01 MAYNILAang Tadhana

2.7K 34 2
                                    

"Miss, usa ka-bucket ng fried chicken, ayaw lang butangan sa gravy, padamo lang sa ketchup."
(Miss, isang bucket ng fried chicken, 'wag mo lang lagyan ng gravy, pakidamihan ang ketchup.)
Order ni Angel sa isang fastfood chain sa labas ng eskwelahan. "Take out di-ay na ah." (Take out pala yan ha.)

Habang inaantay ni Angel ang inorder nitong pagkain ay nakatanggap s'ya ng text message sa amang si Paeng.

"Angel, asa ka? Puli na 'ta 'nak."
(Angel, saan ka? Uwi na tayo 'nak.)
Agad naman sumagot si Angel.

"Asa Jollibee po, Dada. Nibakal lang kog fried chicken na giingon nimo."
(Sa Jollibee po, Dada. Bumili lang ako ng fried chicken na sinabi mo.)

Inantay ni Angel ang ama at nang masundo ito ay nag usap sila sa kotse habang pauwi ng bahay.

"Nak, naay good news og bad news si Dada sa atoa." (Nak, meron good news and bad news si Dada sa para sa atin.) wika ni Paeng sa anak.

"Hmm, mahilak ba ko ana o masuko ko sa bad news? Biro lang Dada." (Hmm iiyak na ba ko niyan o magagalit ako sa bad news? Biro lang Dada.) pabirong sagot ni Angel.

"Kaya kita inutusan bumili ng makain tonight is because napromote na si Dada as Project Manager! Gi-assign nila ako sa Manila at mga upat ka tuig pud 'to o mahigit. Since dalawa na lang tayo sa buhay, hindi naman pwedeng pabay-an taka diri sa Davao 'di ba? Kaya sa Manila ka na mu-eskwela. Nagpangutana na pud kog school para sa Senior High nimo. All boys school s'ya na malapit sa balay nato."
(Kaya kita inutusan bumili ng makakain tonight is because napromote si Dada as Project Manager! In-assign nila ako sa Manila at mga apat na taon din yun o mahigit. Since dalawa lang tayo sa buhay, hindi naman pwedeng iwanan kita dito sa Davao 'di ba? Kaya sa manila ka na mag-aaral. Nakapagtanong na rin ako ng school para sa Senior High mo. All boys school na malapit sa bahay natin.)

Pasabog na balita ng ama ni Angel.

"Pero, pero Dada.. Joke lang! May magagawa pa po ba ako eh mukhang planado niyo na lahat at kayo naman nagpapaaral sa akin." sagot ng binata.

Nagtawanan ang dalawa sa loob ng kotse. Ilang taon na din silang magkasama na dalawa lang sa buhay mula ng iwan si Raphael at Angel ni Myrna, ang ina nito na sumama sa boss nitong amerikano. Kaya hindi maikakaila ang pagiging malapit ni Angel sa ama, si Paeng na ang tumayong ama at ina ni Angel mula grade one.

Lumaki si Angel na ang tanging babae sa buhay na gumagabay sa kanya ay si Nanay Soleng, ang kasambay nila Paeng na Yaya pa niya mula noon. Hindi na rin nakapag asawa si Nanay Soleng kaya binuhos na lang niya ang oras sa pag alaga kay Paeng hanggang sa nagkapamilya ang alaga niya.

"Nay Soleng! Andito na po kami! Maghanda na po kayo, bumili kami ng dinner. Magcecelebrate tayo Nay, dahil napromote si Dada sa work at titira na tayo sa Manila. Sasama ka naman sa amin 'di ba?" masayang pagbalita ni Angel sa Nanay Soleng niya na tinuring na niyang lola.

"Aba! Maganda nga sa Manila apo, matagal na ko hindi nakabalik doon simula ng sumama ako sa mama mo dito sa Davao." Naluluha pa habang naghahanda ng hapag si Nanay Soleng. "Wala na akong balita sa mga kamag-anak ko sa Bulacan. Hindi pa naman masyado uso ang telepono noong umalis ako at liham lamang ang komunikasyon namin ng pamilya ko noon, hanggang sa hindi na sila nakapagsulat sa akin o baka lumipat na sila ng bahay kaya 'di na nakarating ang sulat ko." dagdag ng matanda.

Niyakap ni Angel ang Nanay Soleng nito.

"Para po kayong Anghel sa lupa Nanay Soleng, pamilya niyo kami. Hindi ka namin iiwan saan man kami magpunta. Gusto ko rin makapunta uli ng Manila para makita ko sina lolo." wika ng pagmamahal mula kay Angel.

Naiwang magkasama si Nanay Soleng at Angel sa Davao hanggang sa makapagtapos ito ng High School. Nauna na si Paeng sa Manila para sa trabaho nito pero umuwi din ito sa graduation ni Angel at sabay na silang bumalik ng Manila para asikasuhin ang pagpasok ni Angel sa bago nitong eskwelahan.

"Passengers may disembark now, welcome to Manila and thank you for choosing Cebu Pacific." masayang pagbati mula sa isang flight attendant ng eroplanong sinasakyan nila.

"Excuse me, coming through." boses mula sa likod ni Angel na tila nagmamadaling pasahero. Paglingon nito, isang binatang halos kaedad niya na nakasuot ng itim tshirt na may nakasulat na DAREDEVIL, naka-headphones at mukhang mayaman. "Pasaylo, I just need to meet my mom bag-o siya mulakaw." (Pasensya, I just need to meet my mom bago siya umalis.) dagdag ng binata.

"Padaanin mo muna apo. Kailangan niya daw makita ang mama niya bago ito umalis." pabulong ni Nanay Soleng kay Angel.

Napatango ang binata sa kanya at nagkatitigan silang dalawa. Habang papalayo ang binata ay nabasa ni Angel ang label nito sa backpack 'Damon's Not Yours'. Dinedma lang niya ito at kinuha ang backpack nito at maleta. Na-amaze si Angel sa cultural presentation na sumalubong sa kanila sa airport.

Selfie dito, selfie doon, picture dito, picture doon.

#NEWLIFE #Manila #ChangeIsGood

Nagpost agad sa social media si Angel. Kinamusta siya ng mga kaibigan niya sa dati niyang school at nagtataka sila bakit nasa Manila siya, kung bakasyon lang ba o titira na siya doon? Sinabi naman niya ang mga pagbabagong mangyayari sa buhay niya at mamimiss niya ang buhay sa Davao. Malaking adjustment para kay Angel ang paglipat ng eskwelahan dahil galing ito sa co-ed school, maninibago s'ya dahil papasok na siya sa isang all boys school.

"Ayan na pala ang Dada mo." wika ni Nay Soleng. Napangiti na si Angel habang nakatanaw sa mga kalye na dinaanan nila papunta sa bagong bahay nila.

"Para 'din pa lang Davao ang Manila, Nay. Mas matraffic lang at mukhang mainit din." mga observation ni Angel sa paligid. "Maninibago ako for sure pero sisiguraduhin kong mag-eenjoy ako sa paglipat natin dito."

Matapos ang mahigit kalahating oras na biyahe mula airport hanggang Quezon City ay nagutom si Angel dahil hindi rin ito masyado kumain bago ang flight nila. Pinakilala ni Paeng ang mga kasama nito kay Manong Roger na isang Cebuano at head ng security sa subdivision kung saan sila maninirahan.

"Maayong hapon boss, kana na ang imong anak?" (Magandang hapon boss, 'yan na ba ang iyong anak?) pagbusisi ni Manong Roger.

"Opo. Siya yung kinukwento kong anak ko na lilipat din at mag-aaral sa St. Michael's Academy. Kasama pala namin si Nanay Soleng, siya yung katiwala ko na parang nanay ko na rin." Pagkwento ni Paeng bago pumasok sa subdivision. Nagkatinginan si Nanay Soleng at Manong Roger, at nagpalitan ng ngiti.

"Sige po, boss. Murag kapoy na kaayo kanang duha. Kanang car sticker niyo po nasa admin na."
(Sige po, boss. Mukhang pagod na masyado yung dalawa. Yung car sticker niyo po nasa admin na.)
Nagpasalamat si Manong Roger pagkatapos i-check ang sasakyan nila. "Salamat po, welcome po sa Villa Rosalia!"



Your Beksfriend Presents: Boys Do Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon