Chapter 10

3.1K 154 12
                                    

Panay ang nakaw tingin ni Vincent sa kinaroroonan ni Dra.Graciano habang kausap nito ang Tita Lynda niya sa may Hardin. Nasa may balkonahe siya at doon kaharap niya ang laptop. Agad na tumikhim siya at binalik ang tingin sa harap ng laptop niya ng biglang napatingin sa kanya ang dalagang doktora.

Tss,what's wrong with you,Vincent?!

Nagsalubong ang mga kilay niya dahil hindi na niya maintindihan ang binabasa sa screen ng laptop niya. Ipinilig niya ang ulo. He can't stop himself to stared at her.

Nang hindi na siya makapokus marahas na napabuga siya ng hangin at sinara ang laptop.

Hindi siya makapokus dahil may distraction sa paligid niya!

Nagpapadistract ka naman?!

Napahilamos siya sa kanyang mukha.

"Ayos ka lang ba?"untag ng boses na iyun sa kanya.

Napaigtad siya sa kabiglaan at kung may sakit lang siya sa puso malamang inatake na siya sa sobrang gulat.

Maang na napatingala siya sa doktora na nakasandal sa barilis ng balkonahe niya at lumipat ang mga mata niya sa likuran nito sa ibaba ng Hardin.

What the hell?

Nilingon niya ang nakasarado naman na pintuan niya.

"P-paano ka nakaakyat dito?"maang niyang tanong rito.

Lumingon ito sa likuran nito. "Umakyat ako," sagot nito at ngumisi sa kanya.

Naningkit ang mga mata niya rito. "Pinagloloko mo ba ko? Ganun kabilis?"naniningkit ang mga mata turan niya rito at puno ng pagdududa sa boses niya.

Tumawa ito at napatitig siya sa dalaga. "Oo nga..bukod sa pagiging manggagamot mahilig din ako sa mga extremes sports gaya ng pag-akyat sa matataas na lugar,"anito sabay kindat sa kanya na lalong kinamaang niya.

Kinamangha,Cestal.

Hindi na sa gulat ang dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya. Bumibilis iyun dahil sa pagkamangha.

Napukaw siya ng magvibrate ang phone niya na nasa gilid ng laptop niya. Sabay na napatingin sila sa aparato ng doktora.

Agad na tinaob iyun at hinayaan na magvibrate.

" Samantha,rigth?"anito.

Marahas siyang napatingala sa seryoso nitong anyo.

"Paano mo nasabi siya nga yun?"kunot ang nuo niyang turan rito.

Matiim ang pagkakatitig ng abuhin nitong mga mata sa kanya. "You ignore it,so,I assume na siya nga ang tumatawag sayo,"anito na tila sigurado nga ito na tama ito ng sinabi.

Bumuntong-hininga siya at nag-iwas ng tingin rito. "Well,that's none of your business," usal niya sa malamig na tono.

Nang hindi tumugon ang doktora agad na nag-angat siya ng paningin rito. Napakurap-kurap siya ng makita ang emosyon sa maganda nitong mukha.

She look dangerous and...full of dismay.

"What?"untag niya rito.

"Huwag lang magtagpo ang landas namin dahil sa oras na mangyari yun...hindi ko pipigilan ang sarili ko na sampalin ang Samantha yan," mariin nitong sabi.

Napaawang ang mga labi niya sa sinabi nitong iyun.

Naningkit ang abuhin mga mata nito.

"She hurt you..she hurt my..mate," anas nito na puno ng diin.

Hindi agad nagproseso sa utak niya ang huLing salita na sinabi ng dalaga. Bago pa man magsink in yun sa isip niya tumalikod na ito at huli na para pigilan ito ng bigla na lamang ito lumundag pababa.

Mabilis na pinagulong niya ang wheelchair ng makabawi siya sa pagkabigla at dinungaw sa baba ang doktora.

"Baliw ka ba?!" sigaw niya rito. Nakatingala ito sa kanya. Ngumisi naman ito sa kanya na tila balewala lang ang ginawa nitong pagtalon mula sa pangalawa palapag.

"Don't worry,I'm not hurt!"anito na sinabayan ng pagkaway sa kanya.

"Paano kung nasaktan?!" sigaw niya muli rito.

Damn,Vincent! What do you care?

Nag-aaalala ka na ngayon sa kanya?!

Naikuyom niya ang mga palad.

"Don't do that again...not in my house," mariin niyang saad sabay pihit niya sa wheelchair patalikod rito ng makabawi siya sa sarili.

Napahilamos sa mukha si Vincent.

He's so fuvking doom!

Nag-aalala talaga siya para rito! Damn her! Bakit ba ginulo nito ang buhay niya?!

Admit it..naaattract ka na sa kanya!

No fuvking way!

"Damn...I think I'm going crazy now.."

Agad na napabuga siya ng hangin ng bumalik sa isip niya ang sinabi ng doktora kanina. Hindi siya nakaramdam ng inis rito na sasaktan nito si Samantha bagkus pakiramdam niya na may kakampi na siya..na may poprotekta sa kanya.

Marahas siyang muli napabuga ng hangin.

Napatitig siya sa kawalan.

Even she's like a crazy woman. She make him...protective and secured.

Ngayon pa lang niya naramdaman ang dalawang bagay na yun.

Nang hindi pa siya humahantong sa ganitong kalagayan siya ang palaging nagpaparamdam ng mga iyun sa iba.

And now...he feel it..at mula iyun sa babaeng doktorang iyun.

Dapat na ba siya maging mabait dito?

Napabuga siya ng hangin.

Mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya.

Baka kapag hinayaan niya at huli din naman ay sasaktan din siya nito gaya ng dalawang taong iyun.

TPOGWD Series 7: ROSEDE H. GRACIANO byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon