Chapter 19

2.9K 145 7
                                    

Ugh,I feel so awkward,my princess!

Nanatili nakatitig sa gwapong mukha ni Vincent si Prinsesa Rosede.

Kung hindi lang sana niya narinig ang sinabi nito kay Samantha hindi niya sasabihin yun.

We're not sure kung sinabi lang ba niya yun para pigilan si Samantha na mapalapit sa kanya!

"Uh,may problema ba dito? Ang seryoso niyo dalawa?" pukaw sa kanila ni Tita Lynda. Bumaling sa pamangkin na bakas pa rin ang pagkabigla.

Agad na nginitian niya ang ginang. "Wala naman,Tita Lynda.."

Nagdududa na tumango ang ginang at mariin na nakatitig pa rin sa pamangkin nito.

"Malamig na yun pancake," anang ng ginang.

"Opo,dala nga po pala yun ni Samantha,"inporma niya sa ginang.

Agad na nalukot ang mukha ng ginang ng marinig ang pangalan iyun. Nasisiyahan siya sa nagiging reaksyon ng huli dahil pinararamdam nito na siya lang ang gusto nito para sa pamangkin nito.

"Tsk,sana nagpaluto ka na lang baka mamaya may gayuma yan," tahasan na saad ng ginang sa pamangkin.

Nagsalubong ang kilay ng binata pero di na ito umimik pa at mabilis na sumulyap sa kanya. Nginitian niya ito at muli na niya itinulak ang wheelchair nito.

Tahimik lang siya habang pinapanuod ang daily therapy ni Vincent. Sa bahay na nito ginawa kaysa pumunta pa ng hospital kaya pinapunta na lang niya ang dalawang therapist na kinuha niya.

Nakikipagcooperate naman ang binata at madalas pa nga ito sumulyap sa kanya. Tila mas importante pa dito ang pagsulyap sa kanya kaysa ang session nito.

Mahal ka daw niya!

Napabuntong-hininga siya at pumangalumbaba habang nakamasid pa rin sa binata.

"Ako din naman.."usal niya sa hangin.

Ang tanong nga kung totoo ba yun?

"Totoo man o hindi..masarap naman pakinggan," anas niya kahit umaasa pa rin siya na sana nga ay bukal iyun sa puso ng lalaking itinakda sa kanya.

Tsk,hindi ko gusto ang opinion mo,prinsesa! He's for us,only for you!

Napabuga siya muli ng hangin. "Tatanggapin ba niya tayo kung malaman na niya kung ano tayo?"wika niya sa sarili.

Natahimik ang wolf niya.

"Kahit na nakakasama mo siya gabi-gabi. Paano ako?"may mahihimigan sa boses niya ang pangamba.

Muli hindi nakaimik ang antribida niyang wolf.

Mapait na napangisi siya. "See...not that easy,right?" kausap pa rin niya rito.

"Sino kaya nagbigay nito kay Vincent?"untag ni Tita Lynda sa kanya. Hawak-hawak nito ang isang pamilyar na bote at mariin na sinusuri iyun.

Agad na napabaling siya kay Tita Lynda. Hawak nito ang pamilyar na bote sa kamay nito na sinisipat pa rin ng ginang.

"Hindi ba bawal ito kay Vincent?"baling sa kanya ng ginang at pinakita sa kanya ang pamilyar na bote na hawak nito.

Nginitian niya ang ginang. "Bigay po yan ng assistant nurse ko si Zei. Uh,hindi naman po siya literal na alak," paliwanag niya rito.

"Talaga? Wow! Pwede ko kaya ito matikman?"anang ng ginang.

Ano raw?

"Uh,Naku,Tita Lynda..masyado mataas ang sugar niyan,hindi po ba pinagbawalan kita kumain ng may sugar?" agad na paalala niya rito.

Nanghihinayang na tumango ang ginang. "Oo nga pala!"

Nginitian niya ang ginang. Inabot niya iyun ng ilapag nito sa mesa ang bote.

"You can open that?"bigla saad ng binata.

Agad na napabaling siya kay Vincent ng makalapit ito sa kanila. Sinulyapan niya ang hawak na bote.

"Uh,di ako sure eh," pagsisinungalin niya.

Tss,tama ba yang sinagot mo,mahal na prinsesa?

"Weird kasi ,hindi ko siya mabuksan at may sinabi si Zei tungkol dyan," salubong ang mga kilay nitong turan.

Alanganin siyang ngumiti sa dalawa na may kuryuso sa mga mata na tumingin sa kanya.

"Uh,tanong ko nga kay Zei. Minsan talaga weirdo yun," natatawa niyang saad.

Whew! Napano ba tayo ngayon araw!

"Yeah,may mga bagay nga na di mo paniniwalaan pero..wala naman imposible," makahulugan nitong sabi na kinatingin niya rito.

Alam niya kung ano ang pinatutungkulan nito.

His feelings.

Her confession.

And her wolf every nigth came to him.

Is he aware now kung ano na ngayon ang namamagitan sa kanila nito?

Her confession,hindi naman ito umangal o anong masamang komento bukod sa tila tinutudyo lamang siya nito at kahit hindi naging malinaw kung ano nga ba ang tugon nito sa pag-amin niya rito wala naman nagbago sa pakikitungo nito sa kanya.

He likes you,remember?

Nahihiya pa kasi siya umamin din sayo,mahal na prinsesa.

TPOGWD Series 7: ROSEDE H. GRACIANO byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon