07 Beat Him or Bet Mo?

362 11 0
                                    


Sabado ng umaga ng magising si Damon sa bahay ng kanyang ama. 

"Son, I cooked breakfast. Tara kaon sa, naa kay tryouts karong aga, right?" (Son, I cooked breakfast. Tara kain muna, meron kang tryout ngayon umaga, right?) Pangiti at paglalambing na paanyaya ng ama sa anak. Ibang-iba makitungo si Bart sa anak na si Damon. Malambing at maalaga ang ama nito sa kanya, kahit tuwing weekends lamang at summer nagkakasama silang mag-ama. 

Tumango lamang at ngumiti si Damon habang inaayos ang upo.

"Dad, sa summer, tapad ko sa imo kung muuli kang Davao." (Dad, sa summer sama ako sa'yo kung uuwi ka ng Davao.) Pakiusap ni Damon sa ama. 

"Sure son, pero dili pa 'to sure kung makauli ko, ngano man? Naa kay problema?" (Sure son, pero hindi pa 'yun sure kung makakauwi ako, bakit man? Meron kang problema?) Pag-usisa ng ama kay Damon.

"Waay man, naa lang koy bag-o nga kaklase nga transfer student gikan Davao, if ever muuli pud siya, basin magkitaay mi didto. Nice man gud ang beaches sa Samal 'di ba?" (Wala naman, meron lang ako bago na kaklaseng transfer student galing Davao, if ever uuwi din siya, baka magkita kami doon. Maganda din kasi ang beaches sa Saman 'di ba?) Sagot ni Damon habang naalala nanaman niya si Angel. 

"Oo, madaming pwede gawin sa Davao." Sagot ni Bart sa anak.

Nang matapos kumain ay napansin ni Damon ang isang boquet ng pulang rosas na nasa sala.

"Daddy, bakit may mga bulaklak dito? Para ba ito kay Mommy?" Pang-aasar ng binata sa ama.

Ngumiti lang ang ama at pinagpatuloy ang pagkakape sa labas ng bahay habang nililigpit ni Mang Ben ang pinagkainan ng mag-ama. "Mang Ben, pakihatid na lang si Damon sa school, meron siyang tryouts ng alas onse ." inutusan ni Bart si Mang Ben bilang kasama ito ni Damon tuwing doon natutulog ang binata sa bahay ng kanyang ama. "Paki-sabi na rin kay Manang Esther na damihan niya ang dinner sa sususnod na sabado may bisita akong dadating, dadagdagan ko na lang yung pang grocery niya." dagdag na wika nito habang nakatingin ng malalim sa swimming pool.

Nagamamadaling magbihis si Damon dala-dala ang kanyang training bag at nakasuot ng varsity jacket dahil biglang umulan. 

Samantala, si Angel ay patapos pa lamang mag-exercise sa loob ng subdivision, inikot nito ang buong subdivision ng makailang beses pero inabutan din siya ng ulan kaya nagmamadali itong makauwi, nagdoorbell ito at habang nag-aantay ito ng magbubukas ng gate ay napansin niya ang isang binatang nakahoodie na pinapayungan ng isang matandang lalake sa kasunod na bahay, naalala niya yung jacket na suot ng binatang nakasama niya sa coffee shop sa na may letter D. Subalit hindi na nito masyado inusisa dahil biglang bumuhos ng malakas ang ulan at napagbuksan na siya ng gate.

"Nay, nakakita ka tong volleyball jersey ko nga puti?" (Nay, nakita mo yung volleyball jersey ko na puti?) Tanong ni Angel kay Nanay Soleng.

"Ay nilagay ko na sa training bag mo, may pamalit ka na rin doon." Sagot ni Nanay Soleng sa alaga.

Habang busy si Paeng sa pagbabasa ng dyaryo ay bigla niya sinabi kay Angel "Maligo ka na pagkatapos mo kumain, ako na maghahatid sa'yo sa school." 

"Opo Dada." Dali-dali namang naligo at nagprepare si Angel habang nag-aantay ang kanyang ama. Magtatanghali na ng umalis ang dalawa sa bahay dahil malapit lang naman ang Saint Michael's sa kanilang subdivision. Habang nasa biyahe ay kinamusta ni Paeng ang anak. "Kamusta naman ang unang linggo mo sa school?"

"Hindi po madali Da, nakakapanibago, puro lalake yung kalase ko, schoolmates ko." tugon ng anak.

"Masasanay ka din. Anong gusto mong kainin mamaya, para ipaghahanda kita, siguradong pagod ka sa tryouts mamaya, or gusto mo kumain na lang tayo sa labas?" Paanyaya ni Paeng sa anak.

Your Beksfriend Presents: Boys Do Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon