08 He's Driving Me Crazy

341 8 7
                                    

At nagsimula na nga ang paghaharap ng grupo Angel at Burn sa volleyball court. 

"Lahat kayo ay susubukan ko sa lahat ng positions sa volleyball, para malaman ko kung san kayo ilalagay." Wika ni Coach Nick. 

"Line up! Isa-isa kayong magseserve, siguro naman hindi ko na kailangan ituro ang mga klase ng service. Gusto ko makita kung alam niyo lahat ang apat na iyon, at makita kung saan maganda ang palo ninyo. Show me the underhand serve, the floater, the topspin serve, and the jump serve." Dagdag pa ni coach bilang panimula ng tryouts.

Nasa sulok ng gym at nanonood si Damon ng palihim.  Isa-isa nang nagpapakitang gilas ang bawat manlalaro. Sumunod na tinignan ni Coach Nick kung papaano sila pumalo sa court. ginrupo niya ito ng may limang miyembro bawat isa, White 1, White 2, Black 1 at Black 2. Dito tinignan ni Coach Nick kung sino ang magaling na setter, libero hitter at blocker. Lahat naman ay nagpakita ng kaalaman sa larong Volleyball pero nangunguna sa listahan ni Coach Nick si Angel bilang Outside Hitter/Utility Spiker. Para itong ibon na lumilipad sa ere at mabilis mag-isip kung saan papapuntahin ang bola. Sumunod naman si Burn bilang Middle Blocker sa taas ng talon at haba ng katawan nito, dalawang beses nitong napigilan ang mga tira ni Angel. 

Alas tres na ng hapon ng matapos ang tryouts at tinawag na ni Coach Nick ang mga pasok sa Core Group, kasama na doon si Angel at Burn. Ang walong hindi nakapasok at nilagay sa Back Up Team sa mga laro. "Magpahinga kayo, alam kong napagod kayo sa araw na ito.  magpalit agad ng damit para hindi magkasakit. Ayoko ng dagdag isipin sa training sa susunod na linggo. Tama ang narinig niyo, magsisimula na ang training sa susunod na linggo. Dadating ang mga Seniors niyo para panoorin kayo maglaro at makakaharap niyo sila bilang unang pag-subok ninyo." Paalala ni Coach Nick sa bagong spikers ng Saint Michael's Academy.

Naaninag ni Angel si Damon malapit sa pinto ng gym. Umiwas si Angel at dumirecho ng banyo para magpalit kasama ang ibang estudyante.  Nagmamadali na rin si Angel dahil magkikita sila ng ama niya, pagbukas nito ng pinto ay sumalubong si Burn na tinitigan siya mula ulo hanggang paa. "Magaling ka nga, pero mas magaling pa rin ako sa'yo." pang-aasar ni Burn sa bago nitong magiging kateam. "Good luck sa'yo, pero sisiguraduhin kong ako ang magiging MVP sa lahat ng laro natin, tumabi ka nga baka pilayan kita dyan eh nang hindi ka na makalipad." dagdag pa nito. 

Binangga ni Burn si Angel sa balikat nito. At gaya ng dati, pinalagpas lang ito ni Angel dahil may iba siyang iniisip noong mga oras na 'yon. Lumapit si Damon kay Angel at akmang mag-high five pero tinignan lang ito ni Angel. Naiwan na lamang silang dalawa sa loob ng gymnasium.

"May problema ka ba?" Tanong ni Damon.

"Wala." Sagot nito habang nililigpit ang mga gamit. Napatingin si Angel sa labas ng gym na tila natutunganga at biglang bumagsak ang malakas na ulan. Nakatulala si Angel at tila nakatingin sa kawalan. 

"Huy, parang ang tahimik mo. Umuulan na, may payong ka ba?" Sambit ni Damon habang nakatalikod ito  kay Angel at nakatanaw sa labas habang nakasandal sa mga bakal na gate.

Napatingin si Angel kay Damon, tinitigan niya ang suot nitong tshirt na may chibi demon design. Akmang palapit ito para kumprontahin ito sa ginawa nito noong nakaraan. Nang papalapit ito at biglang humarap si Damon sa kanya. "Oh! Nakakagulat ka naman! Bigla-bigla kang sumusulpot sa harapan ko." Pagkagulat ni Damon sa nangyari. Tinitigan ni Angel sa mga mata si Damon na animoy nanlilisik at may galit. "Bakit ang sama mo makatingin sa akin? May nagawa ba akong masama sa'yo?" Tanong nito, sabay tawa ng may pagdududa.

"Oo." Mahinanang sagot ni Angel sabay iwas ng tingin. "Tama nga sila, bastos ka nga at walang modo." Dagdag pa nito.

Nagtataka na si Damon sa mga pinagsasabi ni Angel sa mga puntong iyon. Hinawakan niya ang balikat ni Angel, "Dude, may problema ka ba sa akin? Wala akong matandaan." Wika ni Damon.

Your Beksfriend Presents: Boys Do Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon