13 Ay Kog Labda (Don't Annoy Me)

193 8 8
                                    

Hindi alam ni Damon kung bakit biglang nagpaparamdam na lang uli si Monica, matapos nitong makipagbreak sa kanya over the phone nung panahong inaantay nya si Monica sa isang coffee shop sa mall para magcelebrate ng anniversary nila. Kaya ganon na lang ang inis at galit ni Damon dahil naiputan siya una ng babaeng inakala niyang magmamahal sa kanya. Nakapagmove on na ito sa masakit na nangyari sa kanya, mabilis magpalit ng babae si Damon pero sumugal siya kay Monica. At nung nakita niya si Angel na kinakawawa ng ibang estudyante at lumambot uli ang puso nito sa hindi niya maipaliwanag na rason at sa kapwa lalake pa talaga.

"Bakit ka nandito Nica?" tanong ni Damon. 

"Papanoorin kita sa practice mo, gaya ng dati." sagot ni Monica.

"Anong kababawan yan, ha? Pinagtitripan mo ba ako?!" medyo inis na boses ni Damon sabay lakad nito papalayo. Sumunod naman si Angel na nasaksihan ang sagutan ng dalawa.

"Monica, okay ka lang?" tanong ni Angel.

"Oo, baka nabigla lang talaga si Damon." sagot ni Monica sabay punas sa luhang pumatak mula sa kanang mata nito.

"Halika sabay na tayo. 'Wag ka nang umiyak, ang ganda mo pa naman." pag-alala ni Angel kay Monica.

 Naglakad si Monica at Angel papasok ng SMA at nakita nila si Burn at ang Bullfrogs. Tinitigan ni Burn si Monica na parang kinilatis niya ito mula sa malayo. At habang papalapit sila ay biglang napataas ang kilay ni Burn.

"Ohhh, it's Monica Martinez, Damon's ex. How charming napadpad ka nanaman dito sa school?" sambit ni Burn na parang may gustong ipahiwatig. "At anong ginagawa ng isang paru-parong ligaw kasama ang isang tipaklong?" dagdag pa nito. 

"Burrrrn! Ikaw pala 'yan. Hindi pa rin nagbago 'yang dila mo ha, matalim pa din. Pero you look a bit heavier? Napasarap ba kain mo nung bakasyon?" sagot ni Monica na ikinagulat ni Angel.

"Ahh you mean this voluptuous body? Yes, I have money, I buy foods and eat anything I want. Ang saya noh? Ako mahal ko kumain, yun iba d'yan minahal pero nagloko. Oops!" sagot ni Burn. 

"Tama na yan. Halika na Monica." pag-awat ni Angel sa dalawa.

Habang naglalakad si Monica at Angel ay biglang sinabi ni Monica ang mga pambubully na ginawa ni Burn sa kanya nung sila pa ni Damon. Andaming ikunwento ni Monica kay Angel na hindi nito nagustuhan, kaya lalong nainis si Angel sa Bullfrogs.

"Oo Angel, lahat 'yon ginawa ni Burn, dahil nagseselos siya nung naging kami ni Damon." wika ni Monica.

"Grabe pala ang ginawa nila sa'yo. Buti hindi ka na natatakot sa kanila ngayon ano?" sagot ni Angel.

"Oo dahil patuloy nila akong ibubully kung papayag akong mamaliitin nila ako.Kaya ikaw, 'wag kang pumayag na inaalipusta ka nila." pagpayo ni Monica kay Angel. Dumiretso na si Monica sa canteen at si Angel naman ay tumungo na sa gym para sa volleyball practice nito. Hindi mapakali si Damon at pinuntahan si Angel sa gym para tanungin kung anong pinag-usapan nila ni Monica at kung may nakuha siyang impormasyon tungkol dito.

"Dude, naka-usap mo ba si Monica kanina? Bakit daw s'ya pumunta dito?" pag-usisa ni Damon sa kaibigan.

"Haaa? Ikaw daw ang sadya niya dito eh. Mukhang makikipagbalikan ata sa'yo." pahapyaw ni Angel na sagot kay Damon.

"Hindi mangyayari 'yon dahil may iba na akong gusto." patawang tugon ni Damon habang nakatingin sa malayo.

Patay malisya lamang si Angel sa sagot ni Damon at sinabihan niyang kitain na lang siya after ng practice sa Cafe Sandoval. Hindi alam ni Damon na isasama ni Angel si Monica sa pagkikita nilang 'yon. lumipas ang ilang oras at naunang natapos ang practice ni Damon kaya agaran itonng pumunta sa Cafe Sandoval para makapag order na rin ng pupwede nilang kainin ni Angel.

Your Beksfriend Presents: Boys Do Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon