngi.That was why palagi itong sharp manamit para mas mukhang matured.Mas magtitiwala rito ang mga kliyente.
Nag-iwas nang tingin si Snow at ipinagpatuloy ang ginagawang pag-iinit sa ulam nang biglang lumapit sa kanya si Ricky.Ang tanging suot nito ay ang boxer lang.May malisyosong ngiti sa mga labi nito.She found him very hot,sexy and very attractive.
"I know you want me? I can see it in your eyes." Diretsahan nitong sabi.
Nag-init ang kanyang mga pisngi.
Inilapit ni Ricky sa kanya ang sarili at bumulong sa kanyang tainga. "I'm a man. I have needs, you know? And you can give me what my body wants! I'm sure you want it, too. Wala namang masama dahil mag-asawa tayo." Nagsimulang humagod ang kamay nito sa kanyang likod.Nanlaki ang mga mata ni Snow sa narinig.Tiningnan niya ang asawa mula ulo hanggang paa.
"Are you on drugs?" Wala sa sariling na itanong ni Snow sa kanyang asawa.Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit bigla nalang lumapit ito sa kanya at nais na may mangyari sa kanila? "Umayos ka nga!""Like I said, I have needs and you know what I want!" Mas inilapit pa ni Ricky ang sarili sa kanyang katawan.
Tumindig ang balahibo ni Snow dahil sa pagkakalapit ng mga katawan nila.Ganoon siya kaapektado rito,lalo na at halos hubad na ito.
"R-Ricky...y-you see..." Hindi na niya matuloy-tuloy ang sasabihin dahil siniil na siya nito ng halik.Mariin at mapagparusa.Ngunit sa halip na pahintuin ang asawa sa ginagawa ay,lalo lang nitong pinag-iinit ang damdamin niya.Hindi nagtagal ay natagpuan nalang nila ang mga sarili sa sahig at abala sa isa't-isa.Ngunit nagising si Snow sa kahibangan.Hindi pa siya handang matuklasan nang asawa ang itinatago niyang lihim.Hindi pa ito maaring mangyari sa kanila dahil oras na mangyari iyon ay mabibisto na siya nang asawa at masisira ang pinaplano niyang paghihiganti.Itinulak niya ang asawa hindi dahil ayaw niya kundi may tamang panahon para sa kanila.
"Sorry." Hinging paumanhin ni Snow. "Lasing ka lang," aniya. "Hindi mo alam ang ginagawa at sinasabi mo."
Balewalang tumayo si Ricky at hindi siya pinansin.
Gumuhit ang matinding kirot sa dibdib ni Snow.Inayos niya ang sarili.Nang makaramdam nang gutom ay naghanda na siya nang makakain at tila hinihintay rin ni Ricky na maghahain na siya dahil mukhang kakain na din ito.Blangko ang mukhang nakatingin ito sa kanya.Siya ay hindi alam kung paano magre-react.
"Shit lang!"naisaloob ni Snow.Kaya ko naman ibigay ang hinihiniling mo pero matatanggap mo kaya 'yon oras na matuklasan mong hindi na ako virgin!Kung hindi lang ako binaboy ng mga kapatid ko sa labas.I'm free to give your needs.Care free woman and proud to have sex with you pero...hindi eh,kasi natatakot ako na matuklasan mo ito at mas lalong hindi ko alam kung paano sabihin ito saiyo?I'm not ready yet.And I'm trully sorry,"aniya sa sarili.
Ipinaghain niya si Ricky.Hindi ito kumikibo.Pagkalipas nang ilang sandali ay kapwa sila tahimik habang kumakain.Pagkatapos kumain ay pumanhik si Ricky at nahiga sa kama.Napuna ni Snow na tahimik pa rin ito.Mayamaya ay bigla itong tumayo.
"Where you are you going?" Tanong niya kay Ricky.
Tiningnan lang siya ni Ricky.Kumuha ito nang malinis na damit at lumabas.Mukhang nagbabalak muli itong umalis.Sa tingin niya ay baka pupuntahan nito si Jackie at doon ilalabas ang init nang katawan.Ngunit hindi naman niya narinig na umalis ang sasakyan nang asawa.Nakaidlipan nalang niya ang pag-iisip.May lungkot at pagsisisi siyang nararamdaman.
Nakakaramdam din siya ng selos.Gusto niyang magkaayos sila ng asawa.Mahal na niya ito?Maagang nagising kinabukasan si Snow.Nakatunganga siya sa tabi ng swimming pool nang lapitan siya ni Ricky.Tumikhim ito para agawin ang atensiyon niya.Napakurap tuloy siya.Napatayo siya nang makita ang binata.Nakatayo ito sa likuran niya na parang isang aparisyon.
"G-gising ka na pala?" Kandautal pa niyang bulalas.
"Kita mo na naman, 'di'ba?" Lumanghap ito ng hangin na animo pinupuno ang baga.
Kinuha ni Snow ang tuwalya at ibinalot iyon sa katawan.Iniwan niya ang lalaki at nagtungo sa banyo upang maligo.Halos isang oras yata siyang nagbabad sa bathtub bago ipinasyang maligo ng tuluyan."Ang tagal mo."
Natigil sa paglabas ng banyo si Snow nang makita si Ricky na nakasandal sa gilid ng pinto.Mukhang kanina pa ito naghihintay.Iimik sana siya nang pumasok na ito sa loob at bahagya pa siyang itinulak palabas.Ngalingali niya itong batukan nang pagharap niya ay pinto na lang ang bumungad sa mga mata niya.Napairap siya.
"Malay ko ba na naghihintay siya sa labas," bulong pa niya.Prenteng nakaupo lang siya sa couch na naroon habang hinihintay si Ricky.Pipikit na sana siya ng lumabas naman ang kanina pa niya hinihintay.Nag-iwas agad siya ng tingin nanh makitang nakatapis lang ng tuwalta ang ibabang bahagi ng katawan ni Ricky.Katatapos lang din nitongmaligo.
Nagsalubong naman ang mga kilay nito nang makita siya. "Bakit hindi ka pa nagbibihis?"
Tumikhim muna siya. "Pinapatuyo ko muna 'tong buhok ko. Basa pa kasi."
"Magbihis ka na at kakain tayo sa labas."
Isang ulit pa niyang sinulyapan ang katawan nitong naghatid ng kakaibang kiliti sa kanyang katawan,saka siya tumayo at walang lingon-likod na nagtungo sa kanyang wardrobe upang mamili ng kanyang susuotin.
YOU ARE READING
Living like Hell
ChickLitCOMPLETED(SPG/Rated18) Nagpakasal ako saiyo sa papel.Nagpanggap na asawa mo bilang kabayaran sa mga-utang namin tapos heto lang ang igaganti mo!How dare you make me live like hell! Note:Read according to your sense