Selfishness

2.7K 58 5
                                    

Chapter10

Narinig ni Snow na nagmura si Ricky pagkatapos nitong kausapin ang hostess ng Korean restaurant sa loob nang Pacific Hotel and Casino--na pag-aari nito--kung saan sila naroon.Komportable na silang nakaupo sa window table.Nang tingnan niya si Ricky ay magkasalubong ang kilay nitong nakatingin sa isang lalaking may kausap sa isang mesa.At nang makilala ni Snow ang lalaki ay nanlaki ang mga mata niya.

"Oh, my God! Si Jeff Torres ba 'yon ng Prime Technologies?" Tanong niya kay Ricky.

"You know him?" Kunot-noong tanong nang asawa sa kanya.

"Not personally. Pero madalas ko siyang makita dati sa kompanya nang ama ko. That's why, he look familiar with me. At mas guwapo siya ngayon," ani Snow kay Ricky.Although,hindi niya sinasadyang sabihin ang huling pangungusap na mamutawi sa kanyang mga labi.Pero crush talaga ni Snow noon pa man si Jeff.
Napakaguwapo,napakakisig,at napaka-gentleman kasi nito.Isa pa ay palagi itong masuyo sa mga babae at palagi rin itong nakangiti.Hindi katulad ni Ricky.

"Of course, he's famous among women. He's Mr.Nice and Gentleman but that's how he operates. Ginagamit niya ang kanyang karisama para makapag take advantage. Mukha man siyang mabait pero kabaligtaran siya no'n," tila naiinis na sabi ng asawa.

"Okay. Obvious na hindi kayo close," ani Snow.

"Hindi ako nakikipag-close sa mga taong katulad niya!" Mariin at seryosong sabi ni Ricky.

Tila nakatunog naman si Jeff na ito ang pinag-uusapan nila kaya lumingon ito sa gawi nila tapos kumaway.May kung anong sinabi ito sa kasamang babae.Mayamaya ay naglakad ito patungo sa kanila.Muli ay narinig ni Snow na nagmura si Ricky.Tinawag nito ang hostess at pinakansela ang mga order nila.At sa gulat ni Snow ay bigla nalang hinawakan ni Ricky ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng mesa.

Tila tumigil ang pagtibok ang puso ni Snow at tinitigan ang magkahugpong na mga kamay nila ni Ricky.
Na-culture shock yata ang kanyang puso kaya pakiramdam niya ay tumigil iyon sa pagtibok.Nang sulyapan niya si Ricky ay tila wala itong ginagawang kakaiba samantalang malaki ang naging epekto ng kilos nito sa kanyang sistema.

Bakit ba lagi nalang akong may nararamdamang wierd kay Ricky?

"Well! Hello, Rick!" Nakangiting bati ni Jeff sa kanyang asawa at mayamay ay sinulyapan siya nito. "You look familiar. Nagkita na ba tayo noon?" Tanong ni Jeff nng mapabaling ang atensiyon nito sa kanya.

"Yes, dati...sa komonpanya ng Papa ko!" Nakangiting tugon ni Snow.Naramdaman niyang humigpit ang pagkakahawak ni Ricky sa kanya pero hindi naman iyon umabot sa paraang nasasaktan na siya.

"Great! Call me, Jeff' please, Miss..."

"We're leaving, Jeff!" Singit ni Ricky,saka mabilis na tumayo mula sa kinauupuan nito at hinila siya palapit.

"Is this what I think it is? Wow! This is a surprise, Rick? Hindi ko alam na nakikipag-date ka pala?" Nakangising pang-aasar ni Jeff.Pakunwari pang kinakamot ang baba habang nakatitig sa kanila.

Date? naisaloob ni Snow.

"It's none of your business!" Mariing sagot ni Ricky.

"Oh, but this is quit interesting? Alam ba 'to ni Jackie?" Tanong ni Jeff sa asawa.

"Jackie!" Kumulo agad ang dugo ni Snow nang marinig ang pangalang iyon.Totoo ba talaga na may something sila ni Zombie girl?Kung ganoon, sino siya?Kabit?Mistress?Kerida?Nahilo tuloy siya doon.

Living like HellWhere stories live. Discover now