CHAPTER 10
Shout out to all members of Phoenixian's group.💞💛🤗 Love lots!😘
Goodmorning to all!🤗
PS: Sorry, late ko na napost 'to. Inatake ng KATAMARAN si author.😅🤣
Enjoy reading!😘
NAGISING AKONG MASAKIT ang buong katawan. Napangiwi ako nang maramdaman ang matinding hapdi sa gitna ng mga hita ko.
Mariin akong pumikit at pilit na inaalala sa isip ang mga nangyari kagabi. At dahan-dahan ay nagmulat ako ng mga mata nang bumalik ang lahat sa alaala ko. Klarong-klaro ang mga iyon.
"Hindi. Hindi. Hindi ako 'yon! Hindi!" Halos mabaliw ako sa kakaisip.
Bigla akong napabangon at napadaing nang maramdamang mas humapdi ang pribadong parte ng pagkababae ko.
Fuck!
Anong nangyari? Did I really lost my virginity to that man?!
Wala ito sa kuwarto. Ni hindi ko makita ang anino nito.
Tinignan ko ang sarili. May suot akong malaking damit pero wala akong suot na bra at underwear. Amoy pa lang ng damit ay alam ko na kung kanino iyon.
Rein! Salot ka talaga sa buhay ko!
Pinilit kong bumaba sa kama kahit pakiramdam ko ay nabugbog ang buong katawan ko. Napatingin ako sa kama nang makita ang mantsa ng dugo ko doon.
Naikagat ko ang ibabang labi at tinungo ko ang wooden table na nasa loob ng kuwarto at mahigpit na hinawakan ang nakapatong na laptop doon.
Mariin akong napapikit nang marinig ang pagbukas ng pinto at narinig ko ang boses ng binata.
"Yes, attorney. Thank you for helping me on this. See you next-"
Hindi nito natuloy ang sasabihin sa kung sinuman ang kausap nito sa cellphone nang malakas kong hinagis ang hawak na laptop dito.
"Fuck!" Malakas itong napamura at nasapo ang ulo nang tumama doon ang hinagis kong laptop. Natapon ang hawak nitong cellphone sa sahig.
"Papatayin kitang gago ka!" Malakas na sigaw ko.
"Sharmai-"
"Hayop ka! You took advantage on me!" Patuloy ko at naghanap pa ng gamit na puwede kong ihagis sa binata.
Nakita ko ang lampshade sa bedside table at kinuha iyon. Malakas ko iyong hinagis sa binata at tumama iyon sa dibdib nito. Ni hindi nito iyon iniwasan na tila handang-handa sa mga gagawin ko.
"I'll kill you, you bastard!" Nagpupuyos ako sa galit.
Lumapit ito sa akin at akmang magsasalita nang malakas ko itong sinampal. Hindi ito ako nito pinigilan habang kinakalmot ko ang mukha nito. Sinuntok-suntok ko ang malapad at matigas na dibdib nito.
"You took advantage on me! Nilagyan mo ng gamot ang iniinom ko, hayop ka! I'll sue you!" Sigaw ko at gigil na pinaghahampas ko ito sa dibdib.
Hinayaan lang ako nito habang hinahampas ko ito. Napuno ng kalmot ang mukha nito at may dugo na rin ang noo nito pero hindi ako tumitigil. Gusto ko itong saktan dahil sa sobrang galit at inis ko.
Hingal na hingal na tumigil ako nang mapagod at ang binata ay nakatingin lang sa akin. Ni hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata nito.
"Kakasuhan kita ng rape!"
He just nodded at me. Aba't, parang wala mang pakialam!
"Kakasuhan kita ng rape tapos tatango ka lang?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #6: My Heartbeat(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#6: Rein Sandoval "I can hear my own hearbeat and it shouts your name." - Rein Sandoval