Two-gether

3.5K 79 10
                                    

Chapter5

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong Snow kay Ricky.

Tumabingi tuloy ang ngiti nito.Kanina pa niya kasi ito hinhintay.He cleared his throat. "May ginawa lang."

"Ginawa?" Kung ipagdiinan nito ang salitang iyon ay parang may kung ano pa itong ginagawang kababalaghan.
"Grabeh naman iyong ginawa n'yo? Umabot nang dose oras."
Ngumiti pa rin si Snow kahit nakaramdam ng inis sa ginagawang pang-iiwas sa kanya ng lalaki.

"Ano po'ng ibig n'yong sabihin, Madam? Papasukin mo nalang ako sa loob dahil nakakangalay na rito sa labas."

Hinablot ni Snow ang suitcase sa kamay niya. "Bakit ang tagal mo?" Hindi maka-move on na tanong niya.Sa isip ay gusto na niyang sampulan ang lalaki.

Dalawang taon ang pinirmahan ni Snow sa kontrata nila ni Ricky.Palalabasin nila sa publiko na ganap na silang mag-asawa sa mga mata ng kanilang mga empleyado.Habang tumatagal ay nakasanayan na ni Snow ang presensiya ng asawa-kuno.Ngunit sa opisina lang ito nagiging sweet sa kanya pagdating sa bahay ay malamig na ang pakikitungo nito.

Maayos niyang ginampanan ang kanyang trabaho upang makatulong siya sa kanyang ama.Sa dalawang taon ay mababayaran na nila ang pagkaka-utang nila sa binata.Iniurong na rin ni Ricky ang kaso.Kaya naman naging mabuti siyang asawa sa paningin ng binata.Sinusunod niya lahat ang mga utos nito.

Matalim ang mga matang nakatingin si Snow sa asawa.Nasa lawn ito ng bahay at kausap nito ang kabit.O dating kabit.Naringgan pa niyang nagdra-drama ang ungas.Nalaman niya na hindi pa pala alam ni Jackie Ilardo na iyon na may asawa na si Ricky.Gayunman,para sa kanya,sadyang gaga at tanga lang ang Jackie Ilardo na iyon,sukat ba namang magpaloko siya sa kanyang asawa.Ni hindi man lang niya pina-background check si Ricky o kinilala ng husto.

At ang lalaking ito naman ay isa ring gago at kalahati.Nambabae at naglihim sa Jackie na iyon na may kinakasama na siya at wala na ngang iba kundi siya iyon.Ang akala ba nang lalaki ay hindi siya manghihinala na may kabalbalan itong ginagawa?
May mga kamag-anak at kaibigan siya na nakakita na kasama ni Ricky si Jackie.At siya naman ay may kagagahan din palang taglay.Kahit na niloloko na siya ng harapan hindi pa rin niya kayang iwan ang lalaki.May common denominator silang tatlo:pare-pareho silang tanga.O nagtatanga-tangahan.

Pero alam ni Snow na hawak niya ang alas.May pinirmahan silang kontrata kaya mas lamang siya.Sa ngayon ay sa kanya si Ricky.Kanya ito.Pag-aari niya tulad ng kasunduan nilang dalawa.
"Ayaw na niya saiyo kaya bakit mo pa ipinagpipilitan ang sarili mo sa kanya? Gusto mo siyang ilagay sa kahihiyan? Ano ang gusto mo, ipangalandakan sa madla na kabit mo siya? And one more thing how could you be so sure that you'll be happy with each other? Problema lang ang ibibigay mo sa kanya dahil sa panlolokong ginawa mo. Ikaw naman kasi, kasalanan mo. May kontrata tayo, yet, nambabae ka at umaasang may happily ever after kayo? Well, that's just only your imagination, my stupid husband. And I'll be damned if I let any woman take you away from me. Mangarap at maglaway na lang sila saiyo because you are mine, all mine!" Matigas na turan ni Snow kay Ricky.Binabalik ang sinabi ng lalaki sa kanya noong una pa lang silang magkapirmahan ng kontrata.

Isang matiim na tingin ang ipinukol sa kanya ni Ricky at iniwan na siya sa lawn.She folded her arms across her chest.Sanay na siya sa pambabale-wala sa kanya ng lalaki.Hindi na bago iyon.Hindi nga siya nito sinasaktan physically,but he was hurting her emotionally.Pumasok na si Snow sa loob at dumeretso sa entertainment room.Hindi pa siya inaantok kaya magpapalipas muna siya ng oras.Isinalang niya ang isang action movie.Pero nawalan siya ng gana at itinigil na rin ang panonood.Hindi rin kasi siya makapag-concentrate sa pinapanood dahil ang isip niya ay na kay Ricky Ferrer.

Mula ng magsama sila ni Ricky a year ago ay malamig na ang pakikitungo nito sa kanya.Miserable ang naging buhay niya sa piling nito.
Gustong-gusto si Ricky ng mga magulang niya dahil mabait na bata raw ang lalaki.Guwapo rin.
Ni hindi man lang nahiya ang binata sa kanya dahil nakuha pa nitong mambabae.Mabuti nalang at hindi sila nagkakasalubong nang kabit nitong si Jackie Ilardo.Hindi siya ang tipong magpapaapi.Hindi niya hahayaang makalapit sa asawa ang mga babaeng gusto nitong suluin.Kung gusto ng malalanding babaeng iyon na masaktan,makikita ng mga ito ang hinahanap.

Poprotektahan niya ang pag-aari.Kanya lang si Ricky.Mahal na niya ang binata.Handa niyang ibigay ang lahat dito.Pero si Ricky pala ay ginagawa lang pampalipas-lipas oras ang Jackie na iyon,kanya inilalabas ang init ng katawan.It was all lust for him.He did not love her,not even an ounce.Dahil wala pang nangyayari sa kanila.

Masakit na nga kay Snow na siya ang kabayaran sa utang ng kanyang ama,hindi man lang siya minahal ng lalaki.Na may kontrata pa sila para magsama at magpanggap na mag-asawa.Pagkatapos ay nambabae pa ito at minamahal ang Jackie Ilardo na iyon na hindi naman nito ganoon katagal na kakilala,kumpara sa kanya.

Sobra siyang sinaktan ni Ricky.Bakit ba hindi siya magawang mahalin nito?Pangit ba ako?Kapalit-palit ba ako?Then why?Mahirap ba siyang mahalin or there is something bothering from him?Ang gusto lang naman niya ay mahalin din siya ni Ricky pero bakit hirap na hirap para dito na gawin iyon?

Ngunit sa kabila ng lahat,inunawa at pinatawad pa rin niya ito.But she would not give up on him.She promised herself that.Huminga ng malalim si Snow at pinatay na ang DVD player.Nagtungo siya sa master's bedroom at nahiga sa kama.Ilang sandali lang siyang nakatitig sa likod ni Ricky.Umismid siya,sinimangutan ang likod nito at tumagilid ng higa,patalikod sa asawa.

Ilang minuto palang siyang nakahiga nang makita niyang umilaw ang cell phone ng asawa na nasa ibabaw ng lamp table.Bigla ay nagkaroon ng curiosity ang kanyang malokong utak para tingnan kung sino ang nagte-text sa asawa sa ganoong dis oras ng gabi.
Dahan-dahan siyang gumalaw at iniangat ang kamay.Ingat na ingat siyang inaabot iyon ngunit umingit ang kama na ikinagulat niya kaya naman aksidenteng napadagan siya sa ibabaw ng asawa at napasigaw siya sa gulat.

"I...I'm so-sorry!" Hinging paumanhin niya at nasa ibabaw pa rin siya ng asawa.
"G-gusto ko lang sanang...patayin yung..."

"What do you want?" Putol ni Ricky sa sasabihin niya.

"I just want to off the lamp!" Pagsisinungaling niya.Sinimangutin uli niya ang asawa.

"Gusto mong patayin yung lamp or gusto mo nang ganoon?" anito.And he make a sign language mula sa likod ni Snow.

Bigla ay nag-init ang pisngi ng dalaga sa hiya.Nagbalak siyang umalis sa ibabaw ng binata ngunit mahigpit na itong nakayapos sa beywang niya.Nagpumiglas siya pero mas malakas ang karisma ng walanghiya na humahatak sa kahinaan niya.Wala siyang nagawa kundi bumigay lalo nang ipaalala sa kanya nito na kasama rin daw sa kontrata ang gagawin nila.

Living like HellWhere stories live. Discover now