Hindi maialis-alis ni Vincent ang mga mata sa larawan ni Dra.Rosede H. Graciano. Kuha ang larawan niyun habang hawak nito ang isang pinakamataas na parangal na kamakailan lang nangyari. Inalam niya ang lahat na impormasyon tungkol dito. Base sa mga nabasa niya tunay ngang kamanghang-mangha ang batang doktora.
Damn! Sa dami nitong alam sa panggagamot dinaig pa nito ang mga doktor na tumanda na sa iisang propesyun lang pero ang babaeng yun lahat ng may kinalaman sa medisina ay inaral nito at napakarami ng parangal ang natanggap nito dahiL sa galing nito.
Nangunot ang nuo niya. Iisa lang ang babaeng hinangaan niya at..pinakamaganda sa paningin niya.
Pero pinaglaruan ka lang niya at pinagmukhang tanga,Vincent.
Pinakatitigan niya ang larawan ng doktora. Why his heart beating so fast? Why she's so damn beautiful? Why her gray eyes is so adorable? Why her gray hair is so look fuvking sexy on her?!
Agad na isinara niya ang laptop na nakapatong sa ibabaw ng mga hita niya habang nakasandal siya sa headboard ng kama niya nang may kumatok at bumukas ang pintuan ng silid niya.
"Vincent..." ang Tita Lynda niya. Lumapit ito at umupo sa gilid ng kama niya.
"Hijo..sana naman hayaan mong tulungan kita. Ayaw ko na ganito kang habam-buhay," simula nito.
Nanatili ang tingin niya sa unahan. Ilang beses na siya kinakausap at kinokombinse ng Tita Lynda niya pero..mahirap pa rin sa kanya ang lahat.
Bumuntong-hininga ang ginang ng hindi siya tumugon. "Dra.Graciano will help you..isa siyang napakahusay na doktor. Hindi naging madali sakin na makakuha ng appointment sa kanya dahiL sa dami ng ginagamot niya.Napakarami na niyang napagaling.She's so amazing doctor in the world.."
Nanatili siyang walang imik. Puring-puri nito ang doktorang yun.
Ikaw rin naman kanina,Vincent.
"Hijo,nakikiusap ako. Magtulungan tayo,hayaan mong tulungan ka ni Dra.Graciano..please,nawala na sakin ang Tito Ric mo,ang mama at Papa mo at hindi ko papayagan na pati ikaw mawala sakin,ikaw na lang ang meron ako,Vincent.."emosyunal ng turan ng Tita Lynda niya.
Sinulyapan niya ito. May mga luhang lumalandas sa magkabila nitong pisngi. Nang sabay na mawala ang magulang niya at ang Tito Ric niya dahiL sa plane crash galing ang mga ito sa business trip. Sila ng Tita Lynda niya ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa ng mawala ang mga ito pero naging matatag siya para sa Tita Lynda niya. Mas ito ang naapektuhan sa pagkawala ng Tito Ric niya dahilan din na mawalan ito ng anak na nasa sinapupunan pa lang nito. Nakunan ito dahil sa labis na pagdadalamhati. Sa loob ng limang taon na yun hindi niya hinayaan na maging malungkot ito at mapag-isa hanggang sa mangyari sa kanya ang aksidenteng yun na nagpabago sa kaniya..sa kanila.
" Nais kong ibalik ang lahat na ginawa mo para sakin,Vincent. Hindi mo ako hinayaan na malugmok sa pangungulila at pagdadalamhati kaya sana naman sa pagkakataon ito hayaan mo akong..ako naman ang magpasaya sayo,"lumuluha pa rin nitong saad.
Wala siyang imik na hinaplos ng Tita Lynda niya ang kabilang pisngi niya at hinalikan siya sa kanyang nuo.
"Namimiss na kita..namimiss ko na ang dating pasaway na Vincent," usal nito.
Hindi niya alam kung gaano ng katagal siyang nakatitig lang sa kawalan. Gusto na rin naman niyang magkaroon ng pag-asa pero sa tuwina na mapapanaginipan niya ang aksidenteng iyun at ang pangloloko ng dalawa sa kanya naduduwag siya.
Naduduwag siyang umasa pa na babalik pa siya sa dating Vincent Cestal! Vincent na nakakalakad pa. Vincent na maloko. Vincent na laging pinapasaya ang Tita Lynda niya na siyang tanging meron siya..na ngayon pinaiiyak niya at sinasaktan.
Naikuyom niya ang mga palad at namalayan na lang din niya na nakatitig siyang muli sa larawan ni Dra.Rosede Graciano.
Muli na naman niya naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Unang beses iyun nangyari sa kanya.
Yes,you rigth,Vincent. Even Samantha you adored in your whole life. You've never feel that to her what you feel now when you look that,beautiful doctor!
Napaawang ang mga labi niya.
Impossible!
He blink his eyes multiples times. Tanging liwanag ng ilaw mula sa kisame ang sumisilaw sa mga mata niya pero naririnig niya ang mga kalansing ng kung ano mga gamit hanggang sa may humarang sa liwanag ng ilaw. Ang mukha ni Dra. Graciano.
Her beautiful face. Her gray eyes twinkle like a crystal. Pero ang kinakaba niya ng ngumisi ito at makitang may hawak itong scapel. Ang isang kagamitan na ginagamit sa pag-oopera!
"No..no.." usal niya.
"You have to live..or die"
Bago pa man siyang makabangon sa kinasasadlakan niya bigla na lamang nagbago ang anyo ng doktora.
Ang magandang doktora ay naging isang malaking halimaw! Kulay abong halimaw! Dadambahin at handa na siyang sakmalin..
Napabalikwas sa pagkakahiga si Vincent ng magising siya. Agad siyang nasilaw ng araw mula sa nakabukas na balkonahe niya.
Damn! That's a nightmare! The other nightmare!
Pati ba naman sa panaginip niya makikita niya ang makulit na doktorang yun!
Marahas niyang naihilamos ang mukha.
Mas okay na siya ang napanaginipan mo kaysa...
Ilang katok ang pumukaw sa kanya agad na lumingon siya ng bumukas ang pintuan niya.
"Good morning,Mr.Cestal!"
Agad na bumilis ang tibok ng puso niya ng masilayan ang magandang mukha ng doktora.
Damn!
His nightmare!
A beautiful nightmare.
Malamig ang anyo ng mukha niya na tumingin siya rito samantalang matamis ang ngiti ang nakapaskil sa mga labi nito.
Bigla tuloy siya nakaramdam ng kakaibang sensasyon dahil doon.
Hindi pamilyar sa kanya iyun!
"Kamusta ang masungit kong pasyente?"magiliw nitong sabi sa kanya.
Sinamaan niya ito ng tingin.
"I'm not a child to talk to me like that,"panunuplado niya rito.
Tumawa ito ng mahina at bigla niyun pinatibok ng mabilis ang kanyang puso.
What the hell?
"Oo nga pala..pasensya na nakalimutan ko. Ikaw naman kasi kung umakto parang bata,"anito.
Tumalim lalo ang tingin niya rito.
"Get out in my room now.."matigas ang boses niyang sabi.
"Okay po,boss.."
Napabuga siya ng marahas pagkalabas ng babaeng doktora.
Damn. Is she's for real?
BINABASA MO ANG
TPOGWD Series 7: ROSEDE H. GRACIANO byCallmeAngge(COMPLETED)
LobisomemPrincess Rosede Haley Graciano,an orthopedic doctor.,ah,wait..a multitasking doctor! Surgeon,pediatrician even an ob-gyne..all about in medicine she's in! At your service! That she can do with her being special. Mula ng ipadala siya sa mundo ng mga...