FOURTEEN

98 6 0
                                    


STRAIGHT TO HEAVEN


Chapter Fourteen: Let's Pretend


Keila's POV

Magulo ang kanyang buhok at parang may malalim na iniisip. Mukha ring naghihinayang siya at parang may gustong sabihin sa akin.

Sabi ng nanay ko sa akin bago pa man ako malayo sa kanila noon ay kailangan kong maging mabuting tao sa kapwa tao ko rin. Sabi rin ni nanay noon na masama ang maghiganti at dapat ay pahalagahan ko ang mga taong nakakasalamuha ko sa buhay kahit kaaway ko pa man o hindi.

Buong buhay kong sinunod ang mga sinabi at mga payo ng mga magulang ko sa akin. Di ko sila binigo at nanatili lang na manahimik at masaya kahit ang sakit-sakit na. Pero ngayon... parang dinurog ang aking puso nang kaisa-isang taong walang awa at mahilig manakit. Di ko naman siya kaano-ano pero ba't ganun? Ba't ganun siya magsalita?

Wala naman akong ginawang mali. Ginawa ko ang mga bagay na hindi ko dapat gawin. Ibinigay ko na ang gusto niya pero bakit ganun? Bakit kailangan pa akong masaktan? Bakit sinasaktan niya ako sa paarang puro nalang mali ang nakikita niya sa akin?

Ba't ang unfair niya?

"Saan ka nanggaling?" walang modong tanong niya sa akin habang nakasandal sa pintuan.

Ngumisi lang ako saka pilit pumasok sa loob ng condo. "Anong pakialam mo?"

Hinarang naman niya ako at ngumisi ng peke. "Don't you dare answer to me like that, Keila. Huwag mong kalimutang ako ang boss mo."

"Yes you're my boss pero wala kang karapatang pagsabihan na malandi ako. I already gave you everything of me. Pumayag ako sa mga kasunduan natin. Ginawa ko rin lahat ng mga inuutos mo sa akin without any hesitation. And I respect you, Mr. Park. Kaya I hope, respetuhin mo rin ako. Kahit hindi mo ako respituhin as your slave, proxy, sexmate or pretend girlfriend but respect me as a person. Tao rin ako, Mr. Park tao rin ako at nasasaktan din ako gaya mo."

Hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Kusa itong tumulo at bumagsak sa aking pisngi. Lakas loob ko siyang hinarap kahit masakit pa rin sa aking parte yung pinagbintang niya sa akin.

He's with a worried face but I don't care. Ang gusto ko lang ngayon ay ilabas ang lahat na galit at sama ko sa kanya.

"But if you can't respect me... then I'll leave. Kung tatratuhin mo lang din naman ako nang ganito edi aalis nalang ako. Kaya ko naman ang sarili ko eh. I can live without your fucking offer. But if you'll give me the respect that I wanted then I'll stay. Gagawin ko ang lahat na iuutos mo sa akin. Let's get the benefits but without feelings."

Aalis na sana ako sa harapan niya nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Pagtingin ko sa kanya ay para siyang nakokonsensiya. Mabuti nga yun sa kanya. Tsaka ningitian niya lang ako. Yung ngiting pinipilit ang sarili kong pakakalmahin niya.

"Please... stay," he begged pero tinalikuran ko lang siya at tumuloy na sa kanyang condo.

Stay? I'll stay. Stayput pa rin yung kasunduan namin but I'll make sure, dun na lang lahat aabot. Hindi na ako makikialam sa kanya. Kung yun lang edi yun lang.

---

Nagising ako nang late nang dahil sa kaiiyak ko kagabi. Dumiretso na ako sa cr ng kwarto niya nang mapansin kong wala na siya sa tabi ko. Naligo na rin ako at nagbihis kasi aalis ako ngayon.

Hindi ako maglalayas ah kundi pupunta ako sa bahay ng kaibigan kong si Hoseok kasi mamamasko ako dun at hihingi ng mga kabayo.

Charot!

Bibisitahin ko lang ang kaibigan kong yun kasi miss ko na siya. Kababata ko yun eh at miss ko na ang mga alaga niyang kabayo. Miss ko na rin yung crush kong kapatid niya na si Dawon.

Charot ulet!

Ate ko yun at di ako tomboy. Kayo talaga! Hindi naman ako mahilig sa mga babae pero parang ganun na nga.

Paglabas ko sa kwarto ay agad kong nadatnan si tanginang Jimin na nagpaiyak sa akin kagabi na nagluluto sa kusina. He's topless and he's kinda hot today.

Charot na naman!

Duh! Hindi ako natetemp sa mga paganyan-ganyan niya. Di pa rin kami bati. Tsaka mga sisters and brothers, he's just wearing an apron and his boxers on.

Pero di pa rin ako matetemp niya. Bahala siya sa buhay niya.

"You're already awake... but it's late," sambit niya habang nagluluto.

Ako ba ang kinakausap niya?

"Aalis ako ngayon," paalam ko sa kanya.

Agad naman siyang humarap sa akin at kunot-noong tinignan ako. "What do you mean and where are you going?"

I faked a smile and yawn. "Sa boypren ko. Paki mo?"

"You have a boyfriend?"

Malamang, si Lee Jong seok yun!

"Yep. Bibisitahin ko siya mamaya at magtatanan na kami kasi sawa na ako sa buhay kong ganto," I acted.

Kita kong nakasimangot siya kaya napatawa ako.

"Are you serious? Tell me who's that guy."

"Talagang susugurin mo siya? Pero kung sakaling pipigilan mo man kami sa pagtatanan, sure akong hindi mo kami mapipigilan," I laughed again.

"Mukhang mas gwapo pa nga ako sa sinasabi mong boyfriend mo."

Kapal. "Hoy! Wag ka diyan, mas gwapo si Lee Jong Seok. Huwag mo kaming pipigilan sa kasal namin ah kasi bibigyan ko pa yun ng isang dosenang anak."

Napasimangot lang siya at agad napatalon nang tumalsik sa kanya ang mantika.

Mabuti nga sa kanya kung ganon. Pero infairness at hindi na kami war ngayon. Mukhang pareho kaming nasa good mood ngayon. Good mood ako kasi makikita ko na ang sistah ni Hoseok besh mamaya.

"Damn this fried egg!" sigaw niya at napahawak sa kanyang labi.

Tumalsik sa kanyang labi? Good for him!

"Mag-ingat ka kasi kung magluluto ka at huwag kang makikipag-usap sa isang dyosa na katulad ko kung ikaw ay nagluluto. Tsaka ano bang nakain mo at nagluto ka diyan?"

"I was going to make a breakfast for you but then this fucking fried egg—argh!"

Natawa ako sa sinabi niya. Isa naman yatang himala kung gagawan niya ako ng breakfast. Ano ba ang nakain niya, sabon?

Nilapitan ko siya at agad tinignan ang kanyang labi na napiskan ng mantika. Mukha malubha at pwede na siyang mamatay ngayon kasi masyado akong maganda.

"Sa susunod kasi, kung gusto mong magluto ng breakfast eh sa akin ka nalang magpaluto. And you don't have to make a breakfast for me kasi di mo yun gawain," sabi ko habang ginamot ang putok niyang labi.

"But I have to---

"Huwag mo nang pilitin kung hindi mo naman kaya kasi masasaktan ka lang."

"Huwaw. Hugot agad?"

I just rolled my eyes at him. "Huwag kang malikot baka mahahalikan kita," I teased. "Tsaka ako nalang ang magluluto para wala nang talsikan ng mantika. At kailangan kong magmadali kasi dadalawin ko pa ang kaibigan ko ngayon," share ko lang sa kanya.

"Sasama ako," bigla niyang sambit kaya napatigil ako sa paggagamot sa putok niyang labi.

"Ba't ka sasama? Wala ka bang trabaho? Tsaka wala to sa usapan natin."

He just smiled and held my two hands. "Gusto kong bumawi sa'yo and I want to say sorry for what I did. Gago ako, alam ko pero gusto ko talagang makabawi sa'yo. Tsaka isa to sa usapan natin because you're my girlfriend."

Girlfriend? Di ba niya alam na official na kami ni Lee Jong Seok? Aagawin niya ba ako sa hubby ko? Tsaka sorry can never be found in my vocabulary.

Charot ulet for the last taym!

Straight to Heaven ||Park Jimin FF||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon