15 Indak, Talak At Pagkawasak

172 7 7
                                    

At nagsimula ang patimpalak ng hapon na iyon.. 

Pangatlo si Angel at Damon sa listahan ng mga sasayaw. Isa nga sa mga hurado ay si Ernesto Sandoval. Huli naman si Kiko sa KwenTula na kanyang sinalihan. Nang matapos ang ika-siyam na kalahok ay tinawag na ni Gab ang pangalan ni Kiko.

"Ang piyesang ito ay sinulat ni Hiraya at bibigyang buhay ni Francisco 'Kiko' Bautista.." pagpapakilala ni Gab.

"Ang tulang ito ay pinamagatang Duyog (Eclipse)...

Isang gabing 'sing dilim ng nagdaang panaginip,
Hindi mawari kung may buwan pa bang sisilip.
Naglalakad sa isang daan na walang pinapatunguhan,
Ang isip kong tila lumulutang sa kawalan.

Nag-aabang ako, nag-aabang ng tulong ang puso kong nakakulong.
Sa isang panahong bihira lang makaramdam ng pagmamahal na totoo.
Tila may sangdaang itak na sa akin ay isinaksak
Ng tadhanang minsan kong pinangarap na ika'y mahagkan sa galak.

Pag-ibig pa rin ang aking gabay
Sa mundo kong laging may sablay,
Ang mga ngiti mo ang aking liwanag tulad ng sa buwan,
Nagbibigay buhay sa pag-asang minsan na nating binitawan.

Pero sa gabing tila nahihiya ang buwan makipag-usap.
Hindi malaman, saan ba ako nagkulang?
Parang pag-iwas ng buwan sa araw sa bukang liwayway at dapit-hapon,
Ang abot kamay na sanang pagmamahal mong dahan-dahan nang tinangay ng panahon.

Nang iniwan mo ako sa pagitan ng pagmamahal ko at pagsuko mo,
At nang kinalimutan mong minsan din nating inasam ang ikaw at ako.
Pinanghahawakan ko ang sandaling niyakap kita ng mahipit,
Habang tanaw natin ang mundo at langit.

Hindi ako susuko tulad ng paghabol ng araw sa buwan,
Dahil alam kong makakasama pa rin kita.
Aasa ako at aasa pa rin, na balang araw mapapasakin ka
Tulad ng mga panahong kasakasma ka sa aking alaala.

Sa susunod na pagtatagpuin tayo ng tadhana,
Susubukan ko pa rin ngimiti at yakapin ka.
Magbabakasakaling maalala mong nandito lang ako,
Ako na nagmamahal at naghihintay pa rin sa'yo mahal ko.."

Napaluha ang karamihan sa pagbigay buhay ni Kiko sa isang makapagdamdaming tula. Sabay nagpalakpakan ang karamihan kaya hindi na napigilan ni Kiko ang maluha. Saksi ang mga kaibigan nito sa isang magandang piyesa na parang nakarelate si Angel at Damon. Mas naramdaman ni Angel at Damon ang tula na tila patama sa kanilang dalawa. Nagkaroon pa ng dalawang intermission number bago sinimulan ang dance contest. 

Nasa backstage na ang dalawa at naghanda, ipinakilala muli ang mga hurado. Tinawag na ni Gab ang unang kalahok, matapos ay sumayaw na rin ang ikalawang pares kung saan kasama si Burn. Nang matapos ito ay nagkasalubong sila at may ibinnulong kay Damon.

"Break a leg D, Monica's here, she's watching you." pang-aasar ni Burn at ikinainis naman ni Damon pero biglang hinawakan ni Agel ang kamay niya ng mahigpit at tumitig na tila nagpapahiwatig na "Kaya mo 'yan, andito ako."

"Tawagin natin ang ikatlong pares galing sa Prime Section, si Angel Fabian at Damon Lucerion. Sasayawin nila ang kantang 'Hindi Tayo Pwede' na pinasikat ng bandang The Juans. Isang masigabong palakpakan mga kaibigan!" pagpapakilala ni Gab sa dalawa.

 Mula sa magkabilang dulo ng entablado, paikot-ikot ang dalawa habang sumasayaw ng kanya-kanyang galaw. Hanggang magtagpo sila sa gitna at maghawak ng kamay, nagkadikit at muntikan pang magkahalikan ng hinawakan ni Damon ang mukha ni Angel pero iniwas niya ito sabay sa mga linyang..

Your Beksfriend Presents: Boys Do Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon