CHAPTER 3
INIPON KO ang buong lakas at itinulak si Rein. Napakurap ako habang ang binata ay mataman na nakatitig sa akin.
"Are you okay? Can you breath now?" He asked.
Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib at marahang tumango. Nakakahinga na ako pero ang pintig ng puso ko ay tila hindi normal.
Kalma, Sharmaine. Kalma.
Para akong tanga na nag inhale-exhale.
"Sharmaine, are you really okay? Do you want me to bring you to the-"
"Shut up!" Inis na utos ko.
Napakurap ito sa pagtaas ng boses ko.
"Hey, what's your prob-"
"You kissed me!" Akusa ko.
Rein looked at me flatly.
"You know that it's not a kiss, Sharmaine. I just-"
"I know! But still, you kissed me! Eww!" Parang gusto kong magwala. He really kissed me!
Tinignan lang ako ni Rein na parang hindi makapaniwala.
"You're insane. I just saved you and you'll act like that? You're welcome, then." Puno ng sarkasmo ang boses nito.
Nanggigigil na hinampas ko ito.
"Huwag na huwag mo ng ididikit 'yang nakakadiri mong labi sa labi ko! That was the second time!" Histerikal na sigaw ko.
Tama, simula ng magkahiwalay kami ay dalawang beses na ako nitong hinalikan. Ang unang beses ay noong nalaman nitong miyembro ako ng Phoenix. Nangyari iyon sa mismong resort nito pagkatapos ng engkuwentro ng mga Phoenix kay Raymond Tan noon na atat na atat makuha ang asawa na ngayon ni James na si Princess.
Galit na galit noon si Rein nang malamang miyembro ako ng Phoenix at ang tukmol ay basta-basta na lang akong hinalikan. Anong magagawa nito eh kinuha ako ng lolo ni James para maging miyembro ng Phoenix? Kahit si James noon ay walang ideya na miyembro na rin ako ng grupo nito. Ang alam lang nito ay tinutulungan ko ito bilang pulis sa paghuli kay Raymond Tan.
"Nakakadiri? Sarap na sarap ka pa nga noon kapag hinahalikan kita pagkatapos sasabihin mong nakakadi-"
"Tumahimik ka ngang gago ka!" Singhal ko.
Inis na nagmaneho ako ulit at hindi na ako kumibo pa. Hanggang sa makarating sa cafe kung saan kami magkikita lahat ng mga Phoenix ay hindi ko na ito kinausap ulit.
Nang kumpleto na kami ay bumaba ako sa kotse nito at akmang makikisakay sa magkasamang sina Amber at Princess nang hinila ako ni Rein pabalik sa loob ng kotse nito.
"Ano ba? Gusto kong sumama kay Amber at Pri-" Natigilan ako nang makitang nasa driver's seat si Edsel.
Tumikom ang bibig ko at piniling manahimik. Kapag nakita ng mga itong nagtatalo kami ay siguradong tutuksuin na naman kaming dalawa.
"Let's go? I'll be the driver dahil mukhang may sakit 'yang kapatid mo." Nakangising usal ni Edsel at talagang diniinan ang salitang kapatid.
I just rolled my eyes. Tahimik ako buong biyahe habang nasa backseat at ganoon din ang katabi ko.
Mukhang nainip si Edsel dahil nagpatugtog ito sa loob ng kotse.
"Inaamin ko, nagkamali ako. Inaamin ko nasaktan ko ang puso mo. Iniwan ka nang walang dahilan..." Nag-umpisa itong kumanta at talagang sinabayan ang lyrics.
"Nabalitaan ko, lagi ka raw tulala. Dinibdib mo aking pagkawala. Lagi ka raw umiiyak. Lagi mo raw akong hinahanap. Di ka pa rin nagbabago, mahal mo pa rin ako." Nagsalubong ang mga mata namin ni Edsel sa rearview mirror na nasa harapan nito at nakita ko ang pagngisi nito habang patuloy na kumakanta.
"Nanghihinayang, nanghihinayang ang puso ko. Sa piling ko'y lumuha ka lang, nasaktan lamang kita. Hindi na sana, hindi na sana iniwan pa. Iniwan kang nag-iisa at nagdurusa, ako sana'y patawarin na." Mas malakas pa ang boses nito kaysa sa kumakanta sa radyo at talagang may diin ang bawat lyrics nito.
Sinasadya nito iyon at ang halatang pinapatamaan kami nito base na rin sa nakakalokong ngiti nito.
Narinig ko ang pagtikhim ni Rein at ako naman ay nag-iwas ng tingin.
"Nanghihinaya-" Hindi natapos ni Edsel ang pagkanta nang dumukwang ako at malakas itong binatukan. "Aray! Kumakanta ako, sinisira mo performance ko!" Reklamo nito.
"Manahimik ka kung ayaw mong isumbong kita kay Christine at sasabihin kong nambababae ka at-"
"Sharm, huwag ka naman magbiro ng ganyan. Kahit hindi ako nambababae, hindi pa rin tamang sabihin mo 'yan sa asawa ko. Alam mo namang mahal na mahal ko 'yon." Kaagad nitong putol sa sasabihin ko.
"Ikaw na ang patay na patay. Nakakamatay ang mainlove kaya rest in peace." Usal ko at umirap.
Edsel just chuckled.
"Nakakamatay talagang mainlove. Tignan mo ako, patay na patay sa asawa ko." Anito at kumindat pa sa rearview mirror.
Napailing na lang ako at napayakap sa sarili ko nang makaramdam ng panlalamig at napahikab ako.
Bahagya pa akong napapitlag nang kinabig ako ni Rein at ikinulong sa matipunong dibdib nito. Pinahilig nito ako doon.
"Anong-" Natigilan ako nang pumulupot sa katawan ko ang isang makapal na kumot. Noon pa man ay ugali nitong magdala ng kumot sa loob ng kotse nito para sa mahabang biyahe.
"Just think this as a brotherly love from me. Don't say anything and just sleep." He murmured.
Halos nakayakap na ito sa akin at pareho kaming nakapaloob sa makapal na kumot. Pasimple kong tinignan si Edsel sa driver's seat. Nakatuon ang atensyon nito sa kalsada.
Hindi na ako umimik pa. Si Rein ay mas lalo akong isiniksik sa matipunong dibdib nito. Halos magkayakap na kaming dalawa.
"Sleep now. Malayo pa ang biyahe natin." Usal nito.
Wala sa sariling tumango ako at paunti-unti ay gumapang ang kamay ko para yapusin ang katawan nito. Naramdaman kong nanigas ang katawan nito na tila hindi nito inaasahan ang gagawin ko.
Gumalaw ang kamay nito at hinagod ang likod ko. This was his way to make me sleep before and he's doing it again now.
Pumikit ako at muling nanumbalik sa isip ko ang nakaraan. Ganitong-ganito kami noon. So close with each other like no one can fall us apart. Cuddling each other and will say I love you like we're deeply inlove with each other.
What happened to us, Rein? Kinalimutan mo na ba talaga ang nakaraan natin?
Nakatulog akong nakaukit ang mga tanong na iyon sa isip ko.
To be continued...

BINABASA MO ANG
Phoenix Series #6: My Heartbeat(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#6: Rein Sandoval "I can hear my own hearbeat and it shouts your name." - Rein Sandoval