CHAPTER 27
SHE'S NOT TALKING to me and I understand. Dalawang araw na ako nitong hindi kinakausap pagkatapos ng mga tagpo namin sa kuwarto. Tinulak ako nito nang mga oras na iyon at pinalabas ako.
Alam kong nabibigla pa ito sa mga nalaman. Medyo nakahinga lang ako ng maluwag dahil kahit hindi ako nito kinakausap ay kinakain nito ang mga pagkaing inihanda ko.
"Hindi pa rin kayo nag-uusap?" Narinig kong tanong ni Austin na tumabi sa akin.
"She's not talking to me." I sighed.
"Tangina. Eh 'di kausapin mo." Udyok nito.
I just look at him flatly.
"Let me remind you that my wife is pregnant, attorney. Kapag tinatangka kong lumapit sa kanya, tinitignan ako ng masama. Kulang na lang gusto akong saksakin at ibaon sa hukay. She's scary." Napangiwi ako. "But I still love her, of course." Kaagad akong matamis na ngumiti.
And it was Austin's turn to look at me flatly.
"Fuck. How was the feeling of being inlove? I want to experience that, tangina. But on a second thought, ayokong magmukhang tanga kaya 'wag na lang." Wika nito.
Napailing ako.
"You'll gonna understand this when you fall inlove, Mr. Braniff." Usal ko at tinapik ang dibdib nito, sa tapat ng puso nito. "Kaya ihanda mo 'yang puso mo dahil hinding-hindi mo mapipigilan 'yan kapag tinamaan ka na ng pana ni kupido." Nginisihan ko ito.
"Whatever. Iiwan ko muna kayo dito sa bahay. Spend your quality time with your wife, fucker. You have one week to do that because Cindy will came back from Paris after one week. You have to come back to her dahil baka maghinala sa'yo." Tumango ako sa sinabi nito.
"I know." Usal ko habang pinagmamasdan ang asawa kong nakaupo sa gilid ng pool sa labas habang nakatampisaw ang dalawang paa nito sa tubig.
Tinapik ni Austin ang balikat ko bago lumabas. Narinig ko ang papaalis na sasakyan nito.
Napabuntong-hininga ako at namulsa habang patuloy na pinagmamasdan ang napakaganda kong asawa.
Lumingon ito sa akin at nagtama ang mga mata namin. Kaagad itong nag-iwas ng tingin at sumimangot.
Napangiti ako. She looks so cute. Mahirap amuhin ang isang buntis pero kaya kong magtiis.
Dahan-dahan ay naglakad ako patungo sa asawa ko. Hindi ito nagreklamo nang tinabihan ko ito. Hindi ako nito tinataboy.
"Gusto kong maligo dito sa pool." Binasag nito ang katahimikan.
"Then do it." Udyok ko.
Napatingin ako sa ibabang labi nito nang kinagat nito iyon.
"Kanina ko pa gustong lumusong pero kinakabahan ako kasi baka madulas ako." Tila nahihiyang usal nito. Inginuso nito ang tiyan. "You know, our little teddy bear might get hurt." She murmured.
I stilled when I heard what she said.
Our little teddy bear.
Fuck! Nakapakagandang pakinggan. Tila tinutunaw niyon ang puso ko.
"I-I'll help you." I said, stuttering.
Bakit ba kapag ito na ang magsalita ay hindi normal ang tibok ng puso ko? Kakaiba ang epekto ng babaeng 'to sa buong pagkatao ko simula pa lang ng unang araw na nakilala ko ito.
Lihim akong napabuntong-hininga at lumusong sa pool. Hinarap ko ang asawa ko at iminuwestra ang beywang nito.
"Pwede ba kitang hawakan?" Nag-aalangang tanong ko, nanghihingi ng pahintulot nito.
Baka mas lalo lang ako nitong hindi kakausapin kapag basta-basta ko na lang itong hawakan.
Nakita ko ang bahagyang pagngiti nito pero kaagad din iyong nawala at tumikhim ito.
"Yes, please." She responded.
Hinawakan ko ito sa beywang at dahan-dahan ay inalalayan ko itong makalusong sa tubig. Kaagad itong nangunyapit sa leeg ko nang maramdaman siguro nito ang lamig ng tubig ng pool sa katawan nito.
"You okay?" I asked.
Tumango ito.
"Thank you. Namiss kong maligo sa pool." Masayang sabi nito at malapad na ngumiti habang kumikislap sa kasiyahan ang mga mata nito.
Tila ito isang bata na pinagbigyan sa gusto nito.
My heart melt because of this beautiful scene. She looks so lovely and radiant. And she's my wife and I'm really proud of it.
"I love you." I murmured and she stilled.
Napatitig ito sa mga mata ko.
"Bakit nandito ka kasama ako? Hindi ba maghihinala si Cindy sa'yo?" Tanong nito.
Umiling ako.
"She's in Paris right now." Tugon ko.
Parehong nasa Paris ang mag-ama. Nagdahilan lang akong masakit ang ulo ko kaya hindi na ako sinama ng mga ito.
Nabibilog ko ang ulo ni Cindy kaya mabilis ko itong napapaniwala at ginagawa nito lahat ng gusto ko. Masyado itong nabubulag ng matindi nitong pagkagusto sa akin at gagawin nito ang lahat para sa'kin.
Kaya nitong pumatay at ipahamak ang mga taong importante sa akin para lang makuha ako nito. At sa ginawa nito sa asawa ko, sisiguraduhin kong magbabayad ito sa tamang panahon.
"Hind ba niya tayo matutunton dito? N-Nasaang lugar ba tayo?" Muling tanong nito.
Nginitian ko ito.
"We're in Austin's place. It's a private property and as you can see, mga kakahuyan ang sa paligid natin. Hindi ko alam kung ano naisip ng lokong attorney na 'yon at nagpatayo ng bahay sa gitna ng kagubatan. Basta't ang alam ko lang, mahilig siya sa mga puno." Paliwanag ko.
Tumango ito.
"Rein..." Tinawag nito ang pangalan sa pinakmahinang boses nito.
"Yes, baby?" Tugon ko.
Nakita ko ang paglunok nito. Nag-aalangan ang mga mata nito. Tila may gusto itong sabihin na hindi nito kayang isatinig.
"A-Are you having sex with Cindy?" Sa wakas ay tanong nito.
Pinigilan ko ang mapangiti sa mismong harapan nito. She's jealous, I can see it.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa beywang nito at tinitigan ang mga mata nito.
"She's good in bed." I lied.
Gusto kong makita kung hanggang saan ang selos nito.
I saw a glint of hurt in her eyes. And slowly, she let go of me.
"H-How about me? H-Hindi ba ako magaling? H-Hindi ba ako masarap?" Nagbabadya ang luha sa mga mata nito.
Lihim akong napangiti sa naging reaksyon nito. Napaka-cute nitong tignan habang kumikibot-kibot ang mga labi nito sa pagpipigil na pag-iyak. Gusto kong pagsisihan at bawiin ang sinabi ko pero gustong-gusto kong nakikita ang ekpresyon sa mukha nito.
"Should I have sex with another man to gain more experience?" Nanigas ako sa sinabi nito.
It feels like that I've tasted the dose of my own medicine.
"Gago ako kung hahayaan kong gawin mo ang bagay na 'yan dahil tangina, akin ka lang, Sharmaine." Mariing usal ko at mapusok na sinakop ng halik ang mga labi nito na ikinasinghap nito.
"Ipapaalam ko sa'yo kung gaano ka kasarap sa kama." Bulong ko at walang kahirap-hirap na inahon ko ito sa pool at dumiretso sa kuwarto ko.
To be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/199814894-288-k766909.jpg)
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #6: My Heartbeat(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#6: Rein Sandoval "I can hear my own hearbeat and it shouts your name." - Rein Sandoval