Chapter thirteen: Mahal

35 3 1
                                    

Ehra’s POV

Grabe na stress ako dun sa nangyari kahapon ! Ang sarap gisingin ng 300 spartants sa pagkakahimay para ipa-salvage lang si Reachnelle Raliegh na yun !!!

Dahil sa kanya na sabon kami ng two hourslang naman !!

Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa first class ko.

“Sana hindi ko sya makita ngayon..” bulong ko habang naglalakad.

Nagulat ako ng may umakbay sakin unti-unti kung itinaas ang tingi at nung nakita ko kung sino…naisip ko tuloy sana hindi na lang ako pumasok ngayon.

“Hi! Babe !”nakangiti nitong bati.

“Lord ganun na ba ako kasama at ayaw nyong tuparin ang hiling ko?” bulong ko sa sarili.

“May sinasabi ka ?”

Pinaningkitan ko sya ng mata at tinanggalang pagkaka-akbay nya sakin.

“Ano na naman ba ?!Hindi mo ba talaga ako titigilan?!”

“Babe nagsusungit kananaman..Siguro meron ka ngayon?” ng-aasar nitong sabi.

Pakiramdam ko lumalabas na ang ugat ko sa mukha sa sobrang yamot sa lalaking to !

Hinila ko ang collar nya at inilapit ang mukha ko sa mukha nya mga inch na lang ang agwat.

“Babe bawal dito mag-PDA, kung gusto mo mamaya na---”

“How—ma—ny—times—that—I—need—to—tell--you?!!” nagtatagis ang mga ngipin kong sabi. Gigil na gigil na talaga ako sa kanya !

“To tell what?” nakangiti nito sabi kaya lalong nagiinit ang ulo ko pagngiti sya ng ngiti!

“S-TOP CAL-LING ME BABE!” sigaw ko sa pagmumukha nya. Kaya bahagya syang napapikit. Itinulak ko sya palayo sakin. At naglakad na muli.

Napahinto ako ng mapansing marami palang tao sa hallway at nakatingin sa amin, kutob kung narinig ata nila ang pagsigwa ko. May mga nagbubulungan, masama ang mga tingin at nagtatawanan…

“Di ba si Reachnelle Raliegh yun ng IT department?”

“Ang gwapo…”

“Swerte naman ni girl..”

“Hindi sila bagay !”

Hindi ko na lang pinansin ang bulungan nila at ipinagpatuloy ang paglalakad.

“Wait lang mahal!”  kasabay ng paghawak nito sa braso ko upang mapatigil ako sa paglalakad.

Mahal?? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko..

pamilyar sakin…

Nilingon ko ang may hawak ng braso ko umaasa na sya ang makikita ko.

Pero hindi…

At yung lungkot nanaramdaman ko ay napalitan ng galit. Sinamaan ko sya ng tingin at pilit inaalis sa aking isipan ang iniisip ko.

“OMG! Sila nga !”

“Ang sweet naman ni Itchee..”

“Pakipot pa ang girl na to ..”

Naguumpisa na naman silang magbulongan..kainis !

“Sabi mo wag babe..kaya mahal na lang..” sabi nito habang nagpapacute. Huminga ako ng malalim. Pipigilan ko muna ang urge na saktan sya.

“Bitiwan mo ko !” marami na talagang nakatingin sa amin. Masyado na kaming kumukuha ng atensyon.

Para kaming may LQ! Yuck !

Binitiwan nya ang braso ko.

“Wag na mo kung tawaging Mahal” matamlay na sabi ko.

“Ang sweet kaya nun”

Hindi ko na lang sya pinansin at naglakad na palayo.

“Mahal !aantayin kita mamaya !” pahabol nitong sabi haabang papasok sa classroom.

Narinig kung naghiyawan pa ang mga studyante sa hallway.

Naihilamos ko ang aking kamay sa mukha sa asar !

Inihagis ko ang bag ko sa upuan at pabagsak na umupo dito. Nilingon ako ni Kim at Lorie na nasa unahang upuan. Ang weird ng expression ng mukha nila.

“What?” nagtataka kung tanong.

“Ano yung sa labas kanina?” tanong ni Lorie.

I roll my eyes.

“Di mo sinabi kayo na pala nun.” Naka-pout  na sabi ni Kim.

“Hindi kami nun!”

Tumango-tango naman ang dalawa at ibinalik angtingin sa harapan. Tinitititgan ko lang ang kanilang likuran. Umakbay si Lorie kay Kim.

“Hi babe!” pinalaki ni Lorie ang boses na parang sa isang lalaki..

“Ano nanaman ba ?! hindi mo ba talaga ako titigilan ?” maarteng sagot ni Kim.

Parang alam ko tong ginagawa nila !!!!

Muling naginit ang ulo ko sa panggagaya nila samin kanina. So nanood din sila kanina ?!!

Tumayo si Kim pero agad naman syang hinawakn ni Lorie sa braso. Dahan dahang lumingon si Kim habang nagpapacute.

“What?” maarteng tanong ni Kim.

“Itigil nyo nga yan!” asar kung sigaw sa kanilang dalawa. Pero parang hindi nila ako narinig at patuloy lang sila sa panggagaya.

“Mahal ! aantayin kita mamaya !” sabi ni Loriena may kasamang kindat at kagat sa labi.

Nag-apiran ang dalawa at humagalpak ng tawa.

“HAHAHAHAHAHA!!!”

Humahawak na sila sa tyan sa sobrang pagtawa.

“Hindi ba kayo titigil?!”

Dinadagdagan pa nila ang init ng ulo ko. Pero mukhang wala silang balak tumigil sa pagtawa kaya sinipa ko ang upuan nila dahilan para mapasubsub sila sa mga upuan na nasa kanilang unahan.

“Aray !!” daing nila.

“Butinga !!”

Kinuha ko ang earphone sa bag at isinuot iyon at tumingin sa bintana.

Bakit ganon !

Bakit hindi parin kita makalimutan ?!unti-unting umagos ang luha saaking mga pisngi.

Agad ko itong pinunasan…

He doesn’t diserve my tears!!!

LOVING THE DOTA MASTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon