Chapter20
"Are they licensed?" Tanong ni Snow nang makuha na nila ang mga gagamiting armas.Tumawa nang nakakaloka si Jackie.Gusto kasi niyang makasiguro na lisenyado ang mga ito para wala silang sabit sa batas.
"Do you really think they are real guns?" aniya.Umiling ito sa kanya.
"They are licensed of course? Alam mo ba kung ano ang trabaho ng friend kung 'yon? He is a hunter. This guns are using for hunt. Hindi bullet ang laman ng mga ito kundi pampatulog lang. Oras na matamaan ang target siguradong tulog." Paliwanag nito sakanya.
"We are not using real guns,
maingay!" aniya na nakangisi. "Patutulugin lang natin sila tapos sila naman ang igagapos natin!"May pakindat pa ito sa kanya sa huling sinabi.Bigla ay natawa siya sa sinabi nito.They are using hunters gun.Bigla ay nakaramdam ng pag-asa si Snow kay Jackie.Tiningnan niya ito uli.
Nagpasalamat siya sa sobra-sobrang tulong nito sa kanya.Hindi niya alam kung paano ito pasasalamatan.Pero ang hiling nalang niya ay hindi ito mapahamak sa lakad nila."You must take care, promise," ani Snow kay Jackie.
"What the!?" Ako pa?" Pagmamayabang nito sa kanya.
"Basta ipangako mo sa akin na mag-iingat ka," ulit niya.Sinsero.
"Opo, Madam!" Ani Jackie at sumaludo pa ito sa kanya.
"Lagot ako kay Ricky kapag napamahak ka." ani Snow sa babae.
"Huwag mong isipin 'yong lalaking 'yun!" Natatawang sabi nito. "Halika ka na! Let's go smack them, bit them and kill them!" Yaya ni Jackie sa kanya.Full of energy itong naglakad. "Huwag ka nang maraming sinasabi pa at baka mahuli tayo sa biyahe."
Sumunod siya kay Jackie.Nagmatiyag sila sa loob ng kanilang bahay.Wala na doon si Samuel.Apat nalang na tauhan nito ang naroon.May mga bote ng beer at sigarilyo sa lamesa ng mga ito habang naglalaro ng braha.
Sinulyapan siya ni Jackie.
Nakapuwesto ito na inamo may inaabangan na papalapit na kalaban.Hindi niya akalain na magaling din pala itong humawak ng shotgun.Aminado siyang magaling din siya pero kakaiba itong si Jackie."Don't ask and stare at me like that? The truth is, I'm a hunter license too." Paliwanag nito.Kakaiba talaga ang mga natutuklasan niya sa babaeng ito. "Tabi ka. Ako bahala sa apat na 'yan!" Paniguro sa kanya ni Jackie.
Itinutok nito ang shotgun sa lalaking malapit sa kanila.Tinamaan ito sa balikat.Ang akala nito ay may kumagat lang sa kanya.Pero mayamaya pa ay inuyuko na nito ang ulo at mukhang nakatulog na.Ganoon rin ang nangyari sa mga sumunod na tatlo pa.Nang makasigurong tulog na ang mga ito ay agad nilang nilapitan.Dala ang lubid ay itinali nila ang mga ito upang kahit magising na sila ay hindi na makakalaban pa.
Kinalas ni Snow ang pagkakatali nang kanyang mga magulang.Nanghihina na ang mga ito at wala na ring malay.Eksaktong patapos na ang pagkakalas niya ng lubid sa may paanan ng mga ito ng may pumalakpak sa kanyang likuran.Agad niyang nilingon ito at dahang-dahan itinunghay ang ulo dahil nakayuko siya nang mga sandaling 'yon.Mabuti nalang at agad palang nakatago si Jackie at hindi siya nakita nito.Kinindatan siyang sumabay lang at nag-sign ng dalari with a thumbs up.
"Ang tapang mo namang sumugod ditong mag-isa?" ani Miya sa kanya. "At hindi ko rin akalain na matatakasan mo ako? Ang lakas din pala ng pakiramdam mo? You are such a smart girl!" She smirked.
"Miya, bakit mo ginagawa sa akin 'to? I thought you were my best friend? Akala ko ba magkaibigan tayo?" Tanong ni Snow kay Miya.
"Akala mo lang 'yon? Kung hindi ka rin lang naman tanga, eh, 'di sana maayos na ang buhay mo? Bakit hindi ka nalang kasi naging faithful wife sa asawa mo at hindi 'yang paghihiganti ang pinairal mo? 'Ayan tuloy nagkaletche-letche ang buhay mo dahil sa pagiging makasarili mo!" Deritsahang sabi ni Miya sa kanya.
YOU ARE READING
Living like Hell
ChickLitCOMPLETED(SPG/Rated18) Nagpakasal ako saiyo sa papel.Nagpanggap na asawa mo bilang kabayaran sa mga-utang namin tapos heto lang ang igaganti mo!How dare you make me live like hell! Note:Read according to your sense