Warning: Mature Content! Some parts of this stories may have grammatical errors and wrong spellings. If you're under fifteen or not matured yet then don't read this story. It's up to you if you'll read it. R18 BTS Jimin Fanfiction with such spg or mature content. Depende nalang sa inyo kung babasahin niyo 'to. Pero di na ako nagkulang ng warning ah. Masyadong revealing but I hope you'll like it and support me for this story.
Info: This story is only based on the author's imagination(dumi ng utak ko, hehe). All that are written here are not true including the characters, events, places, ect. Huwag seryosohin dahil istorya lang 'to. Huwag kalimutang wala akong connection sa bangtan, army lang ako, hehe.
A/N: Good luck sa mga mambabasa nito! Saranghae! Especially to my co-armys!
Chapter One: Miss Proxy
Keila Pov
Pagdating ko sa sinasabing bar ni Maxiene ay agad kong nilibot ang aking paningin. Gusto kong makausap muna ni Maxiene na kailangan ko ng tulong niya tungkol dun sa paghahanap ko ng trabaho.
Kailangan ko kasi ng extra work e para pandagdag ng tuiton fee sa college ko. Kapos kasi sa pera ang mga magulang ko kaya kailangan ko talagang magtrabaho sa tuwing wala kaming pasok o dismissal na ng klase namin para hindi na sila maghirap sa pagbebenta ng mga gulay sa palengke.
Nang mahanap ko na si Maxiene ay agad ko siyang pinuntahan. Ang sabi niya kasi sa akin ay tutulungan niya akong makahanap ng trabaho na malaki ang sweldo. Kaya kung may mahahanap na siyang trabaho para sa akin ay agad akong magpapasalamat sa kanya.
"Max!" tawag ko sa kanya at ngumiti.
Ningitian din niya ako saka bineso-beso. "Salamat naman at dumating ka na. Kanina pa naghihintay ang magiging boss mo tsaka mukhang naiinip na."
"Boss? Boss ko mismo ang magmemeet sa akin?" tanong ko.
Tumango lang siya saka lumagok ng beer. "Kaya kung ano man ang magiging trabaho mo edi good luck nalang sayo. Sure naman akong malaki ang makukuha mong sweldo."
"Hindi mo alam kung ano ang magiging trabaho ko?" tanong ko sa kanya.
Baka kung ano naman ang magiging trabaho ko pero kung malaki ang sweldo edi push ko yan.
"Silly. Of course hindi ko alam. Nakilala ko lang yang magiging boss mo sa tinatrabahuan ng pinsan ko. At nung pagpunta ko sa kompanya ng magiging boss mo ay dun ko na siya nakita. Sabi rin ni pinsan ko na naghahanap daw ng isang employee ang boss niya na magiging boss mo. Kaya ayun, I grabbed the opportunity at ibinigay yun sayo."
"Pero ano ang sabi ng boss?"
"He said na magkikita nalang daw kayo dito sa bar. Sinabi ko na ang full name mo, your age, your address and whatsoever," sagot niya sa akin at muling nilagok ang beer.
Nagpapasalamat ako kay Maxiene pero bakit niya ibinigay lahat ng information ko kung sa ganung pwede namang ako nalang ang magbibigay ng information ko sa magiging boss ko? Pwede naman akong mag-apply dun sa kompanya at hindi idadaan sa pagkikita sa bar.
"Nasaan na ang boss?"
Ngumisi siya bago sumagot. "Pumasok ka lang diyan sa private room para mag-usap kayo. Tsaka sabihin mo sa akin ah kung ano ang magiging trabaho mo. At huwag kang aatras kasi for sure, malaki ang sweldo mo." Huminga siya nang malalim. "Ang gwapo rin ng boss mo."
I just rolled my eyes at her saka na pumasok sa sinabi niyang private room.
Gwapo raw? Gwapo niya mukha niya. Pero kung totoo man, yiee... wala na akong pakialam. Tsaka ang sadya ko lang ay trabaho kaya basta may trabaho, payts!