12 Urong Sulong Ka

177 7 2
                                    


Hindi nga makapaniwala si Angel sa nalaman nito at sa pakisuyo ni Monica na tulungan itong magkabalikan sila ni Damon. Umoo na lamang ito dahil naawa rin ito nang umiyak si Monica sa kanya. Habang nakahiga si Angel sa kama nito ay napaisip siya sa desisyon niyang tulungan si Monica kay Damon. 

Nagdaan ang ilang araw na tila bumalik si Damon at Angel sa dati sa kadahilanang palagi na silang magkasama sa practice. Ikinatuwa naman ni Kiko ang dahan-dahang pagsasama nilang tatlo tuwing break. Halos umabot ng gabi ang ensayo nila Angel at Damon para sa piyesang sasayawin nila. 

"Uhm. May sundo ka ba?" tanong ni Damon kay Angel. Umiling lamang si Angel. "Kay daddy pala ako uuwi since Friday naman ngayon and may basketball practice ng maaga bukas. Dala ko yung bike ko, angkas na lang kita pauwi, same subdivision naman tayo uuwian tonight eh. Wag ka mag-alala, 'di kita aanuhin." dagdag ni Damon na may konteng tawa.

"Baliw. Hindi naman 'yon. Baka lang kasi hindi tayo kayanin ng bike mo." sagot ni Angel.

"Tapos ka na ba mag-ayos? Tara uwi na tayo, 'Ga." pag-aaya ni Damon.

"Hey. Stop it. I heard it." seryosong paki-usap ni Angel.

"Biro lang eh, baka makalusot this time. Joke." pabirong sagot ni Damon habang naglalakad sila papuntang parking lot.

"Hmm.. Balita ko open daw yung event natin para sa non SMA students this year, nakwento ni Kiko, sabi daw ni Gab sa kanya." pagpahapyaw ni Angel sa mga pinaplano nito.

"Ahh talaga ba? Usually open lang ang events ng SMA sa mga family members and guardians ng students eh. Okay na rin 'yon kasi para makatulong sa mga mag-oopen ng booth sa event." sagot ni Damon na walang kaalam-alam sa mga susunod na mangyayari.

Isang linggo na lang ay sasayaw na si Angel at Damon. Habang nakaangkas si Angel ay biglang may naitanong si Damon. "Pagkatapos ba ng contest na ito, tapos na rin ba uli ang pagiging close natin dalawa?"

Tumingin si Angel sa gulong ng bike sa harap at napa-isip sa tanong ni Damon. Hindi dahil sa matatapos na ang practice nila ng sayaw kungdi ang plano ni Monica sa araw na 'yon. Iniisip ni Angel na baka si Damon naman ang magalit sa kanya pero ginagawa niya ito dahil tingin niya ito ang mas makakabuti sa kanilang dalawa. Ayaw niyang lumago ang nararamdaman nito para kay Damon kaya gusto niyang tulungan si Monica na magkabalikan muli sila.

"Ba't hindi ka umiimik? Masyado mo naman sineryoso yung tanong ko. Okay lang naman kung hindi mo na uli ako kakausapin pagkatapos non." patawang wika ni Damon.

"Baliw. Okay lang. Hindi naman kita maiiwasan. Magkaklase tayo, same varsity tayo, magkatabi pa ang bahay ng daddy mo at bahay namin." pabirong palusot ni Angel na ayaw mabuking na iba ang iniisip na dahilan nito. "Speaking of bahay, ayan na ang bahay namin, dito mo na lang ako ibaba maglalakad na lang ako papuntang bahay." dagdag pa nito subalit hindi siya binaba ni Damon at hinatid pa rin siya sa tapat ng bahay nila. 

"Ang tigas talaga ng ulo mo eh noh?" biro ni Angel.

Tumingin si Damon sa pantalon nito. "Hindi naman ah." sumagot din ito ng pabiro.

"Sige na papasok na ako, kung anu-ano nanaman sinasabi mo, salamat sa paghatid." binuksan ni Angel ang gate at ngumiti ito kay Damon bago nito sinara ang gate.

"Ingat ka Angel, good night! Sweet dreams!" sumigaw si Damon habang pabalik ng bahay ng daddy niya.

Sa mga oras na iyon nakaramdam ng kilig si Angel, na matagal na niyang dinedeny sa sarili niya. Ngumiti itong papasok ng bahay. 

Your Beksfriend Presents: Boys Do Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon