Chapter 1

3.6K 125 5
                                    

Isang masigabong palakpakan ang bumungad kay Dra.Rosede Haley Graciano ng tanggapin niya ang isang parangal mula sa isang kilalang tao sa pilipinas para parangalan siyang muli sa taon na ito. Sunod-sunod na tao palagi siya napaparangalan at marami pang iba parangal sa iba't-ibang sector sa larangan ng medisina. Pero ito ang pinakamalaking event sa mga tulad niyang doktor kung saan lahat ng kilalang doctor ay naroroon sa okasyon na yun at siya,ang may pinakamataas na parangal na nakatanggap sa gabing iyun.

Hindi man natin madadala ang mga yan sa mundo natin patunay naman iyan kung paano natin natupad ang adhikain natin sa mundong ito! Congratulation satin,mahal na prinsesa!

"Congratulation,Dra.Graciano," malambing na pagbati mula sa isang doktora. Ang doktora na hindi niya inaasahan na kauri din niya!

Isang ngiti agad ang ginawad niya rito at malugod na gumanti ng yakap rito.

"Salamat,Sana'a,sayo din,congratulation..isa na naman parangal para sa pinagkakatiwalaan serbisyo ng pag-aari niyong hospital," malugod niyang bati din dito.

Malambing ito tumawa. Ang malaanghel nitong mukha na kahit sino ay mamangha.

"Hay Naku,ayaw mo pa rin magwork samin eh," biro nito sa kanya.

Natawa siya at guilty. Ilang beses na siya nitong inofferan na magtrabaho sa ospital na pag-aaari ng pamilya nito pero malugod na tinanggihan niya dahil gusto niyang manatiling freelance doctor. Kahit saan ospital o outside contract na kailanganin doctor agad na makakapagdesisyon siya na hindi kinakailangan aprobahan ng nakakataas sa kanya.

Napangisi siya. "Alam mo naman,masarap na walang boss," aniya.

Tumawa ito sa sinabi niya. "Sabagay,kahit saan at kailan pwede ka,bilib nga ko sayo dahiL lahat ng may kinalaman sa pagmemedisina pinag-aralan mo," mangha nitong sabi sa kanya.

"Mas mangha ako sayo dahil kahit hindi mo pag-aralan ang pagmemedisina,makakapagpagaling ka na,nakakamanghang may ganun na abilidad ka,Sana'a.." aniya.

Nagkibit ito ng balikat. "Pero alam mong nililimitahan ko kasi gusto ko maging patas sa ibang doktor na gusto akong tularan,I want to be fair with them," saad nito.

Tumango siya sa sinabi nito. "That's why,I'm so glad to meet you,Sana'a. Lalo na kay Tita Amelia,hindi ko inakala na may kauri pala ako na namumuhay sa mundong ito," mangha niyang sabi.

Malambing na ngiti ang pinukol nito sa kanya. "When you come back at your real world sana hindi mo kami makalimutan,sana matagpuan mo na ang mate mo,"sabi nito.

"Sana matagalan pa kasi nag-ienjoy pa kong maging single!" pabiro niyang sabi rito na kinatawa nito.

"Naku,kung alam ko lang na nag-eenjoy ka mangbasted ng suitors mo," sabi nito na may himig ng panunudyo.

Natawa siya sa sinabi nito. Totoo yun hindi naman sa natutuwa siya sa kalokohan niyang iyun sinasamantala lang niya na magkaroon ng time sa ibang bagay gaya ng pakikipagdate.

"Kung single ka pa sana,naku,siguradong dalawa na tayong mananakit ng lalaki," nakangisi niyang sabi.

Bago makasagot ang kaibigan nakalapit na ang asawa nito na agad na pumulupot ang mga braso sa katawan ng kaibigan.

"Hi,Mr.Evans!" pagbati niya rito.

"Hey,Dra.Heartbreaker!" tugon nito sa kanya. Nanunuksong nginitian siya nito at inikutan niya ito ng mga mata.

Natawa ang kaibigan sa tinawag sa kanya ng asawa nito. Tinirikan niya muli ng mga mata ang lalaki na tinawanan lang siya.

"Hindi pa rin ba makamove on ang nireto mo sakin kaya ganyan pa rin tawag mo sakin?"may ngisi na niyang sabi rito.

Natawa ang mag-asawa. Ngumisi siyang muli.

"Nakamove on na,doktora..alam ko naman hindi lang ang nireto ko ang nagmomove on at nakamove on na," anito sabay ngisi sa kanya.

Napapailing na napalatak na lamang siya sa panunudyo nito sa kanya.

"Hamunin ko kaya siya dun sa skate boarding?" baling niya sa kaibigan.

Natawa naman si Sana'a. "Hmm,nope,di ko papayagan," tanggi kaagad ng kaibigan.

"Hindi ka lang heartbreaker,bonebreaker ka din," sabad ng asawa nito.

Natawa siya sa sinabi nito. "Naku,isang haplos lang sayo gagaling ka na agad noh," tudyo niya rito. Taas-baba ang mga kilay niya.

Sumimangot ang lalaki na kinatawa niya.

"I'm not a child to be a careless pero syempre dahil magkaiba uri tayo,lugi talaga ako," tugon nito. Defensive sa pagiging tao lang daw nito.

Nginisihan niya ito. "Swerte mo kasi napapaligiran ka ng ibang uri ng kagandahan!"aniya.

Napangisi ang lalaki sabay halik sa asawa nito sa nuo. "Oh yeah,I'm so lucky man!"puno ng pagmamahal na sabi nito.

Nakangiti na sumimsim siya sa hawak niyang wineglass. Abala na ang mag-asawa sa paglalambingan.

Sana ganyan din kasweet ang mate natin!

Jeffrey Evans is a one of a kind na sobrang sweet na lalaki!

Family-oriented pa!

Bago pa man niya abalahin ang mag-asawa nakatanggap siya ng mensahe na nag-appear sa suot niyang smartphone watch na kulay abo na nakakabit sa kaliwang pulsuhan niya.

I have a friend of mine to need your service. She's begging to me to talk to you-Shella.

Mensahe mula sa isa sa mga kaibigan niyang doktor.

Well,isang linggo na rin nagpahinga tayo,so..why not?

Tumango-tango siya. Pupuntahan na lamang niya ito sa ospital kung saan nakaduty ang kaibigan para makilala kung sinuman ang nangangailangan ng serbisyo niya.

Magiging busy na muli tayo,mahal na prinsesa!

Iyun ang gusto niya. Ang makatulong sa iba at iyun ang minahal niya bilang isang manggagamot.

Napakaswerte nga niya dahil hindi lamang na pinangànak siya isang prinsesa at lobo. Biniyayayan din siya ng talento na makapanggamot at nagagamit niya iyun sa iba.

She's very proud of her self gaya ng kung paano siya pinagmamalaki ng kanyang ama at ina.

Hindi niya bibiguin ang mga ito at ang kanyang sarili. Hanggat kaya niya makatulong tutulong siya na walang hinihinging kapalit.

Maswerte din ang lalaking nakatakda sayo,mahal na prinsesa!

Hindi lang maganda napakabuti pa!

Napangisi siya habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid na tinitingala siya.

Mataas man ang tingin ng mga ito sa kanya hindi niya kakalimutan na panatilihin na nakaapak pa rin sa lupa ang mga paa niya.

TPOGWD Series 7: ROSEDE H. GRACIANO byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon