ELEVEN

126 6 0
                                    


STRAIGHT TO HEAVEN


Chapter Eleven: You're only mine


Keila's POV

Lumipas ang tatlong araw at kalat na kalat na nga ang fake news na yun. Pati nga sa university ay kalat na kalat. At hindi maiwasan ng mga tao dun na hindi gagawa ng tsismis.

Lahat ng mga taong nakakasalubong ko sa campus ay palagi akong tinitignan. Kinukunan pa nila ako ng litrato. Tsaka may mga taong binabash ako kasi bakit ko raw inagaw si Jimin sa kanila at meron namang mga taong sinasabihan akong swerte kasi ako raw ang naging girlfriend ni Jimin.

Like hello? Di ko talaga alam na famous pala tong Jimin na to tsaka bakit naman ako swerte sa kanya kung araw-araw kaming nagtotrokis? Well, swerte ang masasabi ng iba pero sa akin, malas. Di kasi alam nila na iba pala ang pakikitungo namin ni Jimin sa isa't-isa.

Nitong mga nakaraang araw ay palagi nalang siyang busy at pag-uuwi siya sa condo niya ay palagi siyang lasing. Di ko nga alam kung pumapatol na naman siya sa mga babaeng pokpok sa tuwing uuwi siya na lasing.

Iba talaga ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Palagi nalang kaming war pero walang ibang nakakaalam nito kundi kami lang. Sometimes also, palagi niya akong siniseduce. Pero kung papayag na ako na iseduce niya ako ay may mga bagay talaga na dadating sa buhay ko para iligtas ako sa kanya gaya ng mga meetings niya at trabaho sa opisina.

"So, boyfriend mo pala ang Jimin na yun?" out of nowhere na tanong sa akin ni Jungkook.

Mabilis naman akong napaiwas ng tingin sa kanya at inubos nalang ang binigay niyang coke in can sa akin.

"Kind of..."

"Anong kind of ka diyan? Tell me, Keila, boyfriend mo ba talaga ang Jimin na yun?"

I faked a smile at him and then breathed so heavily. "Basta. Siya ang boyfriend ko at nagmamahalan kami," I lied.

Ngumisi lang siya at inakbayan ako. "I wont believe you but if you say so, then I'll believe you even if that's a fake fact."

"Tsk. Bahala ka na nga diyan, pupuntahan ko nalang si Taehyung," sambit ko at tumayo na. Pinagpagan ko na rin ang aking sarili at lumakad na papunta sa isa pang gunggong.

"Akala ko ay kung ano na ang ginagawa niyong dalawa dun sa hill view," biro niya sa akin at lumagok ng sprite.

"Tangina mo. Huwag ka ngang ganyan, bruh. Tsaka may boyfriend na tong si Keila," singit naman ni Jungkook sa aking likuran.

"Tumahimik ka diyan, kuneho! Alam kong pinupormahan mo na si Keila-ssi!" sigaw ni Taehyung at tumakbo papuntang baba kaya hinabol din siya ni Jungkook.

Natatawa talaga ako sa kanilang dalawa. Di ko alam pero parang malapit lang ang loob ko sa kanila. Mababait naman at mga cute pero ibang-iba sila sa mga lalaking nakilala ko. They also treated me as their girl best friend.

Umupo nalang ako sa isang bench dito sa isang balcony sa hill view kasi wala na akong iba pang magawa dahil dead bat na ang cp ko. Nandito kami ngayon sa isang magandang lugar kung saan makikita ang buong syudad. Niyaya kasi ako ng dalawa na kumain ng barbeque dito habang tuturuan ko sila sa mga assignments nila.

Tsaka supportive sila sa fake relationship namin ni Jimin kahit kasinungalingan lang yun. Mabuti nga't di alam ng mga magulang ko ang tungkol sa fake news na yun kundi lagot ako.

"Ya! Ba't niyo ako iniwan dito?!" sigaw ko sa kanila pero patuloy pa rin sila sa pagtatakbo at paghahabulan.

"Sandali lang, Keila-ssi! Di kasi titigil tong si pareng jungkook kung di ko babawiin ang mga sinabi ko sayo!" sigaw naman ni Taehyung kaya napalingo-lingo nalang ako at natawa.

Straight to Heaven ||Park Jimin FF||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon