Chapter 28

2.9K 116 6
                                    

Masuyong hinawi ni Vincent ang ilang hibla ng buhok ng kasintahan na tumatabing sa napakaganda nitong mukha. Walang mapagsidlan ang kaligayahan niya na sa paggising niya sa umaga ay ito ang una niyang masisilayan at sisiguruduhin niyang habam-buhay iyun mangyayari.

Hindi siya papayag na magkalayo sila ng dalaga. May nabuo ng desisyon sa isip niya. Sasama siya sa mundo ng pinagmulan nito. Handang-handa na siyang iwan ang lahat na meron siya sa mundong ito para sa babaeng na siyang kalahati ng kanyang buhay.

Napangiti siya ng marinig ang mahinang paghilik nito.

Hinding-hindi niya makakalimutan ang pagiging wild nito ng nakaraan gabi. Agad na nakaramdam siya ng pag-iinit muli ng katawan ng maalala muli ang mainit na pag-iisa nila ng kasintahan.

Bago pa man siya tuluyan pagliyabin ng pagnanasa sa natutulog pa rin na kasintahan ng magring ang telepono sa gilid ng kama.

Sino naman kaya tatawag ng ganun kaaga? Ang Tita Lynda lang niya ang mangangahas na tumawag sa rest house nila.

Inabot niya ang telepono gamit ang isang kamay. Nagmulat ng mga mata ang kasintahan. Agad na hinapit niya ito ng umunan ito sa dibdib niya.

"Hello.." agad na tugon niyang ng itapat sa tainga niya ang telepono.

"S-sir! Si S-Señora po! Sinugod namin sa ospital!"nanginginig ang boses ng kasambahay nila.

Agad na napabangon ang kasintahan.

"What?! A-anong nangyari kay Tita Lynda?!"

"N-nakita ko na lang po siyang walang malay sa silid niya,Sir..nakahalundusay po sa sahig.."

Malakas ang kabog ng dibdib niya sa pangamba at pag-aalala para sa tiyahin niya.

"Let's go.." agad na aya ng kasintahan na mabilis na dinampot ang kasuotan nito.

Halos hindi siya makagalaw sa pagkabigla. Agad na natanto niya na may isang tao na maiiwan siya sa mundong ito kung sasama siya sa kasintahan. Ngayon may nangyari rito. Paano na ang Tita Lynda niya kung...kung iiwan niya ito?

Napukaw siya ng halikan siya ng kasintahan sa kanyang nuo.

"Huwag mo muna isipin yun. Alam kong mahirap na ito sayo ngayon," masuyo nitong sabi sa kanya.

Alam nito ang nasa isip niya.

Tumango siya pagkaraan at hinayaan ang dalaga na tulungan siya makapagsuot ng damit.

Nang makarating sila sa ospital na pinagdalhan ng Tita Lynda nalaman niya na nasa ICU ito.

"Inatake siya sa puso..it's a minor now pero mauulit ito kung hindi siya mag-iingat," inporma sa kanila ng lalaking doktor na siyang tumingin sa Tita Lynda niya.

Hindi siya makapaniwala sa nalaman iyun. Wala siyang alam na may sakit ang Tita Lynda niya!

May sakit sa puso ang Tita Lynda niya at wala siyang kaalam-alam dun!

Pinisil ng kasintahan ang palad niya na magkasalikop nilang mga kamay.

"I-if it's only a minor, bakit nasa ICU siya?" tanong niya sa lalaking doktor. Pilit na kinakalma ang sarili kahit balot na siya ng pag-aalala para sa Tita Lynda niya.

Bumaling ang tingin ng doktor sa kasintahan.

"Mag-uusap lang kami," baling sa kanya ng kasintahan.

Agad na pumihit siya paharap sa salamin na dingding kung saan kita niya ang kinahihigaan ng Tita Lynda niya.

Bakit hindi pumasok sa isip niya na may Tita Lynda pala siyang maiiwan dito. Sila na lamang dalawa ang magkasama sa buhay pero dahiL sa pagiging makasarili niya iiwanan pa niya ito.

"Please,Tita Lynda...don't..don't leave me,you can't..Ikaw na lang ang meron ako," anas niya.

Mula ng mawala ng sabay ang kanyang mga magulang ang Tita Lynda na niya ang tinuring niyang ina at ama kahit ng mga panahon din iyun ay nagdadalamhati din ito para sa asawa nito na kasamang namatay ng kanyang magulang.

Naikuyom niya ang mga palad.

Hindi niya maaaring iwan ngayon ang Tita Lynda niya!

Pero paano na ang napagkasunduan nila ni Rosede?

Naipikit niya ang mga mata ng mariin.

"Pareho ko silang mahal.."

Sino ang pipiliin niya?!

TPOGWD Series 7: ROSEDE H. GRACIANO byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon