18 Always And Forever

185 6 0
                                    

***Defeated***

"Talo nanaman tayo, may balat ka ata talaga sa pwet." pang-aasar ni Kiko kay Gab.

"Paano, ang galing ng jowa mo. Hindi pa ata kami nagtatapat na natalo ko s'ya." sagot ni Gab.

"Syempre! Magaling talaga 'yun. Kaya nga ginagalingan ko eh para makasabay ako sa kanya." pagkwento ni Kiko.

"Nasan ba si Veronica? Sabihin mo magpakita naman siya sa barkada. Lagi na lang s'yang naglilive." pang-aasar ni Gab.

"Busy yun, nagpeprepare para sa cosplay event niya sa linggo. Pero sige sabihan ko siya." sagot ni Kiko.

Hindi man nagkatuluyan si Gab at Kiko gawa ng kanya-kanyang preferences nila, ay nanatili pa din ang pagkakaibigan nila. Niligawan ni Kiko si Veronica matapos itong ipakilala ni Gab sa kanya. Walang pinagsisihan si Gab dahil maganda at mabait si Veronica, nakasundo ito agad ng kanilang barkada.

Lumipas ang mga buwan at lalo pang tumatag ang pagsasama ng dalawa. Dumaan ang birthday ni Angel, ang intramural, sembreak, ang pasko, bagong taon, Valentine's day.  Naging open na sila unti-unti sa school mula ng araw na 'yon. Sinorpresa ni Damon si Angel sa rooftop ng bahay ng daddy niya.

"Sinabi ko sa sarili ko na kakantahan ko ang taong pinakamamahal ko kasabay ng pagnood ng mga bituin sa langit.." wika ni Damon. Ngumiti si Angel ng makita ang set up ng rooftop na pinuno ng maliliit na unan at lamesang puno ng pagkain.

Kinuha namang endorser ni Eden ang anak at boyfriend nitong si Angel sa isang campaign ng kanyang derm clinic. Sumikat lalo ang dalawa at dahan-dahang binuksan ang pinto sa lahat ng tao, isa na doon si Burn na may gusto noon kay Damon.

Nagkausap si Angel at Bullfrogs sa school ng isang beses na inabot sila ng ulan matapos ang Volleyball practice nila ni Burn.

"Naiinggit ako sa'yo, ikaw kasi ang pinili ni Damon. Matagal na kong nagpapansin 'don pero hanggang kaibigan o pambubully lang sa isa't isa ang relasyon namin dalawa. Tungkol pala sa sinabi ni Monica sa'yo ng nakaraang taon.. Hindi ko s'ya binully." pagpaliwanag ni Burn. "Nabuo ang Bullfrogs dahil din sa kanya. S'ya ang unang nambully sa amin nang naging sila ni Damon. Naging sunod-sunuran si Damon sa kanya. Kahit kami ang kaklase niya ay mas kinampihan niya si Monica at mga ginagawa nito. Gustong-gusto ni Nica na maraming nakapaligid kay Damon, tuwang-tuwa siya pag inaaway niya ang mga ito at pagbibintangan ng kung anu-ano." dagdag pa ni Burn.

"Okay lang, hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob. Salamat sa paliwanag." tugon ni Angel.

"Wag mo ko kaawaan, sinasabi ko lang ang totoo pero tandaan mo akin na ang MVP next year." pang-aasar ni Burn.

"Bring it on!" sagot ni Angel.

"Wow palaban! Sige! Galingan mo paglipad dahil ibablock kita palagi." pagyayabang ni Gab sabay tawa.

"Magkateam na tayo, 'di na tayo magkalaban noh!" sagot pa ni Angel na tumawa din.

Hanggang dumating Marso kung saan magtatapos na ang school year. Minadali na ng SMA ang klase gawa ng napapabalitang NCov2019. Unti-unti nang dumadami ang kaso sa buong mundo, sumakto ang huling araw ng examination bago inanunsyo ng presidente na magkakaron ng lockdown sa Metro Manila. Huling tatlong araw na hindi inakala ni Angel at Damon, na ang pagsasamang iyon ay hindi muna nila magagawa. Sa bahay ng daddy ni Damon muna ito tumuloy para makasama si Angel.

"Paano ba yan? Kahit isang kalye lang ang pagitan ng subdivision natin ay hindi tayo pwede magkita." mga salita ng kalungkutan mula kay Angel na ramdam ni Damon na mamimiss siya nito ng sobra.

Your Beksfriend Presents: Boys Do Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon