10 LOL - #LoveOnLine

307 6 0
                                    

Mula ng gabing iyon, nagbago na ang lahat kay sa pagitan ni Angel at Damon, naiipit sa sitwasyon si Kiko dahil ang alam ng dalawa ay hindi niya nakita ang mga nangyari. Pinipilit ni Kiko na makasama ang dalawang kaibigan pagkatapos ng klase. 

Inanunsyo na ni Gab at ng student council ang mga programa at paligsahang magaganap para sa darating na Buwan ng Wika na pinamagatang 'Sining, Musika at Puso ng Milenyong Pilipino'. Kasama na doon ang 'Saliw ng Dalawang Puso' kung saan gagamit ng piyesa ang dalawang partisipante na magpapahayag ng kanilang nararamdaman. Meron ding 'KwenTula' (Spoken Word Poetry) na itatampok ang mga kwentong isasalaysay ng mga estudyante depende sa mga ipnaglalaban nila sa buhay, pag-ibig, at kung ano pa man.

Bilang kasama sa dance club sina Angel at Damon ay napagpasyahan ng kanilang mentors na isali sila sa naturang paligsahan bilang partners. Nagregister naman si Kiko sa KwenTula bilang mahilig itong magsulat ng tula at kwento sa Wattpad. Makakalaban ni Angel at Damon sina Burn at Elmo. Kahit na napili ng dance club sina Angel at Damon ay hindi pa rin nagpapansin ang dalawa matapos silang mapili. Meron lamang silang tatlong linggo para magpractice ng kanilang mga piyesa.

Tumambay si Gab sa Sandoval's Cafe para na rin kausapin ang may-ari kung gusto nitong magsponsor sa naturang patimpalak. Habang nag-aantay si Gab ay naglaro muna siya ng Mobile Legends, at sa tinagal na panahon ngayon niya lang uli nakalaro ang taong nangtrashtalk sa kanya noong una. Hanggang sa biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

In-Game:

MonkeyKo214: Gumaling ka ata ArchangelGabby04. HAHA

ArchangelGabby04: Magaling naman ako, madami lang kupal sa paligid. HAHA

MonkeyKo214: Wow Confidence level 1000000!

ArchangelGabby04: Ewan ko sa'yo!

MonkeyKo214: Oh Support ka ngayon ah? Galingan mo ah.

ArchangelGabby04: 'Wag ka mag-alala. Di ako nang-iiwan sa ere.

MonkeyKo214: Whoah! HUGOT! HAHAHA

ArchangelGabby04: Maya ka na nga maggulo. Eto na oh nagsisimula na ang laro, ang ingay mo.

MonkeyKo214: Edi Off Mo ang Audio mo. HAHA

ArchangelGabby04:  Bahala ka na nga.

MonkeyKo214: Huy! Biro lang! Pikon naman agad.

ArchangelGabby04:  ...

MonkeyKo214: Unahin natin si Fanny. Wag hayaang magpataba guys!

ArchangelGabby04:  Kaya mo yan. Magaling ka di ba?

MonkeyKo214: Mukhang magaling itong si Apocalypso, yung gumagamit ng Fanny ah. Ang likot eh!

ArchangelGabby04:  Oo nga eh.

Habang naglalaro si  Gab ay napansin niya ang isang grupo ng mga binatang nagcecellphone nakaupo sa table malapit sa counter at nakapatong ang isang jacket na may pangalang Apocalypso. 

"Whoah! Seryoso ba ito? nandito rin si Apocalypso? Hmm Baka nagkataon lang." Pag-usisa ni Gab habang kinakausap ang sarili.

***VICTORY***

Nanalo ang team ni Gab at MVP ang may username na Apocalypso. At bilang bibo si Gab ay lumapit sya sa grupong nakaupo sa tabi ng counter. Tinapik niya sa likod ang lalaking may sulat na Apocalypso sa jacket. 

"Excuse me, naglalaro ka din ba ng Mobile Legends? Para kasing magkagrupo tayo kani-kanina lang. Ang galing mo!" pagbati ni Gab.

"Ahh Oo naglalaro ako pero hindi pa tapos yung chess game ko." sagot ng binata.

Your Beksfriend Presents: Boys Do Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon