Habang nasa pila si Angel at Kiko ay dumating sina Burn at grupo nito.
"Excuse me, tabi nga, bibili kami." pagtataray ni Burn sabay tabig kay Angel.
Pinalagpas lang ito ni Angel dahil ayaw niya ng gulo. "Isa pong sandwich at pineapple juice ate." Order ni Angel habang katabi ang tatlong bully. Umorder uli si Burn ng pagkain kahit tapos na ito. "Ate Bon, tatlo pa ngang Waffle with cheese. Unahin mo yang order ko ha, nauna ako sa pila." pagsingit uli ni Burn.
"Pumila ka uli sa dulo iho kung gusto mo uli bumili kasi mahaba ang pila." Pagsagot ng tinderang si Bonita.
"Excuse me?! Hindi mo ba ako kilala?" Sagot ni Burn.
"Kilala kita. Kaya sa dulo ka na pumila, wala akong special treatment dito. Kung gutom ka pumila ka." Pagbara ni Bonita sa bata. "Eto na yung sandwich at pineapple juice. Yung susunod ano sa'yo?" dagdag pa ni Bonita.
Habang nakaupo si Burn ay nakita niya ang isang timba ng tubig na may sabon na ginagamit ng naglilinis na si Mang Pido. Sa galit ni Burn ay kinuha niya ito at pasimbleng binuhos sa daan ni Angel. Nagtagumay ito na mapatumba si Angel at tumilapon ang dala nitong mga pagkain. Bukod pa doon ay basang basa ang pantalon nito na animo'y nagpadausdos sa tubigan. Parang tumigil ang mundo ni Angel habang isa-isa nitong tinitignan ang mga nakasaksi sa kanyang pagkabagsak. Pinigilan nitong maiyak sa ginawang pambubuli nila Burn sa kanya. Nang mahimasmasan ay dali-dali itong tumakbo sa banyo. Sinundan ito ni Kiko pero mabilis itong nakatakbo paakyat sa pangalawang palapag kung saan may banyo sa kabilang sulok ng gusali kung saan ang classroom nila.
Umiiyak ito dahil sa nangyaring pambubully sa kanya sa unang araw niya sa school. Inaasahan na ni Angel na wala siyang magiging kaibigan sa bagong school nito pero hindi niya inaahasahan na may mas malala pa palang nakaabang sa kanya. Ang hindi din nito alam ay sumunod pala si Ramon At Elmo sa kanya sa utos ni Burn. Habang nasa loob ng cubicle si Angel at inaayos ang sarili ay pumuslit ang dalawa para lagyan ng harang ang pinto nito para makulong ito.
Naaninag nito na may mga anino sa labas pero hindi niya inintindi dahil sa nag-aayos ito. Natuklasan lang nito na hindi niya maitulak ang pinto, sumigaw si Angel at humingi ng tulong. Pero walang may nakarinig sa kanya. Nagsimula na uli ang klase at hindi alam ni Kiko kung nakabalik na ng klase ang bagong kaibigan. Nagduda naman si Damon sa bakanteng upuan sa tabi nito. Lumingon siya sa paligid at hinanap si Angel, subalit walang mukha ni Angel ang naaninag nito. Nakita nitong nagtatawanan sina Burn, kaya kinompronta niya ito.
"Nasan ang bago nating kaklase?" Matapang na pag-uusisa ni Damon sa grupo ni Burn.
"Hindi ko alam, hanapan ba ako ng nawawalang anghel? Baka bumalik na sa langit." Pagtataray ni Burn.
Kumaripas ng takbo palabas si Damon habang hindi pa dumadating ang guro nila. Pumunta ito ng canteen at nagtanong tanong sa mga tao doon. Nalaman niya ang nangyari kay Angel at ang ginawa ni Burn. Kaya Nagmamadali itong hanapin si Angel sa bawat palapag ng bawat gusali. Narinig nitong may umiiyak sa banyo at nagsasalita mag-isa. Nang pumasok siya ay nakita nitong may nakaharang na mop sa pinto sa dulong cubicle. Tinanggal niya ang harang at binuksan ang pinto. Nakita niyang nakaupo si Angel, madungis at mukhang bilasang isda.
"Halika na, ako na magsasabi sa next teacher natin kung anong nangyari sa'yo." Mga salitang binitawan ni Damon habang inaabot ang kamay nito kay Angel.
"Maraming salamat, Damon." sagot ni Angel.
Sabay na nagtungo ang dalawa sa klase, napansin ito ni Kiko nang dumaan ang dalawa sa pinto ng klase nila.
"Ma'am Sanchez, pasensya na po, nagkaroon po kasi ng hindi magandang pangyayari kanina sa aming bagong kaklase. May mga ilang estudyante po kasing pinagkaisahan ang bagong estudyante na ito. Nakita ko po siya sa kabilang sulok na banyo, may nakaharang sa pinto kaya hindi siya makalabas, bago pa noon ay binuhusan ng tubig na may sabon ang dinaraanan niya sa canteen kaya siya basang-basa ngayon." Pagpapaliwanag ni Damon sa HUMSS teacher nila.
"Oh siya, maraming salamat Damon. Mabuti pa ay dalhin mo sa sports & facilities si.. Anong pangalan mo iho?" Tanong ni Ma'am Sanchez.
"Angel Fabian po, Ma'am." Sagot ni Angel sabay ngiti, at sumagot din ng ngiti ang guro. "Ako na bahala sa gumawa nito sa'yo Angel."
Sinamahan na ni Damon si Angel sa sports & facilities para makahiram ng malinis na pansamantalang pamalit. Habang naglalakad ay nagpasalamat uli si Angel kay Damon.
"Damon, salamat sa pag-alala. Hindi ko inaasahan na ikaw pa ang tutulong sa akin." wika ni Angel.
"Bakit? May inaasahan ka bang iba na tutulong sa'yo?" sagot ni Damon.
"Wala naman." Napatigil si Angel saglit at napaisip sabay sabing "Pagkatapos kasi ng mga sinabi nila Burn sa akin tungkol sa'yo ay 'di ko naman na inasahan na kakaibiganin mo ako." Dagdag pa nito.
"Mukha ba kong ganon kasama? Sabagay, unang araw mo pa lang dito sa Saint Michael's Academy. Hindi ko naman din iniisip na magiging magkaibigan tayo agad-agad pero sana nga, dahil wala naman akong totoong kaibigan dito." malungkot na pagkwento nito ng saloobin.
"Paano namang wala kang ni isang kaibigan eh balita ko ikaw ang pinakasikat na estudyante at star player ng basketball dito sa SMA. Siguro naman may mga kaibigan ka kahit sa mga kateam mo." pag-usisa ni Angel.
"Hindi naman ako sumama sa kanila after ng practice, may iilan akong kaibigan sa team pero hindi lahat doon kilala ang totoong ako." Sagot ni Damon.
"Ano ba ang totoong ikaw?" Muling pag-usisa ni Angel.
"Ah wala naman, basta.. Oh, eto na pala tayo." Pagputol ni Damon sa usapan.
"Mang Pido, pinapunta po kami dito ni Ma'am Sanchez para humingi ng Tshirt, shorts at tsinelas para sa kaklase ko, pakilista na lang po sa Prime Section naka-assign." Pakiusap ni Damon kay Mang Pido.
Inabot ni Mang Pido ang mga gamit at nagpalit si Angel ng damit. Nang matapos ito ay bumalik na rin sila sa klase na hindi nag-uusap.
"Damon, thank you uli." Paghingi ng pasasalamat ni Angel sa bagong kaibigan.
Ngumiti lamang ang gwapong binata at pumasok na sila sa klase ni Ma'am Sanchez.
BINABASA MO ANG
Your Beksfriend Presents: Boys Do Fall In Love
Teen FictionWhen Angel transferred to an all boys school, he discovers that love knows no boundaries. Who are the boys he'll gonna meet and how destiny will tailor their lives as Angel sets foot in Saint Michael's Academy for Boys. Disclaimer: Pictures used a...