Ang buhay ng mga tao ay magkakadugtong ng hindi nila alam. Nakasalubong mo na pala sa isang convenience store yun taong magpapatibok ng puso mo, sabay pala kayong nag-cr ng taong may gusto sa'yo o 'di kaya pinagtagpo na pala kayo ng tadhana matagan na bago mo pa malaman. Para itong isang malaking agiw at wala kang maitatagong sikreto habangbuhay.
"Anong oras na ba? Kailangan na namin matapos lahat ito." wika ni Gab sa sarili habang nagmamadaling maglakad sa corridor.
Hindi magkamayaw ang student council sa pamumuno ni Gab, nagpaskil sila ng mga imbitasyon para sa listahan ng mga clubs and teams na pwedeng salihan ng mga studyante para sa kanilang extracurricular. Nag-announce din ang grupo sa bawat klase mula Elementary hanggang Senior High Students. Nasa sulok ng hagdan si Gab at napaupo sa pagod ng matapos ang pag-iikot sa buong school, sumakto naman nag-ring ang bell for recess. Habang nagpapahinga si Gab ay naglaro muna siya ng Mobile Legends.
"Whoah! Ang galing ah, so ako pa ngayon magtatank dahil nakapili na silang lahat?" mga salitang tumatakbo sa isip niya.
"Aba! Ano puro marksmen?" Dagdag pa niya.
IN-GAME naka-on ang mic:
ArchangelGabby04: "Need back up."
At habang nasa gitna ng laban, may sinabi ang kateam ni Gab na nagpainis sa kanya.
MonkeyKo214: "Ano ba yan Esmeralda, hirap na hirap magtank!"
ArchangelGabby04: "Wow! kayo nga itong puro marksmen pero hindi nakakatulong."
Galit na galit si Gab kaya naapektohan ang buong laro niya kahit halos suicide na yung ginagawa niya sa laro.
***DEFEATED***
Natapos ang laro na nakapag MVP pa rin Gab, at mataas pa din naman ang stats nung nangaasar sa kanya. Nakita niyang finallow siya nito at chineck ang profile niya, wala naman picture si Gab na inupload. Binalewala na lang ito ni Gab at bumalik na sa klase, nagprepare na ito para sa unang speech niya sa buong school bago magsimula ang pagpili ng mga clubs at teams.
Pasado alas tres na ng hapon ng magtipun-tipon ang mga estudyante at guro sa gymnasium.
"Good afternoon everyone! Thank you for being here, bilang taunang selection ito kung sa aling clubs o teams tayo makakasali, kasama natin ngayon ang ating mga teachers bilang sila ang ang magiging advisers at ang ating graduating class ng grade 12 para maging mentors; mula sa grupo ng grade one students hanggang sa amin sa grade 11 ay kailangan pumili ng dalawang grupo na sasalihan sa taong ito. Maraming nakahandang events ang student council bago pa magsimula ang klase at panahon na rin natin ito para makilala pa ng lubusan ang isa't isa. Nakapagpwesto na ang ating mga teachers at grade 12 students kung saang grupo sila nakaassign. Sana mag-enjoy lahat sa mga napili nilang grupo, maraming salamat!" pagbating panimula ni Gab sa buong eskwelahan.
Isa-isa nang nakapili ang mga estudyante, ang grupo ni Burn ay umupo sa unahan ng Arts & Events Club. Dumaan si Kiko at napataas ang kilay ng tatlong bakla.
"Pakibilisan nga, nakaharang ka sa harapan namin." pagtataray ni Burn.
Tumango na lang si Kiko at umupo sa likod dahil ayaw nito ng gulo. Samantala, sa kabilang parte ng gym ay tinipon ang mga magtatryouts sa varity team ng Basketball at Volleball. Nasa kanan nakapila ang halos singkwentang estudyante na gusto makapasok sa Basketball team. Nasa bente naman ang gustong sumali sa Volleyball team, kasama na doon si Angel.
Tanaw ni Burn na sumali si Angel, kaya tumayo ito at lumipat sa tryouts para sa Volleyball.
"Balita ko magaling ka daw sa Volleyball ah. 'Wag kang pa-star! Sasali ako, ako lang dapat ang star at muse ng Volleyball team, hindi lang ikaw ang marunong maglaro." Nagtaray muli si Burn subalit si Angel naman ang pinagdiskitahan niya.
"Ayoko ng gulo, gusto ko lang maglaro." Sagot ng Angel ng mahinahon.
Bilang hindi na maglalaro ang Grade 12 students, malaki ang chance ni Damon na maging Team Captain sa school year na ito. Siya ang nanalong MVP sa nakaraang intrams kalaban ang mga seniors niya. Kaya ganon na lang din ang galit ng karamihang Grade 12 sa yabang at galing na pinakita ng binata sa court. May ibubuga naman din kasi talaga sa court ang Point Guard at may tindig na 5'9 sa edad niyang seventeen. Kung itsura lang naman ang pagbabasehan, nag-papart time print ad model na rin si Damon kaya marami din siyang tagahanga sa loob at labas ng eskwelahan.
"Inaasahan ko kayong lahat na nakapagsign up dito sa form na magpapakita sa tryouts sa Sabado, alas otso hanggang alas onse ng umaga dahil gagamitin ng ating Volleball team ang court para sa try outs nila ng ala una ng hapon. Maraming salamat!" pagbigay ng instructions ni Coach Vic sa mga gustong magtryouts.
Sa kanang bahagi naman ay nagsalita na rin ang bagong coach ng Volleyball na si Coach Nick patungkol sa tryouts. Bata lang si Nick at nasa edad bente tres. Isang masungit pero gwapong coach na pinagtitinginan ng marami nung hapong iyon.
"Be on time, ayoko ng late ha. Maging disiplinado na kayo dahil ang makakapasok sa Varsity team ay may chance na marecruit at magkaron ng college scholarship gaya ng ating mga graduating grade 12 students na nakatayo ngayon sa harap niyo. Sila ay nakuha ng iba't ibang universities para maglaro sa kanila. Kaya gamitin niyo na itong opportunity para ma-enhance pa ang mga skills niyo. Para sa mga walang experience na gusto sumali, pwede pa rin kayo maging parte ng team at makapaglaro sa intrams. Dahil bente lang kayo, hinati na namin kayo agad sa dalawang grupo, ang mga tatawagin ay magsusuot ng puting damit, ang hindi naman matatawag ng inyong mentors ay magsuot ng itim. Maraming salamat, see you all on Saturday." Mga salitang binitawan ni Coach Nick bago ito umalis.
Muli ay nagsalita si Gab sa harap para ipaalala sa lahat na may isa pa silang club o team na pwede salihan pagkatapos nitong meeting na ito. "Kailangan lang ninyo magregister sa grupong yun at sabihin sa club advisers kung alin ang priority clubs na sinalihan niyo para malagay kayo as back up sa teams."
Lumapit si Angel sa SMA Dance Crew, humingi ito ng form at nagregister bago umalis. Lumapit naman ang bagong kaibigan nitong si Kiko at nagregister din.
"Angel, hilig mo din pala ang pagsasayaw?" tanong ni Kiko.
"Uhm Oo dude, may dance crew ako sa Davao nung andoon pa ako." sagot ni Angel.
"Nice, so mag-audition ka sa Sabado?" pag-usisa ni Kiko.
"Oo sana, kung hindi babangga sa Volleyball tryouts ko ng hapon." pag-aalala ni Angel.
"Kausapin mo na lang yung adviser ng Dance Crew para mabigyan ka ng options." suggestion ni Kiko sa kaibigan.
"Pero ayoko din kasi magpaka espesyal, ke bagu-bago ko lang dito sa school eh." Pangiting sagot ni Angel na narinig ni Burn.
"Buti alam mong bago ka lang dito, kaya wag kang bida-bida. Diba White team ka sa Sabado, ipakita mo ang galing mo sa Volleyball, hindi kita sasantuhin." Pananakot ni Burn.
"Tama! Ipakita mo ang galing mo, kung meron ka nga non." Sabat ni Ramon.
"Onga Angel! Baka pinagkakalat mo lang na marunong ka para makakuha ng attention. 'Wag kami." dagdag pa ni Elmo na biglang tumabi kay Burn.
Tinapik ni Kiko ang balikat ni Angel at sumenyas na lang ito na lumabas na dahil pinag-iinitan nanaman ito ng grupo ni Burn.
"Mga bahog ba-ba." (Mga mabahong bunganga.) pabulong na sinabi ni Angel sa sarili habang naglalakad sila ni Kiko papalabas ng gym.
"Anong sabi mo? Kinakausap mo ba sarili mo?" Tanong ni Kiko habang naglalaro sa cellphone nito.
"Ha? Wala, sabi ko uwi na. Umuwi na tayo kasi parating na si Dada ko." paglihis ni Angel sa usapan at nagpaalam na ang dalawa sa isa't isa. Bago makasakay si Angel ay natanaw niya na pasakay na rin si Damon sa sasakyan nito. Ngumiti lang sila sa isa't isa at kumaway si Damon bago pumasok ng sasakyan ng daddy niya. Dumaan ang sasakyan nito sa harap ni Angel at muli niya itong pasimpleng tinignan kahit tinted ang sasakyan ng daddy nya. Sumakay na rin si Angel sa kanilang sasakyan at tuluyan na siyang nawala sa paningin ni Damon.
BINABASA MO ANG
Your Beksfriend Presents: Boys Do Fall In Love
JugendliteraturWhen Angel transferred to an all boys school, he discovers that love knows no boundaries. Who are the boys he'll gonna meet and how destiny will tailor their lives as Angel sets foot in Saint Michael's Academy for Boys. Disclaimer: Pictures used a...