Chapter Twenty-Eight
Labis ang kasiyahan ni Ricky ng mga sandaling iyon.Masaya siya na makitang nakangiti at tumatawa ang babaeng minamahal niya.Oo nga't biktima siya ng panggagahasa pero hindi iyon ang maging rason para hindi niya ito mahalin.Tanggap niya si Snow dahil ito ang babaeng nagpatibok sa puso niyang matagal ng tulog.Ginising nito ang puso niya upang magmahal muli.
Nang madatnan sila ng caretaker ng bahay ay nagulat ito sa histura ni Ricky."Diyos ko!Anyari saiyo,Senyorito?Bakit puro kagat ng langgam ang nasa 'yong katawan.Ano'ng ginawa mong bata ka?"tanong niya ng sunodsunod.Dumating na ito galing sa gulayan.Namitas ito ng mga sariwang gulay na lulutuin raw niya para sa sakanila.
Bigla namang tumahimik si Snow.
Pinamulaan ng mukha.She was the couse of it.
"Kasalanan ko po,"sagot ni Snow sa matanda."Gusto ko po kasing kumain ng mangga.Ayon di ko alam na inakyat pala niya kaya nagkaganyan ang buo niyang katawan.""Naku,Senyorita,alam mo bang sensitive ang balat ni Senyorito.Lagi yan nagkakati-kati kati kahit noong bata pa.Kaya hindi siya madalas ipasyal dito dahil sa sobrang kakulitan.Tumatakas kasi 'yan at pumupunta kung saan-saan.Pag-uwi puro sugat at kati-kati na ang buong katawan.Kaya laging napapalo."
Dinala ng matanda ang gulay na nasa basket sa kusina.Sumunod si Snow dito."Ako nga po pala si Snow,"pakilala niya,nakangiti sa matanda."Sobrang sutil pala siya,"natatawang sambit ni Snow sa matanda.
"Tawagin mo nalang akong Nanay Isay.Iyon kasi ang tawag ng lahat sa akin dito,"nakangiting sagot ni Nanay Isay."Hay,hija.Sinabi mo pa?"Iiling-iling nitong sagot.
Tumango si Snow.Tiningnan niya ang mga gulay na inuwi ng matanda.
"Nag-uulam kaba ng mga gulay?"bigla ay tanong nito sa kanya."Oo naman po,"nakangiti niyang sagot.
"Naku,'yung si Senyorito di mo 'yan mapapakain ng gulay.Hindi raw masarap pero di niya alam masusustansiya ang mga ito."
Nangisi siya.Masayang kakuwentuhan si Nanay Isay dahil hindi ito nawawalan ng topic.
"Eh,ano po palang gamot sa kati-kati niya?"bigla ay naitanong niya.May kinuhang garapon si Nanay Isay sa drawer.Inilapag ito sa harapan niya."Oh,ayan asin.Ipahid mo sa katawan niya."
"Bakit po asin?"
"Sabi nila mabisa daw ang asin na gamot sa kagat ng langgam kaya asin ang pinanggagamot.Maiibsan daw ang kati."
"Ganun po ba?"
"Sige na,puntahan mo na siya.Pahiran mo ng asin ung mga kati-kati niya.Para mayamay ay gumaling na."
Atubili man ay sinunod pa rin niya ang utos ng matanda.Naabutan niyang panay ang kamot parin ni Ricky sa katawan.Gamit ang tuwalya na ginamit nito kaninang pangpunas sa katawan pagkatapos nitong maligo.
"Huwag mo kasing kamutin para di lumala,"galit niyang sita."Kamot ka kasi ng kamot,eh!"Makati kasi,eh,"reklamo nito.
Nilapitan ni Snow si Ricky.Kumuha ng asin at ipinahid ito sa likuran niya.Alam niyang nasasaktan pa rin ito dahil nakikita niyang pangiwi-ngiwi ito habang nilalagyan niya ng asin ang kanyang mga kati-kati.
"May paakyat-akyat ka pa kasi!"bulong niya habang pinapahiran niya ang likod nito ng asin.
"Eh, kasi gusto mo ng mangga."
"Oo nga!Pero di ko sinabing umakyat ka."
"Nangangati na nga, pinapagalitan pa."
"Hindi kita pinapagalitan.Pinagsasabihan lang kita.Kaya sa susunod Mr.Ferrer huwag mo ng gagawin 'yon.Pa-hero ka pa kasing nalalaman 'yan tuloy ang napala mo."
YOU ARE READING
Living like Hell
ChickLitCOMPLETED(SPG/Rated18) Nagpakasal ako saiyo sa papel.Nagpanggap na asawa mo bilang kabayaran sa mga-utang namin tapos heto lang ang igaganti mo!How dare you make me live like hell! Note:Read according to your sense