SEVEN

177 7 0
                                    


STRAIGHT TO HEAVEN



Chapter Seven: A hand for him



Keila's POV

Pagkatapos ng klase namin ay di na ako kinulit ng dalawa. Tanong kasi sila nang tanong sa akin tungkol sa naging trabaho ko kanina. Nagsinungaling ako tsaka di pwedeng sabihin ko sa kanila na proxy ako ng isang gagong CEO.

"Sige, uuwi na rin ako kasi dadalhin ako ni Zen sa heaven mamaya pag-uwi ko, hehe," paalam ni Maxiene kaya napangiwi ako.

Kaybabaeng tao pero siya pa talaga ang nagsabi nun sa akin. Ano kaya ang magiging reaction ko kung sakaling di na virgin tong mga kaibigan ko?

Yuck!

Alam kong iba na ang panahon ngayon tsaka umiba na rin ang daloy ng buhay ng mga tao dito sa mundo. Gaya ko lang sila. Unti-unti nang umiiba ang daloy ng buhay ko simula nong nakilala ko si Jimin.

Pero nagababasakali ako na baka may bigla nalang sumulpot na girlfriend ng Jimin na yun sa harapan ko at bigla nalang akong ipapahiya sa harapan ng mga tao. Paano kung may girlfriend na pala yung ugok na yun tapos naghahire pa ng isang proxy.

Alam ko namang maraming possiblities na maaaring magaganap soon. Di lang talaga magsink in sa isipan ko na binebenta ko na pala ang aking katawan at pagkababae sa isang taong di ko kilala at hindi ko mahal.

Kung sakaling malaman man ito ng kung sino, ano kaya ang magiging reaction nila? Mandidira ba sila sa akin at tatawagin ako pokpok? Ipagtabuyan ba ako ng mga tao gaya ng pagtaboy sa akin ng dati kong kasintahan?

Maingat akong bumalik sa condo ni Jimin. Wala naman akong naabutang tao na nandun just like everyday. Palagi nalang kasing umuuwing late si Jimin tsaka always busy siya.

Medyo nabored ako sa loob ng condo kaya nagpag-isipan ko munang lumabas ng building at pumunta sa park na nasa harapan lang ng building kung nasaan ang condo ni Jimin.

Kanina nga pala ay tuwang-tuwa ako kasi ang babait ng dalawang unggoy sa akin. They offered me a ride and they treated me to a fancy restaurant. Mukha namang mababait sila Taehyung at Jungkook tsaka palangiti rin pala.

Gwapo silang dalawa tsaka cute. Palakaibigan din silang dalawa at may respeto sa akin. Para lang kaming magbabarkada kanina nong inihatid na nila ako sa campus. Marami ngang mga babaeng nagsitilian nong kami'y nasa loob na ng campus.

Umupo ako sa isang bench kung nasaan ang isang fountain ay nasa tapat ko. Madamag ko namang pinanood ang pagdaloy ng tubig sa fountain.

"May problema ka ba?"

Napalingon naman ako sa nagsalita. Si Jungkook pala na nasa tabi ko na.

"Wala. May iniisip lang ako," sagot ko sa kanya saka ngumiti.

"Alam mo, Keila pwede mo akong pagsabihan ng mga problema mo. I am your friend at pwede mo akong masasandalan anytime."

"Wala to noh. Tsaka ano bang mga pinagsasabi mo diyan?"

"Tsk. Para kang si Taehyung, di niya sinasabi sa akin ang mga gumugulo sa isipan niya pero kitang-kita sa mga mata niyo na may gumugulo talaga sa mga isipan niyo."

Ngumiti ako ng mapait. "Talaga? Parang hindi naman eh."

"I'm not kidding, Keila," tawa niya sabay bato ng isang maliit na bato sa fountain.

Straight to Heaven ||Park Jimin FF||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon