STRAIGHT TO HEAVEN
Chapter Five: Shocked!
Keila POV
Nagpaalam na rin ako kay putanginang Jimin na aalis ako ng condo niya para pumunta sa apartment ko at mamalengke. Di naman kasi pwede na wala kaming makakain dito. Tsaka di rin pwede na mga damit nalang niya ang susuotin ko.
Kapal ng face ko pag ganun.
Pumayag naman siya marahil ay busy siya sa kanyang kompanya. Wala naman talaga akong paki sa kanya. Ni di ko nga alam kung bakit ako pumayag sa kanyang deal maliban sa malaki ang makukuha kong pera buwan-buwan.
"Talaga bang aalis ka na?" tanong sa akin ng karoom mate kong si Zoila.
"Oo naman. Malaki ang sweldo eh tsaka libre pa condo kaya ikaw na ang bahala dito," tugon ko sa kanya habang nililigpit ang aking mga damit sa isang maleta.
"Kala mo kung sinong nakajowa ng foreigner e lilipat lang naman ng condo. Pero ilibre mo ako sa susunod ah."
"Kapal ng pwet mo," sabi ko saka na lumabas ng kwarto. "Advance akong mag-isip kaya wag kang magpapabuntis sa boypren mo ah!"
"Pakyu! Baka ikaw ang mabuntis, gaga!" sigaw niya pero tumawa nalang ako.
Hayst. Mamimiss ko talaga yung si Zoila. Gaga pa naman yun. Pero sa totoo lang, mamimiss ko talaga yung bruhang yun kahit gaano pa yun kalandi.
Pumara na ako ng jeep saka na dumiretso sa condo ni boss. Kailangan ko pa kasing i-arrange tong mga gamit ko tsaka kailangan kong magmamadali. Malapit na kasing gumabi eh tsaka baka mapapagalitan na naman ako ng putanginang yun.
Pagdating ko sa harap ng building ay agad akong pumasok. Di ko na pinakaelaman ang mga nakasakay ko sa elevator saka na dumiretso sa loob ng condo.
Alam ko naman ang password, hehe.
Di na ako nagsayang ng oras at nag-arrange nalang ng mga gamit. Nilinis ko na rin ang buong condo para ma-impress ko siya sa kapangyarihan kong malinisin.
Nahiga muna ako sa malaki niyang kama sa kwarto. Napapikit muna ako ng mga mata saka nag-isip-isip kung bakit ba ang ganda ko.
Bakit ba itong si Park Jimin ay kumuha pa ng sexmate kung sa ganong marami naman sa bar? Pwede naman siyang makahanap sa mga bar na mas sexy at mas maganda sa akin pero bakit kailangan pa niyang maghire? Siguro ayaw niyang magka-aids. Hekhek!
Pero di naman pwedeng wala siyang girlfriend. Kung may girlfriend siya pwede namang yung girlfriend nalang niya ang gagawin niyang slave.
Ni ako ay hindi sana papayag sa deal na yun because my body is not for sale. Sayang kasi yung malaking offer niya tsaka free tuiton pa. Iisipin niyo mang malandi ako pero malandi na kung malandi basta I need his offer. Desperada, whore, bitch, slut, laruan pero wala sa intensyon ko ang maging ganun, sadyang napilitan lang ako.
Pagkatapos nitong lahat at kung kailan na ako papalayain ni Jimin ay aalis agad ako at maghahanap ng magandang trabaho. Ilang semesters nalang at graduate na ako kaya I need money for my tuiton fee. Kailangan din ng pamilya ko ng pera para pampagamot kay nanay sa sakit niyang breast cancer.
"Good at nilinis mo ang lugar na to," rinig kong boses ni Jimin kaya agad akong napabangon. "Ang lambot ng kama, diba?" tumango lang ako. "Gaya ng boobs mo."