Dream

2.2K 59 9
                                    

Chapter26

Sa pagkakahimbing ng tulog ni Snow ay tila naging isang masamang bangungot ang napanaginipin niya.
"Jeff ano 'to? Ano'ng ibig sabihin nito?" Tanong ni Snow sa lalaki.

"Kabayaran sa ginawa mo sa akin at sa pagpatay mo kay Samuel!"

"Jeff, please. Nagmamakaawa ako saiyo! Don't do this!" ani Snow.Itinali ang dalawa niyang mga kamay patalikod pati ang mga paa.Habang nakasalampak sa sahig.

"Bakit naman ako maawa sa'yo?Sino ka ba sa tingin mo?" ani Jeff sa kanya.Ngumisi nang nakakaloko.

Wala siyang maalala na kahit ano.Kung bakit siya napunta sa kamay ni Jeff.Ang alam lang niya ay nakatulog siya sa bahay ni Ricky.Ang sabi pa nito sa kanya ay safe siya doon.Paano ba talaga ito nangyari? Bakit kasama na niya ang demonyong si Jeff?Nasaan na si Ricky?Nasaan rin siya?

"Magdasal kana Snow dahil heto na ang magiging huling araw mo sa mundo! Hindi ka rin naman masaya 'di ba, dahil tinutugis ka naman nang sarili mong konsensiya! Hindi ka rin makakatulog nang mahimbing at makakain ng tama dahil sa takot na mahuli kita at mapatay! And now here you I am and you are there! Let's end this game!"

"Jeff, hindi ka ba natatakot na makulong ulit?"Pananakot ni Snow sa lalaki. "Kapag pinatay mo ako, makukulong ka nang pang habang-buhay at baka hindi ka na rin makalaya pa."

"Sa tingin mo magpapahuli ako!" Galit na sita ni Jeff sa kanya.Tinutukan siya ng kutsilyo sa leeg. "Makinig ka, Snow, kapag pinatay kita. Ako mismo ang maglilibing saiyo!" Saka tumawa ito ng napakademonyo.Nasisiraan ng ulo.
"Ako ang maghuhukay nang lupang lilibingan mo!"

Kinilabutan si Snow sa narinig.Mukhang desidido si Jeff na kitilin ang buhay niya.Nag-isip siya nang paraan kung paano makatakas pero nang ilibot niya ang paningin ay wala man lang  siyang makitang bintana o pintuan na puwede niyang labasan kung sakaling makalas man niya ang kanyang pagkakatali.Nasaan na ba ang asawa niya?Bakit hinayaan siya nitong kidnappin ni Jeff?Napayuko siya.Nawalan nang pag-asa.

"Si Ricky ba ang nasa isip mo?" ani Jeff na tila nahulaan ng demonyong lalaki ang tinatakbo ng isip niya.

Hindi siya umimik.

"Actually, he's still alive," sagot rin ni Jeff sa sarili nitong tanong.May ipinakita ito sa kanya na video clip.Itinali nila si Ricky sa likod ng truck at pinahila ang katawan nito sa kalsada.Sugat-sugat ang mukha nito at buong katawan mula sa pagkakaladkad nito sa kalsada.Naiyak siya sa kapalaran nang asawa.

"How could you do this evil you!" Galit na sigaw ni Snow kay Jeff. "Hayop ka! Demonyo ka! Pareho lang kayo ni Samuel na anak ni Satanas! Mga walang puso!" Naghihinagpis niyang sigaw dito.

"Shout what you want now? Mayamaya pa ay magkakasama na kayo ulit ng asawa mong magaling! Ililibing ko kayong sabay! Sa langit na lang kayo mag-sama!" ani Jeff. "And I want your one eye too?" ani Jeff sa kanya at itinutok ang patalim sa kanyang isang mata.

Paano na?Paano na siya makakaalis sa poder ni Jeff?Hindi puwedeng magtagumpay ito sa kanyang binabalak.Pinilit kinalag ni Snow ang kanyang pagkakatali.Kahit na nagkasugat-sugat na ang wrist niya dahil sa tigas ng lubid ay tiniis niyang kiskisin iyon upang mabilis na lumuwag.Hindi sitya tumigil,sa wakas ay natanggal niya ang tali sa kanyang kamay.Isinunod niya ang kanyang paa.

Snow tried to scape but it was all walls.Na-trap siya sa silid na walang lagusan.Natataranta niyang kinapa ang apat na sulok ng dingding baka sakaling may mga secret door na puwede niyang lagusan pero wala talaga.Matigas na semento lang ang nakakapa niya.Nanlumo siyang naupo.Sumigaw nang malakas!Malakas na malakas!

Sumigaw siya ng malakas habang sabunot ang sarili niyang buhok. "Let me get out of here! Let me out!" aniya. "I want to get out here! Help me!" She screamed out loud.

Nagulat si Ricky sa malakas na sigaw ni Snow.Naghahanda siya ng kakainin ng dalaga ng mga sandaling iyon.Wala pang kinse minutos bago niya ito iwan ay bigla nalang siyang makakarinig ng sigaw mula sa dalaga.Kinausap na rin ni Ricky ang kaibigan niyang pulis sa tulong ni Jackie na pasubaybayan ang kilos ni Jeff.They secretly planned it at hindi na ipinaalam kay Snow.Ayaw niya kasing mag-isip pa ito ng kung ano-ano.Gusto niyang magpahinga lang ito.

Agad niyang tinakbo ang silid na kinaroroonan ng asawa.Dinaluhan niya ito. "Hey! What happened?" Nag-aalang tanong ni Ricky sa kanya.

"Gusto akong patayin ni Jeff!" Hagulgol niyang sabi. "Hindi ako makatakas sa pinangkulungan niya sa akin na silid dahil walang lagusan." Takot na takoy niyang sambit.Nanginginig pa ang kanyang buong katawan.

"Shhh! It's okay. Panaginip lang ang nangyari. Look, I'm here at nandito ka sa silid mo," ani Ricky sa kanya.

"Natatakot ako!" ani Snow sa asawa.Nahulaan agad ni Ricky na kailangan nang magpatingin ni Snow sa specialist dahil mukhang na traumatized na ito sa mga nangyari.Pinakalma niya ito at muling inihiga sa kama.Akmang tatayo na siya ng hilain nito ang dulo ng kanyang suot na t-shirt.

"Please, don't leave me. I'm scared," parang batang usal ni Snow.

"Okay, I'm not leaving you," ani Ricky.Hinaplos ang buhok ng asawa.Naawa siya sa kalagayan nito.Na after-shock lang ito kaya siguro siya nagkakaganyan. "Gagaling ka din," sambit ni Ricky sa kanya.

"Am I sick?" Tila nalilitong tanong ni Snow dito.

Tumango si Ricky sa kanya.
"Kaya, you need to eat and rest para gumaling ka agad," anito.

"Did I have fever?" ani Snow na kinapa ang noo.Animo bata.

"Yeah?" Pagsisinungaling ni Ricky.Niyakap ang asawa. "You must listen to the doctor later okay. Behave ka lang and you must take your medicine para gumaling ka agad," malambing na sabi ni Ricky kay Snow.Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya naluha.Naiyak siya sa kapalaran ng asawa.

"You're crying?" Nalilitong tanong ni Snow. "Why?" aniya nang humarap ito sa kanya.

"Because of you darling," ani Ricky sa kanya.

"No! Lumayo ka sa akin! Isa kang kaaway!" Biglang  sigawni Snow kay Ricky.Itinulak niya ito palayo sa kanya. "I don't trust you!" aniya.Niyakap ang mga tuhod at tila nakaramdam ng takot.Nag-iba ang pananaw niya sa pinapakitang kabaitan sa kanya ni Ricky.

"Don't be scared, darling. I'm your husband. Mag-asawa tayo," mahinang paliwanag ni Ricky kay Snow.

"No!" Malakas na sigaw niya. "Get out! Get out!" Histerikal niyang sigaw habang pilit pana-paalis si Ricky sa loob ng kuwarto. "Get out!" Muli niyang sigaw dito ng hindi pa siya nito iniiwan.

Natarantang lumabas si Ricky.Agad niyang tinawagan ang kaibigan niyang doctor.Tinawagan rin niya si Jackie.Pinaliwanag niya rito ang sitwasyon ng asawa.Snow was suffering from Post-traumatic stress disorder a mental health that's triggered by a terrifying event-either experiencing it or witnessing it.
Symptoms my include flashback, nightmares, and severe anxiety,as well as uncontrollable thoughts about the event.

"Hopefully ay makakatulong ang mga gamot na niresta ko sa kanya. And you must bring her to a vacation. Punta kayo sa lugar kung saan makakalimutan niya ang mga nangyari. The best place is the beach," payo ng kaibigan niyang Doctor.

Nagpasalamat si Ricky dito at nagakong susundin ang kanyang payo.

"She will be fine," sabi uli nito sa kanya.Tinapik siya nito sa balikat bago umalis.Tumango siya bilang pag-sang ayon.

Ang nasa isipan ngayon ni Snow ay mga humaliation lamang.Jeff was dead.According sa mga source niya ay nabaril daw si Jeff sa isang club.Pinatay siya ng mga nakabanggaan nito.In-ambush ang sasakyan nila at pinag-babaril ang mga ito.So, lahat ng mga tumatakbo sa isipan ni Snow ay mga kathang-isip lamang niya.Mga diwang naglalaro sa kanyang sariling imahinasyon at walang katotohanan.

"You must get well soon," ani Ricky.Nakasilip sa siwang ng pintuan habang pinagmamasdan ang mahimbing nang tulog na asawa.Nakatulog narin ito sa wakas dahil sa gamot na ininom nito.

"Next...."

Living like HellWhere stories live. Discover now