Itchee’s POV
“Marco, nanuod ka kanina ng try-out ng basketball girls ng BM department?”- Chris
“Oo.. ang gagaling nila.”- Marco
“Ang galing nung blue ang buhok…”- Troy
“Si Ms. Addison?” - Chris
“Oo yung nga..”- Troy
“Pero mas magaling parin si Ms. Quentin.”- Kyle
Napatigil ako sa pagdutdot sa phone ko sa narinig na usapan nila. Tiningnan ko sila.
“Quentin…”bulong ko.
“Ang galling nya mag three point shots.” Sabi ni Kyle habang umaaksyon ng nagsho-shoot ng bola sa ere.
Naalala ko yung tining ko ang ID ni Ms. Disaster…
“Pare yun yung nakasira sa netbook mo.. ang galling nya pala.”- Marco.
“May laban kanina?”tanong ko.
Sabay-sabay silang nagsitanguan.
Agad kung hinila ang collar ng uniform ni Chris.
“Bakit hindi nyo sinabi sakin?!”
Badtrip! Hindi ko napanuod ang laro ng babaeng yun.
“Bakit? Diba hindi ka nanunuod ng basketball, kaya hindi kanamin niyaya..” paliwanag ni Chris. Tinulak ko sya. Inayos nya ang kanyang uniform na bahagyang na gusot.
“Nagbago na ang isip ko ngayon. Gusto ko nang manuod ng basketball.” Nanlalaki ang mga mata na tiningnan nila ako. Ngumisi sila ng nakakaloko..
“Anong ngini-ngiti-ngiti nyo dyan ?!” nayayamot kung tanong sa kanila at sinamaan ko sila ng tingin.
“Baka naman kaya nagbago isip mo kasi nan dun si Ms. Quentin..” nakangising sabi ni Troy.
Nag-apiran silang apat ..
“Gusto nyo nito?” sabi ko habang pinapakita ang kamao.
Sabay-sabay naman silang nagsiilingan.
“Kelan ang susunod na laban ?”
Natawa sila. Nag JOKE ba ko?!
“Pare, matagal pa ang laban nila. Magte-training pa ang mga yun.”paliwanag ni Marco.
“Bakit di kana lang sumali sa basketball?”
Ayan na naman sila !!!
Pipilitin nanaman nila akong sumali sa basketball.
“AYOKO!!!”
Tumayo ako at lumabas ng classroom. Ayoko talagang mag basketball.
Mapapagod lang ako !
Okay na ako sa dota. Upo lang tapos pindot-pindot OKAY na !
Di katulad ng basketball masyadong nakakapagod.
Buti pa sa DOTA hayahay ang buhay….
***
Nagikot-ikot ako sa paligid ng school. Iniisip ko yung try-out ng basketball girls.
“Sayang di ko na panuod..magaling kaya sya..?” napapakamot na bulong ko sa sarili.
Ano batong nangyayari sakin? Bakit nagkakaenteres ako sa babae ? di kaya---!
No! Hindi ! Imposible ! kakakilala lang naming tapos hindi pa maganda yung una naming pagtatakpo. Baka dahil lang to sa inis sa kanya.
Napatigil ako sa pglalakad ng Makita ko sya na papunta sa direksyon ko..
Hinawakan ko ang buhok ko at inayos ng bahagya..
At inilabas ang pamatay kung ngiti..
Wag kayong mag-isip ng kung ano sa kinikilos ko..!
Pagti-tripan ko lang sya. Aakitin ko sya tingnan natin kung maresist nya ang aking kagwapuhan.
Malapit na sya…
Bwisit !!!!!
Nilagpasan lang ako !nilingon ko sya.
“Hoy ! babae !”
Tumigil sya sa paglakad at humarap sakin.
“Bakit?”
Grabe ! walang gana nitong tanong ..
Siguro tomboy sya …nilapitan ko sya. At inilahad ang kamay ko.
“Nasan na ?”
She roll her eyes. Mukhang alam nya na ang hinihingi ko.
Binuksan nya ang bag nya at may kinuha sa loob.
Mukhang nakabili na sya.. GOOD !
Inilabas nya ang netbook at iniabot sakin.
“Good..” sabi ko habang nakangisi…
Tinaasan nya lang ako ng kilay. Aalis na sana sya ng hawakan ko ang barso nya.
“What?!” naiinis nitong sabi. At pilit tinatanggal ang pagkakahawak ko sa braso nya.
“Where not yet done..” nakangisi kung sabi.
Hinila ko sya..
“Wait! Ano ba ?! Bitiwan mo ko ! May class pa ko !”
Hindi ko pinansin ang pagsisigaw nya. Pilit syang nagpupumiglas pero mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kanya. Babae ba talag to? Ang lakas nya para sa isang ordinaryong babae. Dinala ko sya sa tamabayan naming magkakaibigan dito sa school. Para syang apartment. Naglagay ang Sylvester University ng ganon para sa mga gusting mag-stay.
Wala ang apat na ugok kaya pwede ko syang dalhin dun.
VOTE
COMMENT
FOLLOW
THANKS :D
@darebellionsylvester(Ms. Blue)
BINABASA MO ANG
LOVING THE DOTA MASTER
Teen FictionShe once fell in love and had her heart broken will this DOTA MASTER fix it? Or he'll be just another person to break it? --Kwento ni Bebang xD