Chapter 29

76.8K 2.2K 255
                                    

CHAPTER 29

MONTHS HAD PASSED.

Lumipas ang tatlo, lima hanggang sa walong buwan na hindi ko nakasama si Rein.

Nakikita ko ito pero hindi sa personal kundi sa telebisyon. Halos araw-araw ay si Cindy at ito ang laman ng balita. Kung saan-saang bansa nakakarating ang mga ito.

Cindy is a public figure dahil anak ito ng isang makapangyarihan at maimpluwensyang gobernador. Halos lahat ng kilos nito ay nakabantay ang medya. At kitang-kita ang kasiyahan sa mga mata nito habang ipinagmamalaki sa buong bansa na asawa nito si Rein at mahal na mahal ng mga ito ang isa't-isa.

Nakuntento ako sa panonood ng balita araw-araw tungkol sa mga Valdez. Kung paanong sweet si Cindy kay Rein sa harapan ng napakaraming tao. Kung paano nitong hinahalikan sa harap ng camera ang lalaking mahal ko. Kasa-kasama nito si Rein kahit saan ito mapunta. Kahit saang events at kahit saang lugar.

Nababalita na rin na si Rein na ang isa sa mga namamahala ng mga negosyo ni Governor Philip Valdez. Kitang-kita ang tiwalang binibigay ni Philip kay Rein. At alam ko na pabor iyon sa asawa ko. Mas malaya nitong magagawa ang mga plano nito.

Kaya kahit naiinis at nasasaktan ako sa mga nalalaman at nakikita ay pilit ko iyong iniintindi dahil alam ko na ginagawa iyon ni Rein para sa akin. Para sa aming lahat.

Isa o dalawang beses ko lang nakakausap sa telepeno ang asawa ko at aaminin ko na sobrang miss na miss ko na ito. At alam ko na triple ang nararamdaman ng asawa ko base pa lang sa boses nito kapag magkausap kami. Pero kailangan naming magtiis pareho.

"Ilang linggo na lang, manganganak ka na." Nilingon ko si Austin na tumabi sa akin habang nakatanaw ako sa labas mula sa terrace ng bahay nito.

Minsan lang itong pumupunta dito to check on me at para ibalita na rin ang mga detalye tungkol sa mga plano ng asawa ko.

Hinaplos ko ang malaking tiyan.

"Hope his dad will make it. Makakapunta naman siguro siya sa araw ng panganganak ko, hindi ba? Makikita niya ng personal si baby. Nangako siya." Mahina at malungkot na usal ko.

I already knew the baby's gender. At alam na rin iyon ni Rein dahil sinabi ko kaagad after my ultrasound months ago.

Alanganing tumango si Austin. Mapait akong napangiti.

"Alam kong mahirap ang sitwasyon niyo. Malaki ang sinasakripisyo niyong dalawa. Konting tiis na lang. Malalampasan niyo din ang lahat, Mrs. Sandoval. Tiwala lang sa asawa mo." Alam kong pinapalakas nito ang loob ko.

Tama ito. Mahirap ang sitwasyon namin. Sobrang hirap lalo pa at hindi kami nagkikita ng asawa ko ng ilang buwan.

"Nandito lang ako para alalayan kayo. Hindi ko kayo iiwan." Anito at nginitian ako.

Napatitig ako sa berdeng mga mata nito.

"Thank you for helping us, Austin. Napakalaking bagay ang ginagawa mo para sa amin." Sinserong usal ko.

Ang pagtira pa lang sa bahay nito para itago ako ay sobrang napakalaking bagay na.

Nagkibit-balikat lang ito at akmang magsasalita nang may magsalita mula sa likod nito.

"Nandito din naman kami. Handang tumulong para sa inyo ni Rein." Napaawang ang mga labi ko nang makita ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

"James." Sambit ko sa pangalan nito.

Sa likod nito ay kasama nito sina Edsel, Ethan, Prince, Clyde, Jastin at Ryder. Napatingin din ako sa apat pa nilang kasama. Matiim na nakatingin sa akin ang pinsan kong si Adrian. Sa tabi nito ay sina Kurt, Tracker at ang magkamukhang-magkamukha na sina Storm at Thunder.

Phoenix Series #6: My Heartbeat(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon