14 Usahay Gahi, Usahay Humok (Minsan Matigas, Minsan Malambot)

140 3 1
                                    

Nagpalipas na ng umaga sina Angel kila Damon dahil lasing na lasing si Gab. Lumipat silang apat sa guest room sa 2nd floor. Mag-uumaga non at lumabas si Angel para umihi at kumuha ng maiinom na tubig. Biglang bumukas ang pinto sa katapat na kwarto.  Tumambad kay Angel ang isang lalakeng naka puting sando at boxer shorts. Nagulat din ang lalake ng makita si Angel. 

"Good morning po, kukuha lang po ako ng tubig." wika ni Angel na papikit-pikit pa at inaaninag ang lalake mula sa hagdan dahil isang ilaw lang ang meron sa hallway.  Tumango lamang ang lalake at agad ding bumalik ng kwarto kung san ito lumabas.

"Damon, alam ba ng daddy mo na uminom tayo dito?" tanong ni Angel pagkabalik niya sa kwarto.

"Ha? Nagpaalam ako pero sabi ko baka hindi matuloy, plano ko din kasi umuwi kay mommy kahapon." sagot ni Damon.

"Ahh nakita ko kasi ata yung daddy mo sa labas nung kumuha ako ng tubig, pero bigla din siyang pumasok ng kwarto. Medyo bata pa pala yung daddy mo noh?" wika ni Angel.

"Baby face lang siguro, may lagi kasing spanish yung side nila daddy." paliwanag ni Damon.

Habang nag-uusap ang dalawa ay nagising naman si Kiko mula sa mahimbing na tulog nito habang akap-akap si Gab.

"Hoooly! F*ck! Bakit ko kayakap yang mokong na 'yan?!" sigaw ni Kiko sa gulat.

"SHHHH! Ang ingay mo loko! Baka magising si president sa boses mo." tugon ni Damon. "Hindi mo ba naaalala? Sumasayaw pa nga kayong dalawa pababa ng hagdan habang akay-akay niyo ang isa't isa." dagdag pa nito.

"Fudge! Mag-aalas kwatro na pala ng umaga, antagal namin nakatulog?" pagtataka ni Kiko.

"Ano? Alas kwatro y medya na. Oo lasing na lasing kayong dalawa. Kulang na nga lang eh maghalikan kayo eh." sagot ni Damon.

"Ulol! Lalake 'to bro." depensa ni Kiko. "Hassssshhh! Tutulog na nga ako uli!" sambit ni Kiko sabay lipat sa kabilang sulok dala-dala ang comforter.

Alas nuebe na ng umaga ng magising ang mga binata, si Gab masakit ang ulo, si Kiko nakaramdam ng gutom, si Damon nasa gilid nagbabrowse ng cellphone at si Angel nakaakap pa rin sa unan at tulala. Biglang sumigaw si Kiko. "GUTOM NA AKO!" at nagtawanan ang apat sabay dahan-dahang iniligpit ang kalat sa kwarto  

Dumating si Manang Esther para maghanda ng agahan sa mga bisia ni Damon.

"Damon, pinapasabi ng daddy mo na 'wag mo na daw s'ya antayin mamaya, may importanteng lakad daw siya, pwede ka na sumabay sa akin pauwi sa mommy mo." bilin ni Manang Esther.

"Okay po. Pahanda na lang po ng mga pagkain sa mesa, tatawagin ko lang mga bisita ko." wika ni Damon.

Tinawag ni Damon ang mga kaibigan at sabay-sabay nag-agahan. Napansin ni Damon ang nakabalot na pagkain sa gilid ng lamesa, nang inusisa niya ito napansin niyang mga polvoron itong nakabalot ng maayos at may tatak na Cafe Sandoval. Lumapit si Manang Esther at sinabing "Iniwan yan ni Sir Bart, baka daw gusto niyo kainin. Marami yan at assorted flavors. Natikman ko yan, masarap yung pinipig."

Pagkatapos mag-agahan ay kumain sila ng polvoron. Biglang may naisip na game si Damon. "Laro tayo! Mag-isip kayo ng isang sikreto na gusto niyong i-share pero ang catch dapat kumain muna kayo ng tatlong polvoron, basta dapat puno yun bibig. Ang makakahula kailangan ibulong sa nagpahula. Ang matatalo manlilibre ng frappe ah! Game?"

"GAME!!!" sabay-sabay na sagot ng tatlo.

Unang sumalang si Kiko para magpahula, kumain ito ng tatlong piraso ng polvoron. Nagsalita na ito at binulong ni Gab ang sagot nito. Hindi siya tumama, samantalang sinubukan sagutan ni Damon at nakuha niya ang sagot. Umikot ang laro kay Gab na nasagutan ni Angel. Nagpahula si Angel at nasagutan naman ni Gab. Nang si Damon na ang nagpahula, sinubukang hulaan ni Gab at Kiko pero nabigo sila. Nang si Angel na ang sumubok hulaan binulong niya ang tingin niyang sagot kay Damon.

Your Beksfriend Presents: Boys Do Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon