Napalingon ako sa kumatok, pero agad ko ding ibinalik ang tingin ko sa glass door.
Kumatok sya muli at binuksan ang pinto.
“Anak, nandito na yung uniform mo..” hindi ko parin tinapunan ng tingin si Mom.
“Ilalapag ko na lang dito sa kama mo at tyaka nga pala naayos na ng Dad mo ang pagpasok mo sa Sylvester University. Bumaba kana para makapag-breakfast.”
At narinig ko na lang ang pagsarado ng pinto.
Tumayo ako at tiningnan ang uniform na nasa kama.
Isang white blouse, with maroon vest, black ribbon at black and white checkerd na palda .
Nilagay ko sa cabinet ang mga yun
At lumabas na para mag-breakfast.
Naabutan ko si Mom na nilalagyan ng pagkain si Dad sa kanyang plato.
Napansin ata nila na pababa ako .
“Oh .. anak maupo kana at sabayan mo aming kumain..” sabi ni Mom.
Hinila ko ang isa sa mga upuan at umupo. Pinagmasdan ko silang dalawa.
Hindi ko lubos maiisip kung saan nakukuha ni Mom ang tatag nang kanyang puso. Na kahit ilang beses syang lukohin ni Dad nagagawa nya parin itong patawarin. At hindi ko alam kung saan nakakakuha ng kapal ng mukha si Dad para paulit-ulit na lukohin si Mom. Nasanay na ko sa paulit-ulit kaya simula nun hirap na akong magtiwala at simula nun lumayo na ang loob ko kay Dad. Hindi ako katulad ni Mom na masyadong manhid at mabait na madaling magpatawad. Tama na ang dalawang beses !!
“Eto anak tikman mo to... luto ko yan “ nilagay ni Mom ang pagkain sa plato ko.
Maglalagay pasana sya nang pigilan ko...
“Stop it ! I can do it ! hindi pa ko inutil para lagyan nyo nang pagkain!” alam kung nasaktan ko si Mom sa ginawa ko, pero ngumiti ito agad...
“Anak, college kana excited na ko para sayo..”Masaya nitong sabi.
Parang sya ang papasok mas excited pa sya sakin.
“Yeah..” tumango na lang ako at ininom ang gatas.
“Sylvester University well known to be one of the best school in the Philippines and high standard of education. kaya gusto ko your always on top at wag na wag kang gagawa nang kalukohan sa school na yun, dahil ayoko ng pinatatawag ako sa dean office..”
Binitiwan ko ang kubyertos pagkatapos sabihin ni Dad yung sermon nya. Tumingin ako sa kanya.
“I know wag nyo kung itulad sa inyo na gumagawa ng kalukohan ..”
Dumagundong ang lamesa dahil sa paghampas nito at pagkalaglag ng baso at na basag. Napasigaw naman si Mom sa gulat.
“Hindi ko gusto yang tabas ng dila mo ! pinag-aral kita para matutong rumespeto!” galit nitong sabi.
Agad itong inawat ni Mom .
“Hon! Tama na !”
uminom ako ng tubig at tumayo.
“I’m done here..”
Lumakad ako pabalik sa kwarto.
“Wag mo kung tatalikuran kinakausap pa kita !!!”
Galit na sigaw ni Dad di ko na lang pinag-aksayahan ng panahon para lingunin at nagpatuloy lang ako sa pag-akyat patungong kwarto.
“Turuan mo nga yang anak mong gumalang !”
“Tama na.. kakausapin ko sya mamaya..”
Pagdating ko sa kwarto ay ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at pumikit. Sana good vibes lang ang first day of college ko.
BINABASA MO ANG
LOVING THE DOTA MASTER
Teen FictionShe once fell in love and had her heart broken will this DOTA MASTER fix it? Or he'll be just another person to break it? --Kwento ni Bebang xD