Ehra’sPOV
“Manuod tayo mamaya ng try-out”
“Try-out ngayon ng basketball girls Sali tayo?”
“Balita ko maraming magtatry-out”
Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa pagdaan ko sa hallway.
Palabas ako ng building para pumunta sa gym.
Yeah...tama kayo magtatry-out din ako.isa kasi sa mga sports na kinahiligan ko.
Well kung tatanungin nyo kung magaling ako....
Definitely yes !
Player ako nung highschool ako, naging MVP pa!
Maraming tao sa gym....
Every courses ay may kanya-kanyang team na bubu-ohin para sa darating na intrums upang maglaban-laban. Nagyong araw magaganap ang try-out ng Business Management department.
Totoo nga ang mga usap-usapan na maraming magtatry-out at marami ding manunuod. Puno ang gym at mukhang pati ang ibang courses ay nanunuod din.
Dumeretso na ako sa CR upang magpalit ng jersey.
***
Ang ingay sa paligid ng gym may kanya-kanya silang pambato para maging kasapi sa BM department basketball girls.
Pumila na kami na mga kasali.
Nagtry-out din pala yung Lorie at ung blue ang buhok.... ano nga bang pangalan nun?
Pumito na ang couch upang umpisahan na ang warm-up.
Tinakbo namin ang buong gym ng 30 times na may kasamang action na may binabantayang kalaban. Pag-ilag sa mga orange cone,pagtakbo patungong ring sabay tira ng hawak na bola ng 50 times.
Paunti kami ng paunti dahil sumusuko na yung iba sa pagod.
Sa larong to dapat malakas ang resistensya mo...dika tulad nang isang nag-try-out may hika pala ayun...nag-aagaw buhay tuloy.
Makalipas ang ilang oras ay 20 nalang kaming natitira.
Hinati kami sa dalawang grupo at pinaglaban. Team A and team B, 10 players each of team.
Nakasama ko yung Lorie sa group A. Na-obserbahan kung magaling syang maglaro.
12 players lang ang kukunin para mag represent sa BM department.
Nagsimula na ang laro..
Ipinasok na ang tig-lima sa bawat team. Hindi ako na pili para maglaro sa first half,ganun din si Lorie.
Nakapasok din yung blue ang buhok sa team B.
Natapos ang first half na team namin ang lamang.
“Ms. Quentin, Ms. Salvatore, Ms. Cruz, Ms. Grover at Ms. Hantos. You go for the second half ” sabi ng couch sinagot namin sya ng tango..
Maya-maya lang ay nag-start na ang second half.
Pinapangunahan ng babaeng blue hair ang kabilang team. Nasa kanila ang bola.
Sinimulan na itong idrible ni Ms. Blue hair ang bola. Inihanda ko ang sarili ko upang bantayan sya. Nakita kung sumenyas sya sa kanyang mga kateam, kaya mas naging alerto ako. Tumangka syang susugod ....
Ng iniba nya ang kanyang direksyon. SHIT ! napeke ako dun. ... ipinasa nya ito sa binabantayan ni Lorie. Pilit na inaagaw ni Lorie ang bola dito. Itinira ng babae ang bola...
SALA !!!
Agad namang pumunta sa ilalim ng ring si ms. Blue.
Peste ano ba kasing pangalan nito ?!
Sabay kaming tumalon para sa rebound, ngunit masyado syang matangkad. Tinapik nya ang bola patungon ring...
“Two points for Ms. Addison” sigaw ng announcer.
Ayun naaalala ko na name nya sya pala si Kimberly Addison.
Dinrible ko ang bola patungong sa ring namin.
Halimaw talaga tong si Kimberly ! ang laki ! Sagabal tuloy !
Ipinasa ko ang bola at kumawala sa pagkakabantay nya.
Na kay Lorie ang bola.. tinitigan ko sya, tumingin din sya sakin at mukhang nakuha nya ang gusto kung ipahiwatig.
Ipinasa nya sakin ang bola. Akala ko hindi nya ipapasa kasi ...di ba nga war kami?..
Itinira ko ang bola...
“Three points for Ms. Quentin”
Gitgitan ang laban kahit na lamang kami ay hindi dapat kami makampante magaling an gaming kalaban.
“Another two points for Miss Addison.!.”
“Two points for Miss Salvatore!”
“three points again for Ms. Quentin!”
Natapos ang laban sa score na 68-70 lamang ang team namin..
Maya-maya lang ay i-nannounce na ang top 12.
Nakasama si Kimberly, Lorie at sympre pati ako....Galing ko kaya!!
Okay pala ka-team si Lorie....
Pumunta na ako sa C.R para makapagpalit.
"Nice game Ms. Quentin." napalingon ako sa nagsalita. Si Kimberly yung blue ang buhok.
Malapad ang ngiti nito habang papakapit sa direksyon ko kasama nya si Lorie. Hindi sya nakangiti, siguro dahil sa away namin nung nakaraan.
"Same to you Ms. Addison." nginitian ko din sya. Mukha naman kasing mabait ang isang to medyo wierd nga lang ang kulay ang buhok.
"Kim will do. And this is Lorielyn Salvatore, my cousin." pagpapakikala nito habang nakalahad ang kamay.
Kaya pala lagi silang magkasama. Itong si Lorie mukhang sosyalin kumpara kay kim. Tinanggap ko ang ksnyang kamay. Napalingon ako kay Lorie na inilahad din ang kamay habang nakangiti sakin. Tinanggap ko ito at sinuklian din sya ng ngiti.
"Congratulation ."
"Congratulation din sa inyong dalawa. I’m Ehra Quentin." bati ko din sa kanila. Mukhang okay naman makasama ang dalawang to.
I guess they are nice to be friends, total wala pa akong friends dito.
BINABASA MO ANG
LOVING THE DOTA MASTER
Teen FictionShe once fell in love and had her heart broken will this DOTA MASTER fix it? Or he'll be just another person to break it? --Kwento ni Bebang xD